Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa gitna ng aking pagmumuni-muni. Nang tingnan ko ang wall clock sa clinic, ala una pasado na. Hindi man lang ako binisita nina Marion dito kaninang lunch break para gisingin.
Kung nadatnan nila ako nang tulog kanina, baka nahiya na silang abalahin ako. Hindi naman ako nagugutom dahil nakakain naman na ako kanina.
Tumayo na ako sa pagkakahiga dito sa kama dahil nakaramdam na ako ng pagkabagot. Magdamag na lang akong nakahiga at walang ginagawa. Ni wala man lang akong kausap para malibang man lang kaya napagdesisyunan kong tumungo muna sa canteen para tumambay.
Hindi naman ako gutom pero gusto ko lang ng mayroong mapaglilibangan. Wala rin naman dito sa clinic 'yung nurse kaya lumabas na ako nang walang paalam.
Pagkarating doon, may ilang estudyante ring mga nanginginain. Mga tinamad at nabagot siguro sa kanilang klase kaya dito na lang nagpunta.
Habang naghahanap ako ng mauupuan, nadaanan ko 'yung si ateng tindera ng fishball. Medyo natakam ako kaya hindi ko napigilang hindi bumili. Humahagod talaga sa ilong ko ang amoy nito na tila ba nanunukso.
"Ineng, ano sa 'yo?" bungad ng tindera sa akin.
"Ate, tig-limang piso nga po ng fishball at kikiam," turan ko. Patuloy pa rin sa paggala ang aking mata para makahanap ng kompurtableng pwesto.
"Ano ang ilalagay kong sauce?" tanong pa niya.
"Matamis pero saka palagyan ng kaunting maanghang," sambit ko nang hindi nakatingin sa kaniya.
Nang may makita na akong magandang pwestuhan, ibinaling ko na muli sa tindera ang aking atensiyon.
Pagkakuha ko ng aking binili ay agad naman akong nagbayad. Nag-atubili naman akong tumungo sa nakita kong pwesto sa may bandang sulok. Mahirap na at baka maunahan pa ako ng iba gayong nakikita kong dumarami ang estudyante rito.
"Hay, salamat..." sambit ko matapos makaupo.
Agad ko namang nilagay sa mesa at nilantakan ang aking pagkain kahit gamit lang ang kaliwang kamay. Sarap na sarap ako habang ngumunguya dahil humahagod sa aking dila ang tamis at anghang naman sa may nguso. Na-miss ko talaga ang pagkain nito. Buwan na ang nakalipas nang huli ko 'tong matikman, e.
"Heaven, syaks! Ang sarap talaga!" mahina kong sambit. Nakapikit pa ang aking mga mata na tila dinarama ang pagduyan sa akin ng hangin habang kumakain.
Ang bilis ng oras dahil hindi ko namalayang naubos ko na 'yung kinakain ko. Sauce na lang ang natira, s'yempre hindi ko rin 'yon pinalagpas. Tinungga ko ang plastic cup at ininom ang sauce.
"Hooo! Sarap..." pahayag ko habang hinihimas ang aking tiyan.
Para akong may sariling mundo na sayang-saya kaya hindi ko namamalayan ang ibang tao sa paligid. Idagdag pa na nakapikit ang aking mata.
"Hey," wika ng isang pamilyar na tinig.
Napaigtad akong bigla at muntik nang malaglag sa aking kinakaupuan dahil do'n. Pagmulat ng mata ko, hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko.
"Mag-isa ka na naman yata?" aniya habang nakatayo sa aking harapan. May hawak siyang fries na kaniyang nilalantakan.
"Uy, ikaw pala 'yan, Vint," bungad ko habang inaayos ang aking sarili sa pagkakaupo.
Naupo siya sa bakanteng upuan sa may tapat ko at inilapag niya ang kaniyang kinakain sa may lamesa. Nakatingin lang siya sa akin habang hinihintay ang aking sagot.
"Ah, oo. May klase pa kasi ang mga kaibigan ko," tugon ko.
"Kaya pala. Na pa'no naman 'yang kanang braso mo?" tanong pa niya.
"Naku, wala 'to. Bahagyang pilay lang," palusot ko. Nakakahiya naman kung sasabihin kong kasalanan 'to ng kaibigan niya. Hindi pa naman kami ganoon ka-close kaya nakakahiya rin magkuwento ng kung ano-ano.
"Nga pala, bakit ka naparito? Tapos na ang lunch break, ah?" tanong ko naman. Napapatingin ako sa kinakain niya kasi parang kumakaway sa akin 'yung fries niya. Syaks, nakakahiya...
"Wala kasi kaming klase. Absent 'yung teacher namin kaya happy-happy na muna kami," paliwanag niya.
Hindi ko na alam kung ano pa ang itatanong ko sa kaniya. Medyo nahihiya pa ako kaya mas mainam siguro kung bumalik na 'ko sa clinic.
"Gano'n naman pala. O sige, mauuna na 'ko ha? Salamat sa time," saad ko at agad na tumayo.
"Aww, aalis ka na agad? Sayang naman. O siya, sa susunod na lang tayo ulit magkuwentuhan," aniya.
Akala ko, pipilitin pa niya akong mag-stay. Kinabahan tuloy akong bigla.
"Sige, bye!" paalam ko at naglakad na ako palayo. Baka kasi magbago pa ang isip niya at kulitin ako.
Nang makalayo na ako nang bahagya, nakita kong inilabas niya ang kaniyang cellphone at tila ba may tinext o 'di kaya'y naglalaro siya.
Habang naglalakad naman sa daan, hindi sinasadyang makita si Joash na patungo sa canteen. Sampung dipa ang layo niya mula sa kinaroroonan ko.
Tahimik lang siyang naglalakad habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon. Serious mode yata siya ngayon.
Bahagya akong yumuko para hindi niya ako mapansin. Naalala ko na naman 'yung maganda niyang mata na tila ba nangungusap. Syaks! Lumalandi na naman ang utak ko.
Nang magtama ang aming landas, itinaas ko ang aking ulo para masilayan ang kaniyang mukha. Hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa.
Tila ba isa akong faney na nginitian ng aking idolo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaunting kilig matapos niyang makalagpas sa akin. Isang ngiti lang ang iginawad niya sa 'kin pero syet! Ang tamis ng ngiting 'yon!
Nang dahil sa hiya, nagtatakbo ako nang bahagya hanggang sa makarating ako sa may mini garden at doon ko inilabas ang aking kilig. Hindi ko sinasadyang masabunutan ang mga halaman dahil tiyak na akong crush ko siya.
"Ang landi landi mo!" pabiro kong sabi sa isang halaman habang ipinapadyak ang aking kanang paa sa may damuhan.
Para bang nabuhayan ang aking loob dahil inspirado na akong pumasok araw-araw para makita siya. Iniligwak ko na si Eder at ipinalit ko na si Joash bilang opisyal na crush ko. At dahil dito, nakaramdam akong bigla ng tawag mula sa kalikasan kaya dali-dali akong tumakbo patungong banyo.
'Yung feeling na kikiligin ka na nga lang pero bigla ka pang maiihi. Syaks! Panira ng moment, e.
Pagkarating ko sa may CR, sarado ang pinto nito pero wala naman itong seradura. Akmang bubuksan ko na itong nang makarinig ako ng halinghing.
"Oh shocks!"
"Uhh ahmmm!"
"Ahh yes..."
Nanlaki bigla ang mga mata ko matapos 'yon.
BINABASA MO ANG
No More Rhyme
Teen FictionHindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.