Chapter 1

9.2K 304 89
                                    

Ang bilis talaga ng panahon. Bukas, pasukan na ulit. Na-miss ko ang pagiging estudyante pero mas na-miss ko ang mga kaibigan ko.

New school, new life. Panibagong pakikitungo na naman sa iba't ibang tao na makakasalamuha ko. Wala namang bago ro'n, baka feeling loner pa rin ako.

Hindi ko masasabi na excited ako dahil sa new environment na gagalawan ko. Hindi naman masama kung sa public school ako papasok, pareho lang din naman ang tinuturo ro'n maski sa private.

Saka mas okay ng nasa public ako para makatipid. Ayoko namang maging pabigat kina ate sa mga gastusin. Next week naman ang pasukan nila kaya kailangang kumayod.

"Momo, mauuna na kami ng Kuya Mark mo. Pagkatapos mo riyang kumain, pumunta ka na kina Aling Dina. Baka kailangan na nila ng tao ro'n," sambit ni Ate Rox pagkatapos magsapatos.

"Oo, 'te. Ingat po kayo," turan ko pagkatapos humigop ng kape.

Mayamaya, umalis na sila agad ni Kuya Mark. Ang sweet talaga nila, papatunayan yata nilang mayroong forever. Sana, may gano'ng lalaki rin na magmamahal at magpapahalaga sa akin. Kakainggit tuloy sila.

"Huy, ano na naman ang iniisip mo riyan?" bungad ni Ate Ginny na kalalabas lang sa kuwarto.

Natauhan akong bigla at muntik na akong mauyot dahil sa panggugulat ni Ate Ginny. Mabuti na lang at hindi ko nasagi ang tasa ng iniinom kong kape.

"Huwag mong itiwangwang ang palaman at tinapay. Baka langawin," segunda naman ni Agatha na nasa likuran ni Ate Ginny. Halatang bagong gising lang din siya dahil may muta pa siya sa mata.

"Sorry na. Nangangarap lang nang gising. Pagbigyan n'yo na 'ko," ani ko.

Naunang tumungo sa lababo si Agatha para magmumog at maghilamos kaya naman si Ate Ginny lang ang kaharap ko ngayon. Maaga namang pumasok si Nikka kanina.

Kumuha ako ng isang pandesal at nilagyan ko ng peanut butter na palaman. Nakakaisang kagat pa lang ako nang biglang sumingit si Ate Ginny.

"So ano na? Masarap ba ang pandesal ni Eder?" mahina niyang sambit.

Muntik na akong mabilaukan dahil sa tinuran ni Ate Ginny kaya dali-dali akong humigop ng kape.

"Ate, huwag ka nga!" giit ko sabay tapik sa braso niya.

"Ang aga-aga iyon agad ang tanong mo. Kita mong sa panaginip ko pa lang natitikman ang pandesal niya kaya hindi ko talaga masabi kung ano talaga ang lasa," dagdag ko pa na wari mo'y kinikilig. Parang gusto ko tuloy magsisigaw dito dahil sa napaginipan kong iyon. Syaks! Syaks! Syaks!

"Gaga ka talaga," saad ni Ate Ginny sabay hila nang pabiro ang buhok ko.

"Kayong dalawa riyan, lalaki na naman ang pinag-uusapan ninyo," wika ni Agatha pagkabalik sa amin.

"Asus, para namang nagbago ka na nang lubusan Agatha. Matinik ka pa rin kaya sa lalaki," ani Ate Ginny. Tumayo na siya at tumungo sa may lababo para magmumog at hilamos.

"Ayiee, pumapag-ibig ka na ba ulit, ate?" pambubuska ko.

"Huwag nga ako. Tigil-tigilan n'yo nga akong dalawa riyan," pahayag ni Agatha na nagtitimpla ng kape.

Marami akong nabalitaan kay Agatha dahil na rin sa mga kuwento ni Nikka at Ate Ginny noong magkakaklase pa sila.

"Agatha, totoo ba ang balita?" mahina kong sambit.

"Anong balita na naman iyan?" sagot niya habang hinahalo ang tinimplang kape.

"Na magaling ka raw sa tsuktyakan kyeme? Idol ka raw pagdating doon, e."

Nanlaki halos ang mata ni Agatha dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung matatakot ako dahil kumunot ang kaniyang noo.

"Morx, saka mo na iyon alamin kapag puwede ka na sa ganoong bagay. Baka pagalitan pa ako ng ate mo at sabihin kung anu-ano ang tinuturo ko o namin sa iyo," seryoso niyang sagot.

"Gosh, ibig sabihin totoo nga? OMG! Idol!" wika ko.

"Ako pa ba?" aniya sabay hawi sa buhok at nagmaganda pa.

"FYI, kahalikan niya noong isang araw 'yung poging tricycle driver na halos ka-edad lang namin," pagsingit ni Ate Ginny matapos gawin ang dapat niyang gawin.

"Pati ba naman iyan, ikukuwento mo sa bata?" asar na sambit ni Agatha kay Ate Ginny.

Hindi ko talaga kinaya ang sinabi ni Ate Ginny. Alam ko namang may wild side si Agatha pero syaks! Ang tindi talaga, hindi ko kinaya...

"Hindi naman na ako bata. Girls talk 'to, right?" patutsada ko.

"May point ka naman doon. Kung sabagay, kailangan din natin ng lalaki sa buhay..." ani Agatha.

Dali-dali namang umupo at nakisalo sa amin si Ate Ginny dahil napapasarap ang usapan.

"So ano, Agatha? Masarap ba siya? Magaling? Highly recommended?" naghuhuramentadong tanong ni Ate Ginny.

"Girl, winner! Hindi na lugi," tugon ni Agatha habang naghahalakhakan silang dalawa. Nag-apir pa sila kaya naman nakikitawa na rin ako.

Hindi ko kinaya ang nagiging usapan nila dahil literal na napapasarap ang kuwento. Grabeng girls talk 'to, nakakaano.

Matapos iyon, nag-ayos na si Ate Ginny dahil 10 AM ang pasok niya. Si Agatha naman, after lunch pa.

Hindi ko namalayan ang oras kanina kaya na-late ako sa pagpasok.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon