Chapter 33

650 60 19
                                    

Marami akong nakain, feeling ko tuloy hindi na 'ko makakakain mamaya ng hapunan dahil sa sobrang busog.

Nakakatuwa rin kasi 'yung nanay ni Marion, ang daming kuwento. Kulang na kulang 'yung oras namin, nakakabitin. Hindi namin namalayan na 6 PM na. Medyo kinabahan ako do'n.

"Ihahatid ka na lang namin ni Tim, Morx. Sayang, bitin tayo sa oras. Sa susunod, i-set natin ng walang pasok para sulit," ani Marion.

"Oo nga, e. Salamat nga pala sa masarap na miryenda," sambit ko.

Matapos no'n, agad kaming nagligpit ng aming pinagkainan.

"Balik ka rito, Morixette. Welcome na welcome ka rito sa bahay namin," wika ng nanay ni Marion.

"Oo naman po," turan ko.

"Hala, si Nanay, mas paborito na yata si Morx kaysa sa 'kin," komento ni Marion na wari mo'y nagtatampo. Nagtawanan lang kami dahil do'n.

---

Pagkauwi sa bahay, bumungad lang sa 'kin si Ate Ginny habang naglilinis ng kaniyang kuko sa kamay.

"Hi Ate Ginny," masigla kong bungad.

"Hello, Morx. Mukhang maganda ang araw mo ngayon, ah? Ano bang ganap?" aniya.

Inilapag ko na muna ang aking mga gamit sa bandang gilid ng upuan at naupo ako sa tapat ni Ate Ginny.

"Bukod sa nakita at nakausap ko kanina si crush, niyaya niya pa 'ko sa birthday celebration ng mommy niya," kinikilig kong sambit.

Napatigil bigla si Ate Ginny sa kaniyang ginagawa at tila ba gulat na gulat sa tinuran ko.

"Don't tell me ikaw ang duma-moves kanina..." mapantuya niyang tanong.

Napalukot akong bigla sa aking mukha dahil hindi ko naman puwedeng i-deny 'yung ginawa ko para mapansin lang ni crush.

"Hindi naman kasi maiiwasan Ate Ginny lalo pa't kanina, hindi ko man lang siya nakita. S'yempre, ako na ang gagawa ng way para makumpleto ang araw ko. 'Di lang 'yon, napabuti pa nga kasi naimbitahan pa 'ko. Feeling ko tuloy ang special ko kanina," maligalig kong kuwento.

"OMG, that's my girl..." saad niya sabay apir sa 'kin.

"Kapag nalaman 'yan ng Ate mo, makukutusan kami no'n ni Agatha. Baka akalain niya kung ano-ano ang tinuturo namin sa 'yo," dagdag pa niya.

"Ano naman 'yon, aber? May tinuro na naman ba kayong kalokohan sa kapatid ko?" bungad ni Ate Rox.

Nagulat kaming bigla ni Ate Ginny at napaupo kami nang diretso sa aming kinauupuan nang marinig namin si Ate Rox.

"Walang gano'n, Rox. Good influence kaya kami sa kapatid mo," ani Ate Ginny sabay tayo sa kaniyang kinauupuan. Walang ano-ano'y bumeso siya kay Ate.

"Naku, ha. Kapag nalaman kong tinuturuan ninyo ng kalokohan si Momo, kukurutin ko talaga nini n'yo," pabirong sambit ni Ate.

"Malaki naman na si Morixette. Hayaan mong matuto siya kina Ginny at Agatha about life. You know, teenager 'yan," sambit ni Kuya Mark pagkapasok niya.

"True," segunda ni Ate Ginny.

Nakatingin lang sa 'kin si Ate na wari mo'y nakikisimpatya. Feeling ko tuloy, para akong batang tinutuligsa. Bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"At ikaw, Momo, hindi ka ba tatayo riyan? Hindi mo man lang ba yayakapin ang Ate mo?" mapang-uyam na sambit ni Ate.

Dali-dali akong tumayo at niyakap siya. Nakangiti lang si Kuya Mark na wari mo'y matawa-tawa.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon