Gathering's

4.5K 200 39
                                        

Nagkakagulo ngayon sa mansyon ng mga forbes. Busy ang lahat ng mga tao dahil sa gaganaping pagtitipon every year daw ito ginagawa ngayon palang ako makakasama sa pagtitipong ito buhat ng mapunta ako sa mundong aking kinalalagyan ngayon.

Ngayong araw ko din makikilala ang mga angkan ng mga forbes dahil darating daw ang ama at ina ng aking daddy. Maging ang angkan ng mga madrigal ay dadating din may importanteng paguusapan ata ang mga ito.

"Baby sis magbihis kana malapit ng dumating ang mga bisita". Malambing na sabi ni ate sakin.

"hm. Okay ate" naglakad na ako papunta sa room ko ayaw ko sanang bumaba mamaya pero hindi ako pinayagan nila mommy at daddy namiss daw ako nila lola at lolo kaya kailangan andun ako sa pagtitipon simula daw kasi ng may nangyari sakin nung bata pa ako hindi na sila dumalo sa pamamahay namin pero nung nalaman daw nila na yung pagtatangkang pagpapakamatay ko ay bigla daw nilang sinabi na gusto nila akong makita at miss na miss na daw nila ang paborito nilang apo.

Hindi naman daw makapaniwala sila daddy at mommy sa mga pinagsasabi nila lola ang akala daw kasi nila ay ayaw ng mga ito sakin dahil hindi man sila bumibisita sa bahay. Simula daw kasi ng may mangyaring trahedya sakin noong 5 years old ako ay wala na silang paki sakin ayaw nilang naririnig ang pangalan ko sa hindi malamang kadahilanan. Nang sabihin ni daddy sakin yun ay maging ako man ay nagtaka sa nangyayari. Sila din daw ang dahilan kung bakit fiancee ko si tiffany simula daw kasi ng bata kami lagi na kaming magkasama sinabi daw namin sa isa't isa na magpapakasal kami sa tamang panahon na agad naman sinang-ayunan ng mga lola at lolo namin nun.

Ngunit ang pinagtataka ko ay bakit simula daw ng maganap ang accidente noon ay nagbago ang lahat pati ang pakikitungo sakin ni tiffany.

Anong nangyari nung mga panahon na yun? Ang balita kupa ay ang batang tiffany ang may pakana bat nagkaroon ng engagement na sinang ayunan lang ng batang lorein dahil mahal niya nga ito. Hindi ko maiwasang magtaka dahil kung patay na patay ang batang tiffany ka lorein bakit tratohin niya ito na parang walang kwentang bagay sa harap ng maraming tao.

"Young master Lorein pinapatawag na po kayo sa baba" tawag pansin sakin ng isang binata mukhang mag kasing edad lang kami ngayon ko lang din nakita ang lalaking ito.

"Paumanhin young master, ako po pala si calix anak ng butler nina Master Raven at Lady Laurent Forbes". Pagpapakilala nito sakin

"hm. Hello Calix, bakit ikaw ang pinapunta nila mommy dito? Baka hinahanap kana nila lola at lolo diba dapat sila ang binabantayan mo dahil ikaw ang papalit sa pwesto ng iyong ama?". Nagtatakang tanong ko rito dahil pwede naman kasi nila akong ipatawag ako sa iba.

"Yes po young master, ako nga po ang papalit sa pwesto ng aking ama ngunit hindi para maging butler ng mga nakakatandang forbes". Dahil sa sinabi nito ay lalo akong nagtaka.

Mukhang napansin nito ang pagtataka sa aking mukha.

"Simula ngayong araw po ay ako na ang magiging bulter nyo young master". Magalang na pahayag nito.

Pero ano daw ako? "Wait mukhang nagkakamali ka ata calix ang pwede lang magka butler ay ang taga pag mana ng mga forbes at hindi ako yun" ano naman kaya ang plano ng mga matatandang forbes hindi naman ako ang taga pag mana nila baka nga si oliver yun dahil madami na itong narating sa buhay at ang pagkakaalam kupa ay lagi itong nasa bahay ng mga matatandang forbes kaya ang alam din ng mga karamihan ay siya ang magiging taga pag mana.

"Hindi po ako nagkakamali young master dahil simula ng pinanganak ako ay yun ang utos sakin ng inyong lolo at lola". Pagpapaliwanag nito.

"Wait simula ng pinanganak ka?" Naguguluhang tanong ko dito.

"opo young master, tara na po at hinihintay na kayo sa baba". sila master at lady forbes nalang po ang sasagot sa inyong mga katanungan.

Naguguluhan man sa aking mga nalaman ay bumaba na kami dahil ako nalang ata ang inaantay nakakahiya naman kung ganun.

Unlove Tiffany MadrigalMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon