Chapter 42

515 14 10
                                    

Habang naglalakad kami ni Marion patungo sa aming silid, pansin kong tinitingnan ako ng ibang estudyanteng babae na nadaraanan namin na akala mo'y kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko naman maiwawaksi sa isipan nila ang nais nilang isipin ngayon pa't alam na nila na may namamagitan sa 'min ni Kairus. Nakayuko lang ako habang naglalakad, napansin din 'yon tiyak ni Marion kaya hinawakan niya ako sa aking braso.

"Cheer up, girl. Who you sila sa 'yo ngayon dahil ikaw ang bet ni Fafa Kairus," bulong sa akin ni Marion. Aaminin ko, bahagya namang lumakas ang loob ko nang dahil doon.

"Thank you, girl. Kung hindi siguro kita kasama ngayon, tiyak na mayroong kukuyog sa akin," maloko kong sambit.

"Huwag kang mag-alala, hindi mauubos ang buhok mo kapag kasama mo 'ko," aniya. Napabunghalit tuloy kami ng tawa nang dahil doon. Binilisan pa namin nang bahagya ang aming paglalakad hanggang sa makarating na kami sa aming silid.

Pagkarating namin sa bukana ay tila ba napunta ang atensyon nilang lahat sa amin, sa akin. Limang segundo rin 'yon bago sila bumalik sa kaniya-kaniyang ginagawa habang 'yung iba naman ay tila nagbulong-bulungan pa pagkatapos. Naku, ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga kaklase kong tsismosa.

Isang minuto na lang at magsisimula na ang aming klase kaya dali-dali na kaming pumasok ni Marion at naupo sa aming puwesto. Sakto naman at dumating na ang aming guro kaya nanaig na ang katahimikan sa aming silid.

---

Lunch time na, medyo nasaid din ang brain cells namin dahil sa Physics kanina. Medyo lutang nga ako kanina at parang hirap akong intindihin 'yung tinuturo ni Ma'am pero maiintindihan ko rin naman siguro 'yon pagkainaral kong mag-isa. Nag-aayos na kami ng gamit ngayon para tumungo sa canteen at doon kumain.

"Girl, bet mo bang mag-rice later?" tanong ni Marion matapos niyang maglagay ng lip tint sa kaniyang labi.

"Oo naman, girl. Kailangan kong makabawi ng lakas kasi parang nabobo ako kanina," sambit ko na may kasamang paimpit na tawa.

"Ay, same. Magkaibigan nga talaga tayo," nakangising segunda ni Marion sabay apir sa akin.

Ilang sandali pa, biglang nagsigawan ang mga kaklase naming babae malapit sa may pintuan at bintana. Akala mo'y mga tipaklong na 'di magkandamaliw.

"Oh, shocks! Nakatambay si Kairus sa may labas ng room natin!" naghuhuramentadong sigaw ng kaklase naming tsismosa.

Kamukatmukat, napunta sa 'kin ang atensyon ng mga kaklase kong babae. Alam na nila kung sino ang pakay ni Kairus. Bahagya naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil kung ano na naman ang pumasok sa kokote niya at pumunta siya rito.

"Ikaw na, girl, mas mahaba pa ang buhok mo sa 'kin ngayon," biro ni Marion sabay flip sa aking buhok.

"Huwag ka namang ganiyan, hindi ako sanay. Nakakahiya kaya, 'no..." ani ko.

"Asus, don't me, girl. I-push mo na 'yan, go! Labasin mo na si Fafa Kairus at mukhang bukas na tayo makakapagsabay mag-lunch," wika niya. Tila ba pinagtutulakan niya ako para tumayo na sa aking kinauupuan.

"E paano ka?" tanong ko pa.

"Huwag mo akong alalahanin, pupuntahan ko na lang si nasnip at sa kanila na lang ako sasabay. Parang hindi ka pa nasanay, malaki na 'ko, 'no," pahayag niya. Unti-unti niya na ring isinilid sa loob ng kaniyang bag 'yung kaniyang gamit pampaganda.

"Sige, basta sabay tayong umuwi mamaya. Huwag ninyo akong iiwan," turan ko.

"Oo naman, ikaw pa ba?" aniya.

"Thanks, Marion," ani ko. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at niyakap siya bago ko nilandas ang daan patungo sa kinaroroonan ni Kairus.

Limang dipa pa ang layo ko sa kaniya nang bigla siyang lumandas ng tingin sa may pintuan namin. Nakatalikod kasi siya kanina, napansin niya sigurong tumahimik na ang mga kaklase ko kaya napadako na ang tingin niya rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon