Contract

3K 171 53
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay ng grandparenst ko dito kasi gaganapin ang pormal na hiwalayan namin ni tiffany. Hindi naman naging kami bakit naman kami maghihiwalay? Diba tama ako. Hindi ko din sila maintindihan hay.

Nandito kami sa isang silid kasama ang abugado nang mga madrigal at forbes hinihintay nalang namin si tiffany. Ang bagal naman ng babaeng yun alam naman niyang importante ang araw na ito.

"Im sorry, im late. Nalate kasi akong matulog dahil sa sobrang pagkaexcited ko". Masayang bungad nito samin. Nasaktan naman ako sa sinabi niya pero binaliwala ku nalang iyon.

Pinagmasdan ko ito habang papalamit siya samin. Ang ganda talaga niya kahit anong isuot niya bagong kulay din ang buhok nito mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw nato.

Umupo na siya bale kaharapan ko ito kasama ang attorney ng pamilya nila.

Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din ito sakin at binigyan ako nang nakakamatay niyang ngiting as in yung totoong ngiti damn pwede na akong mamatay.

Grabe ang tanga ko talaga nasasaktan na nga ako pero mahal na mahal ko parin siya isang ngiti niya lang parang gusto ko itong itali sa kama ko at romansahin ayy mali pala pagmasadan buong araw.

"hm, so nandito lahat ng pipirmahan mo young master" pagkuha ng atensyon samin ng abogado ng pamilya.

Pero teka ang dami naman ata ng mga yun at bat ako lang ang pipirma?.

"Tapus kunang pinirmahan ang mga yan lorein" masayang sabi ni tiffany. Hindi halatang atat na atat na mawala ako sa buhay niya.

"So! Bakit ang dami naman ata ng pipirmahan ko?". Nakapagtataka lang kasi i think more than 10 ata yung mga paper tapus tig tatatlo pa yung pages.

"Can you just sign it?" Masungit na sabi nito sakin.

Nakakatakot talaga kapag wala na sa mood.

"W-wala ba sila lola? Hehe diba dapat nandito din sila?" Kinakabahang tanong ko. Damn parang ayokong pumirma.

"Nabasa na po nila lahat yan young master approved na po sila". Kumento ng mga attorney.

Mukhang ako nalang talaga ang hinihintay nila. Okay lang naman cguro kung babasahin ku yun hindi ba.

Kumukha ako ng isa sa mga papeles at akmang babasahin kuna ito ang inagaw ni tiffany.

"Babasahin ko ito". Masungit na saad nito sakin grabe ang moody talaga ng babaeng ito pwede naman siyang kumuha ng ibang babasahin niya.

"Attorney ibigay nyo yung babasahin niyang documents for our contact" sinunod naman nito ang utos ni tiffany halata sa mga mukha nila ang takot pansin ko din parang kinakabahan sila simula ng kunin ko yung contract or masyado lang silang takot sa babaing kaharap ko.

Nabasa kuna ang contract nakasaad sa documents na oras na pirmahan ko ito ay hindi na kami maari pang maengage ni tiffany.

Mukhang hanggang dito nalang talaga kami sabagay simulaa ng mapunta ako sa mundong ito sinabi ko sa sarili ko na gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang engagement namin pero hindi ko parin maiwasang masaktan dahil mahal ko ito.

Natapos kunang pirmahan yung isang contract may sampo pang natitira.

Nasa pangalawang contract na ako ng makarinig kami ng mga yabag na parang may hindi magandang nangyayari sa labas.

Akmang tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng pigilan ako ni tiffany.

"Don't mind them lorein tapusin muna yang pinipirmahan mo ng matapos na". Saad nito. Parang walang narinig na kaguluhan sa labas bakit ba kalmado lang siya hindi ba siya nagaalala na baka may nangyari ng hindi maganda sa mga grandparents namin.

Unlove Tiffany MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon