End of Engagement

3.4K 173 34
                                    

"Tama na drama kumain muna tayo" basag sa katahimikan ni daddy sa mga bisita.

"Yes tama ang anak ko kailanga na natin kumain dahil madami pa tayong paguusapan maliban sa business at sa engagement ang apo ko" seryosong sabi ni lolo pero mababakas ang kasiyahan sa mukha nito.

Pero ano daw engagement? Diba ako lang ang engaged sa mga apo niya? May pagtatakang tumingin ako kay lolo pero nginitian niya lamang ako. "Kung may hihilingin ka sakin apo wag kang mag aalangang mag sabi gagawin ni lolo lahat ng kagustuhan mo" sincere na sabi nito.

"Kahit ano lolo?" Pagkukumprimang tanong ko rito malay kuba kung nagbibiro lang ito.

"Oo apo kahit ano gagawin ng lolo para sayo" naka ngiting saad nito.

"Kung ganun lolo may hihilingin ako sana mapagbigyan niyo ako?" Seryosong sabi ko.

"Ano yun iha?, kung hindi magawa ng lolo mo ako gagawa nun dahil ako parin ang batas saming dalawa" natatawang sabi nito mukhang napansin niyang seryosong bagay ang hihingin ko sa kanila.

"End of engagement lolo, gusto kung hilingin sa inyo na wag matuloy ang engagement namin ni tiffany" seryosong sabi ko rito ayokong pumasok sa isang relasyon kung hindi namin mahal ang isa't isa. Alam kung nahihirapan na si tiffany sa sitwasyon namin gusto kung mabigyan siya ng kalayaang mamili sa mapapangasawa niya.

Napansin kung natigilan ang mga tao nang dahil sa sinabi ko. Sino nga bang hindi magugulat kung ang taong patay na patay dito ay hihingin ng pahintulot para lang hindi matuloy ang engagement nila. Yan ang pag kakaiba namin ni Lorein hindi ako selfish kahit mahal kuna si tiffany kung alam ko naman na hindi ako ang magpapasaya sa kanya hindi ko hahayaan na masira ang kasiyan nito nang dahil lang sa pansariling kasiyahan ko. Masakit man isipin na magiging masaya ito sa ibang tao higit sa lahat sa pinsan kupa ngunit okay na yun sakin kaysa ipagpilitan ko ang nararadaman ko rito at lalo lang siyang mahihirapan sa sitwasyon namin.

Bumalik naman ang atensyon ko kay lolo at lola kung hindi lang seryoso ang usapan namin ay baka tumawa naku sa mga oras na ito kita ko kasi sa mukha ng mga ito ang gulat lalo na si lola dahil kulang nalang malaglag ang panga nito sa pagkabigla.

"Hindi kaba nabibigla sa mga sinasabi mo hija?" Takang tanong ni lolo sakin hindi din nawala sa pangin ko ng tumingin ito sa pwesto ni tiffany kaya wala sa oras na napatingin din ako rito.

Nagulat naman ako ng nakita kung nakitingin din ito sakin walang mababakas na kahit anong emoston ang kanyang napakagandang mukha hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa paraan ng pagtitig nito sakin kaya ako na din ang umiwas sa mga tingin nito.

"Hindi na po lolo, mas okay na din na walang engagement para walang sabagal sa kasiyahan naming dalawa" seryosong saad ko.

"Hindi naman sa po dahil sinabi kung kailangan ng itigil ang engagement namin ay hindi kuna ito mahal. Ang gusto ko lamang po sana ay mag karoon kami ng kalayaang mamili sa mamahalin at hanapin ang kasiyahan namin sa mga taong nakapaligid samin. hindi namin yun magagawa kung naka kulong kami sa isang bagay na ginawa ko parang sa pansariling kung kasiyahan. Hayaan niyo po sana kaming mabigyan ng kalayaan mamili ng taong mamahali namin at humihingi ako ng kapatawaran dahil sarili kulang ang aking iniisip ng ipilit ko ang engagement na ito". Humingi ako ng kapatawaran dahil sa mga bagay na nagawa ni lorein. Oo mahal niya si tiffany ngunit hindi ko ito matatawag na pag mamahal dahil para sakin ang minahal lang nito ay ng mukha nito na obsessed ito sa kagandahan niya kaya hindi niya nakita ang pagkakaiba ng pagmamahal at paghanga.

Nakita kung naglakad si tiffany papunta sa pwesto namin ngayon nakatingin lang ito sakin wala paring akong mabasang emosyon sa magandang mukha nito tuloy-tuloy lang ito naglakad patungo sa pwesto ko.

Unlove Tiffany MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon