"Aww, nakababatang kapatidzone," turan ni Agatha habang kumakain kami ng agahan.
Naikuwento ko sa kanila ang napag-usapan namin kagabi ni Eder sa may park. Sina Ate Ginny at Agatha na ang kasangga ko pagdating sa mga ganitong bagay.
"Mabuti nga't nalaman ko na nang mas maaga. At isa pa, niligwak ko na nga siya bilang crush, 'di ba? Kaya 'yon, kaunting sakit lang," saad ko.
"Kaya nga dapat lagi mong tatandaan na kapag marami kang crush, the more chances of winning. 'Di ba, Agatha?" pahayag ni Ate Ginny.
"Oh, ako talaga? Gano'n? Okay," sagot ni Agatha sabay ikot ng mata sa ere habang tangan-tangan ang tasa ng kaniyang kape.
Nagtawanan naman kaming tatlo nang dahil doon. Ngayong alam kong wala na nga talagang pag-asa kay Eder, feeling ko tuloy mapopokus ako nito kay Joash. Syaks!
"Oo nga pala, Agatha. Parang nakita kita noong isang araw kausap 'yung poging tricycle driver na nakahalikan mo. Matanong lang, may namamagitan na ba sa inyong dalawa?" pag-iiba ni Ate Ginny ng topic.
Halos maibuga ni Agatha ang iniinom niyang kape dahil sa tinurang 'yon ni Ate Ginny. Bahagya siyang nagpunas ng pawis sa kaniyang noo bago sagutin ang tanong ni Ate Ginny. Maski ako'y nilamon na ng kuryosidad.
"Well, wala namang namamagitan. Good friends siguro," tugon niya habang inaayos ang sarili.
"Good friends? O friends with benefit?" mapang-usisang tanong ni Ate Ginny.
Hindi agad sumagot si Agatha. Bagkus, isang ngiti at paghawi ng buhok ang kaniyang itinugon sa amin.
"Syaks! Seryoso?" sambit ko. Hindi talaga ako makapaniwala. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko kung gaano kalupet 'tong si Agatha. Paano pa kaya noong kasing edad ko lang siya? Gosh, hindi ko kinaya.
"Agatha is still Agatha. Grabe ka, girl. Win win win talaga ang karisma mo," sambit ni Ate Ginny.
"S'yempre naman. Ako pa ba?" aniya sabay kindat sa amin.
Nagtawanan lang kaming tatlo matapos ang usapan. Marami pa sana kaming putaheng isasangkutya kaso baka ma-late kami.
Bago ako pumasok sa school, tinanggal ko na 'yung bendang nakalagay sa braso ko. Hindi naman na masyadong masakit at kaya ko ng itaas kaya pwede na. Doubleng ingat na talaga ang gagawin ko sa susunod para hindi ako napapahamak.
---
Habang naglalakad ako patungo sa school, may bigla ba namang nagtakip ng mata ko kaya napatigil ako.
"Sino 'to?" tanong ko.
Hindi agad siya nagsalita. Wala akong ibang maisip kung sino 'tong nagtakip sa mata ko. Alam kong hindi 'to si Marion dahil amoy panlalaki ang pabangong naaamoy ko. Ang lakas ng sipa nito sa aking ilong. Hindi rin naman si Tim...
"Huy, magsalita ka't baka ma-late ako," dugtong ko pa.
"Hulaan mo..." aniya.
Para naman ako inugat sa aking kinatatayuan dahil parang pamilyar sa akin ang boses na 'yon. Kung hindi ako nagkakamali, miyembro siya ng U4yah... syet!
Dahil sa napagtanto ko, hindi ko na hinintay na magsalita pa siya ulit. Dali-dali kong tinanggal ang kaniyang mga kamay at hinarap siya.
"O syaks! Ikaw lang pala 'yan, Zerex," turan ko habang nakahawak sa aking dibdib.
Napawi bigla ang aking kaba nang malaman ko kung sino siya. Akala ko naman si Joash o 'di kaya'y ang mahanging si Kairus. Syet, baka kumaripas ako ng takbo kung sila ang nakadaupa ko.
BINABASA MO ANG
No More Rhyme
Teen FictionHindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.