Tiffany Madrigal

3.7K 177 13
                                    

Paglabas ko palang ng aking sasakyan marami ng bulong bulungan at napapatingin sakin. Kita rin ang gulat at pagkamangaha sa kanilang mga mukha.
Sana'y na ako sa spotlight nung ako'y nabubuhay pa sa katauhan ng isang Stefanie Versosa kaya hindi na to iba sakin.

Mula sa kalayuan kita ko ang aking mga kaibigan na papalapit sa aking kinatatayuan. "Wow you look different rein!" Manghang sabi ni samara. "I mean you look pretty like me". Dagdag pa nito.

"Agree ako sa sinabi ni samara", mungkahi ni Gabriella. "ito naba ang bagong Lorein Forbes?". "If it is, then i really love the way you change yourself rein". Nakangiting sabi nito. "Thank you" wow nagbago kana talaga rein dati rati hindi ka man lang marunong mag thank you. "Well this is the new version of me". Natatawang sabi ko dito.

"Moving on naba talaga rein?". Natatawang tanong ni samara. "Yes" and hindi lang ako ang magmomove hindi ba? Taas kilay na tanong ko sa kanila. "Y-yeah right mag momove on na din kami". Nag aalinglangan sabi nito. Dont worry makakapag move on din kayo at hindi na magpapakatanga sa love. Sabi ko sa isip ko.

"Let's go? Kailangan na natin hanapin yung classroom natin. Don't worry Gab okay na lahat hindi na natin pa kailangan maghanap". Sinabi ko sa kanila kung anong room at kung sino ang magiging prof namin then we make are way na.

Nandito na kami sa room namin nagaantay sa prof namin. Nakaupo kami sa likod. ako ang naka pwesto malapit sa bintana gustong gusto ko kasing nakikita ang tanawin sa labas. Habang napapagitnaan naman namin ni sam si gab. "Guys? Napansin nyo ba na ang daming nakatingin sa atin kanina habang naglalakad tayo?" Nagtatakang tanong ni gab. Napatingin naman ako dito. Ngayon niya lang pala napansin yun. "Wait, Mali pala yes napapatingin sila satin pero mas napapatingin sila kay rein am i right mara?". Tanong nito.

"Yup, at hindi lang basta tingin ah. Hindi ko sure kung tama ba ako. Pero may nakikita akong paghanga at pagnanasa sa mga mata nila". Overstate na sabi nito.
Hindi kuna sila tinapunan pa ng tingin dahil ako lang naman paguusapan ng mga ito.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng pumasok ang aming prof. Maganda ito sa aking tantya mga 30 plus na ito. Nagpakilala ito samin at sinabi kung tungkol saan ang aming tatalakayin sa kanyang leksyon. Pero bago magstart ang aming lesson ay sinabi nito na magpakilala muna kami sa harapan. Nagpakilala naman kami isa isa. Ngunit ng kaming tatlong magkakaibigan hindi maiiwasan ang bulong bulungan. Like bat daw hindi na kami nakabuntot sa tiffany's circles. Meron din masaya dahil naging classmate daw nila kami at baka may magustuhan kami sa kanila. Nang matapos na kaming magpakilala ay doon na nagstart ang aming klase nagsabi lang ito kubg ano ang aming tatalakayin at kung ano ang mga requirement niya para makakuha kami ng mataas na grades.

Sa kabilang banda naman may isang groupo ng mga kababaihan na nakatingin sa harap habang may nagsasalita sa harap nila. Ngunit mababakas sa kanilang mukha ang pagtataka at pagkabahala hindi nila malaman kung bakit nararamdaman nila ang bagay na yun. Diba dapat maging masaya sila dahil wala ng mga sabagal sa kanila. Pero hindi iyon ang nararamdaman nila ngayon. Sa hindi malaman na kadahilanan ay may nakaramdam sila ng takot. Lalo na ang babaing nasa gitna nila. Mababakas sa maganda nitong mukha ang pagkabalisa hindi niya maintindihan ang sarili pero parang may mangyayari na hindi niya magugustuhan. Para may malaking parte sa buhay niya ang mawawala at ayaw nito ang nararamdaman.

Maraming dinidiscuss ang kanilang guro ngunit hindi sila makapagfocus dahil sa mga naiisip. "Okay stop!' Sabi ng isa sa kanila. Ngunit napalakas ata ang kanyang boses kaya napatingin at napatigil sa pananalita ang kanilang guro. Sa gulat nito ay hindi siya agad nakapagsalita. "I-im sorry". "May hindi kaba maintindihan sa sinasabi ko ms. Harris-?".  "You may continue. Don't mind her". Makamandag na sabi ng nasa gitna. Hindi naman nakapagsalita pa ang guro dahil sa takot na baka mapatalsik ito sa trabaho.

"Ava, You need to calm down!". "Hindi magtatagal ang hindi paramdam nila. alam mu naman na obsess sila sa atin kaya hindi nila tayo madaling makakalimutan. Right tiffany? "Tanong nito dito. Tinignan naman siya nito at tumango.

"Tama si jace, ava alam mu naman ang mga yun. Pero diba dapat maging masaya tayo dahil free na tayo. Walang buntot ng buntot sa atin magagawa na natin lahat ng gusto natin ng walang sabagal". Positive na sabi nito.

"Yeah right! Tama kayo. Wag na nga natin isipan pa yan. Wala din naman tayong mapapala sa kanila. Dahil patapun din naman yung buhay nila wala silang inisip kundi mga sarili nila. Lahat naman ng meron sila ay dahil sa parent nila. Hindi katulad ng mga boyfriend/fake boyfriend natin". Natatawang pahayag nito.

"Hinaan mo yung boses mo ava baka may makarinig sayo at makarating sa kanila at baka masayang lang ang plano ko para hindi matuloy ang engagement namin ni lorein". Naiinis na sabi nito. Hindi siya makakapayag na hindi matuloy ang plano niya dahil wala siyang balak matali sa isang walang kwentang tao. Gagawin niya lahat para hindi matuloy ang kanilang kasal.

Ngunit hindi alam ni tiffany na lahat ng kanyang plinaplano ay mawawalan ng kwenta ng dahil lang din sa kanya.
Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi.
_________________________________________
3-29-21

😘😘😘😘
Hope you like it guys. Sorry maiksi lang siya hehe.

Unlove Tiffany MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon