Hindi ko mapigilang hindi mapakagat sa aking labi dahil syet lang... nese kenye ne yete eng lehet.
Ang kinis ng kaniyang balat tapos ang puti pa. Para siyang lumaklak ng gluta, halatang may kaya ang kaniyang pamilya.
Hindi siya macho, pero may hubog naman ang kaniyang pangangatawan. Ang labi niyang kay pula na kay sarap halikan, syaks! Gagawin ko yata siyang dessert sa isipan ko.
Gusto kong masilayan ang kaniyang mga mata ngunit nakasuot siya ng shades na kulay itim. Hindi naman tirik ang araw pero nakaporma pa.
Mayroon siyang suot na sumbrero pero pabaligtad ang pagkakalagay no'n sa kaniyang ulo. Hindi naman siya mayabang maglakad pero may swag, e.
Isa pa, napansin kong may ahit sa kaniyang kanang kilay na tila ba sinadya kaya ang angas niyang tingnan. Tila ba may pagka-bad boy ang kaniyang datingan.
Malinis at makinang ang kaniyang leather shoes, simbolismo na malinis siyang tao.
"Kailan mo kaya ako mapapansin, Kairus? Lumingon ka naman dito please..." mahinang sabi ni Marion habang nakatitig sa paparating na binata.
Nang mahimasmasan ako, ibinaling ko na lang ang aking atensiyon sa aking kinakain. Bago lang ako sa school na 'to kaya baka hindi niya rin ako mapapansin. Sa dami ba naman ng estudyanteng nag-aaral dito, tiba-tiba talaga.
"Aw, ang sad naman. Dedma na naman ang beauty ko," litaniya ni Marion habang nakapangalumbaba sa may lamesa.
Malayo ang kaniyang tingin at nakasilay pa rin siya sa direksiyon ni Kairus. Pagbaling ko sa direksiyon nito, naupo siya sa upuan. May kasama siyang tatlong lalaki na tila ba mga kabarkada niya.
"Girl, nabingwit din ba niya ang bra mo?" pambungad ni Marion.
"Huy, gaga! Kung anu-ano ang pinagsasabi mo riyan. Kumain ka na nga lang," pagtugon ko.
"Hindi mo maipagkakaila. Kita kong tinititigan mo rin siya. Ang hot niya 'di ba?" ani Marion.
Para bang nais niya akong hulihin sa kaniyang pagtatanong. Naku, mukhang nakikilala ko na nang unti-unti itong si Marion.
"Puwede na," matipid kong sagot. Uminom ako ng tubig para maitulak ang mga kinain ko.
"Well, para mabigyan ka ng kaunting background patungkol sa kaniya, siya ang pinaka sikat at pinagkakaguluhan ng mga babae rito sa school. Halos lahat ng babae, siya ang pantasya," panimula ni Marion.
Mukhang malakas nga talaga ang alindog nitong si Kairus. Tiyak na marami pa siyang babaeng bibihagin pagtungtong niya sa kolehiyo.
"Marami na siyang naging babae sa iba't ibang school. Three weeks na yata ang pinaka matagal sa mga naging karelasiyon niya. Ang balita kasi, nasaktan nang todo sa kaniyang unang minahal kaya nagkaganiyan iyan," dugtong pa niya.
"Parang nakikipaglaro nga lang siya sa mga nakarelasiyon niya base sa ikinuwento mo. Hindi pa rin ba siya naka-move on sa ex niya?" tanong ko.
"Yep, player nga ang kuya mo. Pero kahit na ganoon, marami pa ring gustong makipaglaro sa kaniya kahit alam nilang talo sila sa huli," aniya.
"Tungkol naman sa katanungan mo, baka nga bitter pa ang kuya mo dahil itong si Ate Girl, stay strong pa rin ang relasiyon sa nobyo na siyang ipinalit nito sa kuya mo," dagdag niya.
Mahirap nga naman talagang mag-move on lalo pa kung kinabaliwan mo talaga. Siya lang ang makakatulong sa kaniyang sarili para hindi siya makulong sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
No More Rhyme
Teen FictionHindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.