Simula ng dumating ang tatlong tao sa kanyang hospital room, mababakas pa din ang pagkalito sa mukha ni stefanie. Gusto nitong itanong kung sino ba sila ngunit hindi nito magawa may parte sa puso niya nakilala niya ang mga ito ngunit may takot din itong nararamdaman na kung magtanong ito ay hindi niya magugustohan ang sasabihin ng mga ito sa kanya.
"Anong nararamdaman mo sweety?". "May masakit ba sayo?". "Gusto mo bang kumain?" "Tubig?". Nag-aalalang tanong ng ginang sa kanyan ngunit hindi nito masagot ni isa man sa mga tanong nakatingin laman ito sa mga taong dumating.
"Baby sis? You okay? Bat hindi ka nagsasalita? May masakit ba sayo? Sabihin mo kay ate".
"Ate?". Iniisip ni stefani kung anong nangyayari sa pagkakatanda niya wala itong nakakatandang kapatid. Tinitigan niya ang babae. Maganda ito, matangos ang ilong, maputi, ang mga mata nito ay kulay asul. Matangkad din ito kung hindi siya nagkakamali 5'7 ito mas malaki laman siya ng isang dangkal dito. Blonde din ang buhok nito halatang may ibang lahi. Tinitigan niya din ang ginang na kasama nito. Hindi mo masasabing matanda na ang ginang kung ipagtatabi mo siya sa dalagang kaharap niya ngayon ay mapapaisip ka na magkapatid sila. Magkasing tangkad sila at kung ipagtatabi mo sila ay parang magkambal ang mg ito. Magkaiba nga lang ng kulay ng mata kung ang dalaga ay asul ang sa ginang naman ay brown.
Napatingin naman siya sa lalaking nakatingin sa kanya, kung hindi siya sanay sa kanyang ama ay baka matakot siya ngayon sa lalaking kaharap. Mapapasin sa lalaki ang pagkastrikto ngunit mababakas din sa mukha niya ang labis na pag-alala at takot na baka pumikit lang ito ay bigla siyang maglaho. Just like her father.
Nang maalala ang kanyang ama doon laman ito natauhan.Daddy! Naalala nito ang nangyaring aksidente. nagsilaglagan ang kanyang mga luha maisip pa lang nito na hindi na makakasama ang kanya ama ay parang paulit ulit itong pinapatay.
"D-daddy, i-im s-sorry s-sorry".
Nataranta naman sila ng makitang umiiyak si stefanie. Unang nakalapit ang nasabing lalaki para yakapin ito. Nasasaktan ito para sa kanya. Mas gugustuhin pa nito na kunin ang ano man sakit na nararamdaman ng dalaga."It's okay anak hindi galit si daddy sayo". "Basta please lang wag muna ulit gagawin ang magpakamatay hindi naman kakayanin ng mommy at ng ate mo pag nawala ka".
Sa naturang salita ng lalaki ay marahan na naitulak niya ito. Naguguluhan na nakatingin siya sa mga ito.
"Daddy? Mommy? Ate?". Nalilitong tanong niya sa mga ito.
"Yes anak?". "Sa tingin muba itatakwil ka namin dahil sa ginawa mo?". Nag-alalang sabi ng ginoo.
"I know mali ang ginawa mung pagpapakamatay anak pero hindi ibig sabihin nun ay itatakwil ka namin. Mahal na mahal ka namin anak kaya sana lang wag munang ulitin ang nangyari. Kung hindi kapa nakita ng ate mo anak baka wala nawala kana samin".
"Mahal na mahal ka namin ayokong mawalan ng bunsong anak". Madamdamin sabi ng ginoo.Ngunit kahit anong sabi ng ginoo ay hindi padin mawala ang pagkalito sa mukha niya.
"Lorein? Are you okay?". Napatingin ito sa dalagang humawak ng kanyang mukha.
"Lorein ayos ka lang ba?". Nagalalang tanong nito."L-lorein?". Hindi alam ni stefani pero nang banggitin ng dalaga ang pangalan ay napuno ng takot ang kanyang isip. Ayaw nito malaman na tama ang kanyang hinala. Sa pagkatakot ay bigla itong nahimatay. Nataranta naman ang mga magulang ni lorein sa nasaksihan kaya nagpatawag agad sila ng doctor para sa kanilang anak.
_________________________________________
Tatlong araw na ang nakalilipas ng malaman ni stefanie na nabubuhay siya ngayon sa katauhan ni lorein forbes. Hindi ito umiimik kung tatanong ito ay sasagot lang ito ng oo o hindi. Sa nakalipas na araw ay napapaisip ito kung paano nangyari na mapunta ang kanyang kaluluwa sa isang novel. Kahit anong maisip niya ay napakaimpossibleng mangyari. Ngunit kahit anong gawin niya ay siya ngayon si lorein forbes ang patay na patay sa nag ngangalang tiffany madrigal.
Hindi pa nito nakikita ang dalaga ngunit masasabi niya na hindi maganda ang mangyayari kung makita man niya o marinig ang pangalan ng dalaga.
Hindi man kapani-paniwala pero marinig niya lang ang pangalan ng babae ay parang ikakamatay niya ang pagtibok ng kanyang puso. Akala nito ay sa kwento o drama lamang nangyayari ang bagay na ito pero lintik naman oh! Nararamdaman niya ito ngayon. Kaya nabubuset siya sa letcheng author nito. Paano ba naman maibabaling ni lorein forbes ang pagmamahal nito sa iba kung pangalan palang ni tiffany ay halos mabaliw na ito kaya't natatakot ito na kapag nakita niya ang dalaga ay baka mas grabe pa ang mangyari. Kaya hanggat maari ayaw na itong makita o makasama man.
Nalaman din nito na kaya nagpakamatay si lorein ay dahil may nobya na ito at ang mas nakakagulat pa ay pinsan niya. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ang sakit pag naiisip nito na may nagmamay-ari ng iba sa dalaga. Hindi namn siya ang totoong lorein forbes kaya bat ito nasasaktan sa nabalitaan.
Hindi niya na muna iisipin ang tungkol dito.
Ang kailngan niyang gawin ay kung paano niya maiiwasan si tiffany madrigal. May isang buwan pa ito bago ang kanilang pasukan kaya kailangan niya itong pag planuhin. Iisipin niya din kung paano niya mapapapayag ang mga magulang nila na wag ng ituloy ang planong pagpapakasal sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Unlove Tiffany Madrigal
FantasiHighest Rankings 🏅 #1 Bitches (September) 🏅 #3 Girlxgirl (September) 🏅 #1 Collegeromance (October) 🏅 #1 Differentworld (October) 🏅 #8 Random (October & November) 🏅 #5 Fantasy-romance (November) 🏅 #2 Complicated (November) 🏅 #3 Bisexual (Jan...