Stefanie Versosa the youngest multi-billionaire. Siya ang anak ng pinakamayaman sa buong mundo. Steven Versosa the ruthless and manipulative businessman in the world. Sa kabila ng pagkakakilanlan sa kanya bilang walang inuurungan at pagmamanipula nito kabaligtaran naman kapag usapan na ang kanyang nagiisang anak.
Mahal na mahal nito ang nagiisang anak kaya lahat ng gusto nito ay ibibigay niya. Maging ang kalayaan nito magdesisyon kung saan sasaya ang anak nito ay maluwag sa puso niyang talikuran ang kanyang pride. Hindi naman ito nagkamali sa kanyang desisyon dahil kita mu nga naman sa edad na 23 ay siya na ngayon tinitingala ng nakararami. She is the youngest multi-billionaire kahit may sarili na itong business ay hindi nito nakakalimutan ang tungkulin nitong patakbuhin ang kumpanya ng kanyang ama. Kaya wala ng itong mahihiling pa siya na ata ang pinaka maswerteng ama sa buong mundo.
SV Empire
Beshy!!
Beshy!!
Napatingin si stefanie sa nghihimatok nitong kaibigan. Ano nanaman kaya problema ng babaeng ito.
"What is it carmen!?"
"Grabe ka naman beshy nagtatanong ka nalang galit kapa wala ka man lang kaamor amor dyan". Inis na naupo ito.
Abat siya na itong istorbo sakin hindi ba nito nakikita na madami akong ginagawa.
"Kung wala ka lang magawa carmen lumayas ka office ko at nakakaistorbo ka sakin".
Tinignan naman nito ang ginagawa ng kaibigan napataas naman ang kilay nito ng makita ang mga papeles at folders sa ibabawa na mesa ng kaibigan.
"Wala ka bang alam gawin sa buhay mo stefanie kung hindi pumirma at magbasa ng mga papeles na yan". "Abat magparty ka naman simula ng itayo mu ang companyang ito ay dito kana ata namalagi".
Totoo ang sinasabi ni carmen simula ng mag-graduate sila ay hindi na ito nsgparty, bar, babae o lalaki. Lagi na itong busy.
Busy sa trabaho. Trabaho at trabaho. Maging ang ama nito ay nagaalala na.
"I love working carmen besides para din naman sa mga trabahador ko ang ginagawa ko". "Hindi lang dahil sa nagpapayaman ako kung hindi dahil may mga pamilya na tinataguyud ang aking mga employado". hindi madali ang magpatakbo ng malaking companya lalo na hindi lang isa ang pinapatakbo nito kundi marami. Airlines, hotels, resort, malls at ang kanyang sariling kompanya. At ayaw din nito na mapunta sa wala ang mga pinaghirapan ng kanyang ama kaya kahit hindi na ito makauwi man lang sa bahay nila ay okay lang basta nasa ayos ang lahat.
"So anong problema mo? Kung makareact ka dyan kanina kulang nalang mawasak yung pinto ng office ko".
"Kasi naman beshy si Lorein babes ko nagpakamatay". Hindi makapaniwalang si stefanie ng marinig nito ang problema ng kaibigan sa loob loob nito ay gusto niya na ito ihagis sa labas ng office niya. Ang dami pa nitong gagawin na mahalaga pa kaysa sa lintik na novel na binabasa nito. Hindi niya ito maintindihan matalino naman ang kaibigan niya at maganda pero. Hays nevermind.
"So? That's it?". "Carmen kung wala kang matinong sasabihin lumayas ka dito at madami pa akong gagawin". Inis na sabi nito.
"FYI! STEFANIE!! Mahalaga ito nabubuset ako kay tiffany madrigal siya na itong minamahal chossy pa aba't kung ako lang siya matagal kuna sinagot si lorein full package na siya".
Yes full package dahil intersex si lorein. Kaya nga siya naging fiance ni tiffany dahil pwede itong makabuntis yun ang sabi ng kanyang beshy. Pero kung siya si lorein hindi siya magiging kagaya niya mas pipiliin nito na mahalin ang sarili niya at ang pamilya niya. Lorein and stefanie may pagkakapareho ang kanilang buhay. Mahal siya ng pamilya niya lahat ibibigay sa kanya para sumaya lang ito. Yung ang pagkakatulad nila pero hindi niya gusto ang ugali ni lorein makasarili siya iniisip lang nito ang pansarili hindi nito iniintindi ang mga magulang niya. Kung siya ito uunahin niya ang magulang niya at kapatid niya maswerte nga ito dahil may ina ito at nakakatandang kapatid. Hindi kc naranasan ni stefanie ang magkaroon ng kapatid dahil nang pinangganak siya ng kanyang ina ay ang pagkawala naman nito hindi din naghanap ng iba ang kanyang ama ang ina lang daw nito ang mamahalin niya.
Pagkatapos magkwento ng kanyang kaibigan ay umalis na din ito sa kanyang opisina pero bago yun ay iniwan nito ang libro dahil ayaw niya na daw basahin dahil namatay naman na daw ang character na gusto niya sa novel. Muli naman nagpatuloy sa pagpirma at pagbabasa si stefanie.
Sa sobrang dami ng ginagawa nito hindi niya namalayan na gabi na pala kung hindi pa ito kinatok ng kanyang secretarya ay baka magdamag na naman ito sa companya.
"Mauna kana jessy susunod nalang ako". Niligpit nito ang mga gamit pinatay ang laptop at nilagay niya ito sa safety box at nilock ito. Pagkatapus nitong mag-ligpit kinuha na nito ang bag akmang mglalakad na ito ng mapansin niya ang libro na bigay ng kanyang kaibigan. Hindi nito alam kung iuuwi niya ba ito o iiwan nalang ito sa opisina niya. Bandang huli napagpasyahan nalang niyang dalhin ito.
Pagkalabas ni stefanie sa kompanya nito ay ang pagsalubong naman ng kanyang mga bodyguard ayaw kc nito ang binabantayan sa loob ng opisina niya kaya dito sila sa labas ng kompanya niya pinaghihintay.
"B1 ako ang magdridrive ng car ko sundin nyo nalang ako". Utos niya sa dito.
"Okay po boss".
Sumakay na ito sa kanyang sasakyan nilagay niya muna ang bag at libro sa passenger seat. Pagkatapus ay pinaandar na nito ang sasakyan hindi ito nglalagay ng seatbelt hindi naman daw ito maaaccidente dahil hindi naman daw ito mabilis mgpatakbo. Kasalukuyan binabaybay ni stefanie ang daan patungo sa kanyang penthouse ng tumunog ang kanyang cellphone inaabot nito ang bag niya dahil doon nakagay ang cp niya ng mahulog ang libro sa sahig ng sasakyan niya. Pinabayaan nalang nito tumunog ang cellphone niya at inabot nalang ang libro. Akmang maabot na sana ni stefanie ang libro ng hindi nito nakita ang truck na patungo sa kanyang dinadaan. Ililiku niya sana ang sasakyan ngunit bago pa niya ito magawa ay nakalapit na ang truck sa kanyang sasakyan. Sobrang lakas ng impact ng tumama ang truck sa sinasakyan ni stefanie hindi malaman ang gagawin ng mga bodyguard niya kung papaano ialis ang katawan nito sa sasakyan.
Kahit sobrang sakit na nararamdaman ni stefanie ay pinipilit pa din nitong abutin ang libro. Ng maabot niya ito ay nghalo ang dugo nito doon hindi na ito matatawag na libro dahil punong puno ito ng dugo niya.
Sa kabila ng sakit na nararamdaman nito pinipilit nitong idilat ang mga mata niya nakikita niyang nahihirapan ang mga bodyguard niya ng dahil sa kanya. Kaya sinisisi nito ang sarili kung hindi ito nagprisintang mgdrive ay hindi mangyayari sa kanya ito. Ayaw na ayaw pa naman nito na may nahihirapan ng dahil sa kanya. Naalala niya din ang kanyang ama. Hindi niya alam kung mabubuhay pa siya sa sinapit.
"Im sorry daddy! Kung may ikalawang buhay man sisiguraduhin kung hindi ako mamatay at lagi tayong mgbobonding daddy sorry".
"I love you".
Hindi makapaniwala si stefani ng magising siya sa isang hospital room. "B-buhay ako!". Umiiyak na sabi nito. "Pero papaano ako nabuhay?". Hindi makapaniwala saad nito sa sarili.
Sobrang lalim ng iniisip nito ng hindi niya namalayan na may pumasok na tatlong tao sa kanyang kwarto.
"Omg! Sweety!". "Please wag mung uulitin mgpakamatay". "Mababaliw ako pag nawala ka samin". Sabi ng ginang!
Hindi makapagsalita si stefanie pinagmamasadan niya lang ang mga ito bakas sa mga mukha nila ang takot na mawala siya. Pero ang tanong sino sila?.
_________________________________________
Walang magawa🤣🤣
BINABASA MO ANG
Unlove Tiffany Madrigal
FantasyHighest Rankings 🏅 #1 Bitches (September) 🏅 #3 Girlxgirl (September) 🏅 #1 Collegeromance (October) 🏅 #1 Differentworld (October) 🏅 #8 Random (October & November) 🏅 #5 Fantasy-romance (November) 🏅 #2 Complicated (November) 🏅 #3 Bisexual (Jan...
