The real boss

3K 155 41
                                    

Kalmanteng nakatayo ako ngayon sa conference room. Nag aabang sa ipag uutos ng mga asungot nandito sa company ko ang pinsan at ama niya kung maka asata sa kompanya ko parang kanila well iniimagine ko palang ang magiging reaction nila once na malaman nila na ang inaaliposta nila ay ang may-ari.

Napangiti naman ako sa mga naiisip ngunit nama ayos naman agad ako ng makitang nakatingin ang pamilya ko at ang pamilya ni tiffany. Nagulat ako ng makitang nasa conference room din sila wala kasing nabangit ang magaling kung secretarya. Nagtataka nga sila kung ano ba daw ginagawa ko rito hindi pa nga ako nakakapagsalita ng umepal agad ang aking tito wala talaga manner's sarap itapon pero okay na din yun tignan natin kung sinong mapapahiya mamaya.

"Lorein anong tinatayo mo riyan? Bigyan mu nga kami ng makakain at maiinom wala kang silbeng secretarya yan ba tinuro ng boss mo? O baka naman nagboboss busan ka habang wala ang amo mo?. Mapangutyang sabi niya. Nginitian kulang ito kasi nakakatawa siya walang alam talaga sa mga nangyayari paano ba to naging anak nila lolo at lola hindi na din ako magtataka kung ampon lang ito hindi din kasi siya kamukha.

Tumalima naman ako sa sinabi niya lumabas ako ng conference room pero bago yun ay tinanong ku muna ang parents ko pati na din ang parents ni tiffany kung anong gusto nilang kainin. Hindi kuna tinanong pa yung mga asungot bahala sila sa buhay nila.

Paglabas ku ng conference rooms nadatnan ko naman sa labas si jenny hindi maipinta ang mukha niya.

"Hiniwalayan kana ba ni lily jenny? Para ka kasing pinagsukluban ng langit at lupa. Natatawang saad ko. Hindi man lang ito react sa sinabi ko mukhang seryoso ata talaga siya ah.

"May problema tayo big boss?. naiiritang sabi niya.

"Ano ba yun?, wait muna bago yan nasa loob kasi yung parents ko at parents ni tiffany ipaghanda niyo sila ng makakain iutos mu nalang sa iba yan hintayin nalang kita sa office mo doon nalang tayo mag usap". Utos ko rito at pumunta na sa office niya.

Base sa expression ni jenny mukhang may hindi magandang mangyayari. Mga ilang minuto lang ako nagantay ng dumating na si jenny. Hindi pa rin nagbabago ang expression nito. Halatang irita talaga.

"So anong nangyari?" Tanong ko rito.

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. "Diba big boss sabi ko may meeting kayo ngayong araw?". Paguumpisa nito sa sasabihin. Tumango naman ako rito. "Sabi kasi ng lolo niyo na ischedule ang tito niyo sa araw na ito may iprepresent daw po kasi itong business plan gusto ata kayong maging business partner. Sinabi din po ng lolo niyo na kayo na bahala hindi daw po ibig sabihin na tinulungan niya ito ay pabor siya sa gagawin ng anak niya". Naiiratang sabi niyan.

Ng matapos niya sabihin yun ay hindi ko maiwasang mag taka dahil hindi ko alam kung anong nakakairita sa mga sinabi ng lolo ko.

"So ano kinaiirita mo jenny?. Nagtatakang tanong ko.

"Paano ba naman kasi big boss nung malaman ng tito niyo na may schedule na yung business proposal niya kumuha pa ito ng audience's akala ko nga yung mga magulang niyo lang at parents ni ma'am tiffany kaya pinapunta kuna sila sa conference room ngunit tumawag sakin yung hr sa lobby nandoon daw po yung mga kabusiness partners ng mga pamilya niyo". Naghihimutok na sabi niya.

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Anong karapatan nito pangunahan ang desisyon ko siya na itong binigyan ng chance para makausap ko ngunit gumawala ito ng hakbang ng hindi nagiisip. Gusto ata talaga nitong mapahiya sa maraming tao. Kung yun ang gusto niya ay pagbibigay ko ito.

Ngunit hindi ko gagawin ang bagay na yung kung hindi niya ako binigyan ng rason.

Ang sabi ko noon sa kaniya hindi ako lalaban sa isang taong hindi ko kalevel.
Masyado kasi itong pasikat hindi ako magtataka kung pati anak niya ay ganun din ang ugali.

Unlove Tiffany MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon