Nag-jeep kami patungo sa pinakamalapit na fastfood chain dito sa school. Si Zerex talaga ang nagbayad maski pamasahe namin. Medyo masikip sa kinauupuan namin dahil si kuyang caller, ayaw paawat sa pagpapasakay ng pasahero. Wala na ngang mauupuan, paasog pa nang paasog.
Heto tuloy kaming tatlo, gitgit na gitgit na. Sa may bandang gitna pa naman kami pumuwesto dahil dito lang medyo makalalanghap ng hangin. Napagitnaan nila akong dalawa; si Marion sa kaliwa ko na tila busy sa kadudutdot sa kaniyang cellphone at nasa kanan naman si Zerex na tila malalim ang iniisip.
"Miss, bayad," turan ng isang ale. Akmang kukuhanin ko na ang bayad niya nang bigla naman akong inunahan ni Zerex sa pagkuha nito.
"Bayad daw po," saad niya sabay abot ng bayad.
In fairness, mabango talaga siya. Mukhang siya 'yung tipo ng lalaki na malinis talaga sa katawan. Hindi na 'ko magtataka kung bakit marami ring babaeng hindi magkandamaliw sa kaniya.
"Manong, para po..." sambit ng isang pasahero.
Walang ano-ano, bigla namang nagpreno si Manong nang malakas. Hindi ko tuloy maiwasan masubsob sa katabi ko. Maging ang ibang mga pasahero ay nabigla at napasigaw.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Zerex.
"Medyo okay naman ako," malumanay kong tugon.
"Good," aniya sabay pakawala ng isang ngiti.
Gayon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mapagtanto ko kung saan nakahawak ang dalawa kong kamay. 'Yung kanan kong kamay, sa braso niya at 'yung kaliwa naman, sa kaliwa niyang hita. Syaks! Feeling ko, mamumula na 'ko nito sa hiya.
"Nag-enjoy ka naman masyado, girl," komento ni Marion habang nakatingin sa aking mga kamay.
Napakagat-labi na lang at napapikit nang bahagya habang binabawi ang aking mga kamay. Hindi ko naman iyon sinadya, nagkataon lang talaga.
"It's okay," ani Zerex sabay kindat sa 'kin.
Nahihiya ako lalo pa't nakatingin din sa amin 'yung ibang pasahero ng jeep. Nakurot ko tuloy nang bahagya 'yung braso ni Marion nang dahil dito.
Walong minuto lang ang biyahe at nakarating na kami sa aming destinasyon.
"Um-order na kayi ng kahit na ano. My treat," turan ni Zerex habang nakapila kami sa may counter.
"Two-piece chicken ako, isang regular burger at saka isang large fries. Pa-upgrade na rin ng float 'yung inumin," wika ni Marion. Mukhang habang nasa biyahe pa lang ay pinag-isipan na niya 'to.
"Grabe, mauubos mo ba 'yan?" komento ko.
"Kung hindi man, e 'di i-take out. Libre daw, e, sulitin natin," ani Marion habang bumubingisngis.
"Noted. Sa 'yo, Morixette?" tanong ni Zerex.
Hindi ko pa alam kung ano ang kakainin ko. Isa pa, hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Idagdag mo pa ang kagagahan ni Marion, ang damimg in-order... syaks talaga.
"Kaya ba today? Malapit na tayo sa cashier," saad niya. Napapikit na lamang ako.
"Kahit ano na lang, hindi naman ako maselan. Ikaw na bahala," tugon ko.
"Maghahanap na kami ni Marion ng mauupuan. Advance thank you!" dagdag ko pa. Isang tango naman ang kaniyang itinugon bago ko hinila si Marion palayo.
Napili naman 'yung medyo malapit sa sulok. Agad namang kumuha ng kutsara't tinidor si Marion doon sa may lagayan habang nagbabantay ako rito sa upuan namin.
"Huwag ka nang magpakipot. I-entertain mo na agad," bungad ni Marion pagkabalik habang tangan-tangan ang mga kinuha niya.
"Huy, kung ano-ano pinagsasasabi mo riyan," tugon ko matapos niyang umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
No More Rhyme
Teen FictionHindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.