"Mukhang masaya ka ngayon, ha? Ano'ng ganap?" bungad ni Marion habang naglalakad kami patungong canteen.
"Yes, girl. Ang saya ko talaga. 'Yung tipong nabunutan ako ng tinik sa dibdib... hay, napakaginhawa," turan ko.
"Naku, girl. Hindi kita ma-ge-gets kung 'di mo i-to-talk. Kuwento mo na dali," maligalig niyang sambit.
"Ayan, excited much? Mamaya na lang kapag nakabili na tayo ng pagkain," saad ko.
Pagkarating namin sa canteen, bumili kami sa bentelog. Bente lang, may kanin, ulam, at itlog na kami na nakalagay sa cup. Tocino ang napili kong ulam, corned beef naman kay Marion. Nang papaalis na kami sa tindahan, pinigilan ako saglit ni Marion. Pumikit siya at wari mo'y may nilalanghap sa hangin.
"Girl, bet mo bang mag-cucumber lemonade? Ang bango kasi ng amoy. Fifteen pesos lang naman," ani Marion.
"Sige, go."
Pagka-oo ko, dali-dali niya akong hinila patungo sa tindahan no'n. Habang hinihintay namin 'yung aming in-order, bigla akong kinausap ng tindera sa katabing tindahan.
"Ikaw si Morixette 'di ba?" tanong niya.
"Opo, bakit po?" ani ko.
"Ay, que ganda mo naman pala, hija. Kaya naman pala..." Hindi natapos ni manang ang kaniyang sasabihin dahil sumingit si Marion.
"Opo, maganda po talaga 'yung kaibigan ko na 'yan pero mas maganda ako," saad ni Marion habang hinahaplos ang kaniyang buhok.
"Mas mahaba ang buhok ng kaibigan mo, ineng. Biruin mo, isang guwapong binata ang bumili sa 'kin ng pizza burger at ibigay ko raw sa babaeng nagngangalang Morixette," ani Manang. Agad siyang may inilagay na pizza burger at iniabot sa 'kin.
"Ayan, hindi ko kinaya ang powers mo, girl. Mukhang may admirer ka pa ngayon," komento ni Marion.
Napaisip akong bigla kung kanina 'to galing. Wala namang nanliligaw o nagpaparamdam sa 'kin kaya nahihirapan akong manghula.
"Sumakit ang ulo ko sa lalaking 'yon. Hindi naman kita kilala, itinuro ka lang niya sa 'kin bago siya umalis. 'Yung mga kabataan talaga ngayon, ang daming pakulo. Puwede namang siya ang magbigay sa 'yo," dagdag pa niya.
"OMG! Nandito lang kanina 'yung guy! Girl, baka nakamasid lang siya sa paligid!" masayang sambit ni Marion.
Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin 'yung lalaki. Ang problema lang, wala akong clue kung sino.
"Miss, heto na 'yung cucumber lemonade n'yo," pagsingit ng tindera. Agad naman iyong kinuha ni Marion.
"Manang, bukod sa guwapo, puwede po bang i-describe n'yo pa 'yung guy?" mapang-usisa kong tanong.
"Pasensiya na, hija. Hindi ako magaling d'yan, e. Alam mo naman kapag may edad na. Ang masasabi ko lang guwapo siya at mabango," saad niya.
"Shocks, win win win ka na riyan, girl. Kung hindi mo man siya matipuhan, ibalato mo na lang sa 'kin," ani Marion pagkatapos sumipsip sa inumin niya.
---
Habang kumakain kami ni Marion, napag-usapan namin 'yung lalaking nagbigay ng pizza burger. Kinuha ko pa rin ito at inilagay ko sa harapan namin.
"Ang hula ko, taga-ibang seksiyon ang nagbigay niyan. Imposibleng kaklase natin, makukunat ang mga 'yon," giit ni Marion. Nagtawanan kami matapos no'n.
"Hindi kaya si Zerex? Baka hindi pa siya naka-move-on sa 'yo," dagdag pa niya.
"Mukhang hindi naman siya. Hindi naman na niya 'ko ginugulo," wika ko.
"Kaunti lang naman ang guwapo sa school tapos mabango pa. Ang nasa isip ko lang ay 'yung U4yah. Ekis na si Zerex. Si Vint, ang alam ko may bago na 'yung jowa. Si Kairus, mukhang hindi ka magugustuhan no'n. Kung si Joash naman, syems! May chance!" aniya.
BINABASA MO ANG
No More Rhyme
Teen FictionHindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.