Chapter 27

1K 59 36
                                    

"Ano'ng ginagawa mo rito?" asik ko sa kaniya.

"Grabe naman. Ganiyan talaga ang ibubungad mo sa akin? Hindi ka ba natuwa ngayong nakita mo na 'ko?" aniya.

Ang lawak ng kaniyang ngiti, nakakahalina. Nakatayo lang siya sa bukana habang nakahalukipkip.

"Bakit naman ako matutuwa na makita ka, aber?" pagtataray ko.

"Tsk, sabi ko na nga ba at iyan ang sasabihin mo. Alam ko naman na ako ang hinahanap mo sa silid namin, huwag ka nang magkunwari. Aminin mo na, may gusto ka na sa 'kin," maloko niyang sambit habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Ang feelingero talaga, akala niya siguro siya ang tinitiktikan ko sa silid nila. Ano na naman ba ang nakain niya at nagkakaganito siya ngayon?

"Kairus, kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo. Sinabi ko naman na sa 'yo, hindi kita gusto. Lubay-lubayan mo na 'ko at baka ma-late pa 'ko sa klase ko kaya padaan..." saad ko.

Akmang palabas na 'ko pero iniharang niya ang magkabila niyang kamay sa pintuan kaya hindi ako makalabas. Seryoso siya sa mga oras na 'to, wala akong nakikitang bahid ng kalokohan sa kaniyang mga mata.

"Huwag ka ngang ganiyan, 'di bagay sa 'yo..." Napaurong ako matapos kong sambitin 'yon.

Kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ilang saglit pa, laking gulat ko nang bigla akong yakapin ni Kairus.

Para akong punong tinubuan ng ugat sa aking kinatatayuan. Ang higpit ng yakap niya sa akin, 'yung tipong ayaw niya akong pakawalan. Nakahilig lang ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Naririnig ko ang himig ng kaniyang puso.

"Morixette..." mahina niyang sambit. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin.

"Kairus..." sambit ko. Magkadaupa ang aming mga mata.

Hindi ko maipaliwanag pero hindi ko maialis ang aking tingin sa kaniya. Para bang nahipnotismo ako sa kaniyang mga titig.

Gayon na lamang ang aking pagkagulat nang walang anu-ano'y inilapat niya ang kaniyang labi sa aking labi. Napatigagal ako, tatlong segundo? Lima? Hindi lang, inabot 'yon ng sampung segundo.

Agad na nagtatakbo palayo si Kairus matapos 'yon. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko alam ang aking gagawin...

---

Pagkarating ko sa aming silid nandoon na ang aming guro. Nag-aayos siya ng kaniyang gamit sa kaniyang lamesa habang nagpupunas ng pawis. Mukhang kararating lang ni Ma'am. Hindi niya naramdaman ang presensya ko kaya tahimik kong tinungo ang aking upuan.

"Girl, ang tagal mo naman sa CR. Tinawag ka ba ni Mother Nature?" bungad ni Marion sa 'kin.

"Hindi naman, nagpahangin lang ako saglit," pagsisinungaling ko.

Wala ako sa sarili habang nagkaklase. Lumilipad ang utak ko. Wala akong naiintindihan sa itinuturo ang guro namin. Hindi ako makausap ni Marion nang matino kaya alam niyang may bumabagabag sa akin. Hinayaan niya lang ako at 'di na muna kinulit.

Natapos ang klase namin hanggang hapon nang wala akong natutunan. Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang nangyari kanina.

"Morixette, sigurado ka bang okay ka lang? Cleaners ka pa naman ngayon," ani Marion.

"Puwede ka naman naming hintayin kung gusto mo para sabay-sabay tayong uuwi," sambit ni Tim.

"Naku, huwag ninyo akong isipin masyado. Okay anaman ako, nasa katinuan pa rin. Huwag na kayong mag-abala pa," pahayag ko.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon