Chapter 23

1.4K 87 28
                                    

Mabilis lumipas ang araw. Sabado na ngayon, may trabaho ako sa palengke kaya hindi ako dapat ma-late. Dati, 6am pa lang tumotoka na ko kay Aling Dina para kapag maraming benta, mayroon akong dagdag na kita. Ngayong katuwang na niya si Nikki, okay lang daw kahit 7am ako dumating.

Napakabait talaga ni Aling Dina kaya masaya ako't nakatagpo ako ng pangalawang nanay-nanayan. Kahit na amo ko siya, hindi niya ko tinuring na iba. Maski sina Eder at Nikki, parang anak na talaga ang turing niya sa amin.

"Magandang umaga, Morx! Handa ka na ba mamaya?" bungad sa akin ni Agatha pagkarating ko sa may kusina.

Nablangko bigla ang aking utak dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Kinakabahan ako't baka mapagalitan na naman niya ko dahil sa pagiging makalilimutin.

"Magandang umaga rin, Agatha, Ate Ginny. Pasensiya na pero hindi ko alam 'yung tinutukoy mo," mahinhin kong tugon habang nagkakamot ng ulo.

Napataas bigla ang kanang kilay ni Agatha habang bumubungisngis si Ate Ginny. Lagot na naman ako nito. Sermon yata ang magiging almusal ko ngayon.

"Ano ka ba, Morx? Ang bata mo pa makakalimutin ka na. Kumain ka nga ng mani para tumalas ang memorya mo," pahayag ni Agatha.

Hindi naman siya galit base sa timbre ng kaniyang boses. Parang may kaunting inis lang. Ano ba kasi mayroon sa araw na 'to? Kaarawan niya ba?

"Happy Birthday?" nangangapa kong tanong. Tila napasapo na lamang si Agatha sa kaniyang noo matapos marinig ang tinuran ko.

"Sabog ka na naman, Morixette. Halika rito't kumain ka na muna ng almusal," sambit ni Ate Ginny na tatawa-tawa.

"Pasensiya na, baka gutom lang talaga 'to," turan ko sabay upo sa tabi ni Ate Ginny.

In fairness, sinipag yatang magluto ang isa sa kanila. Masarap ang agahan, e. Sinangag at itlog, hindi sila nakapandesal ngayon.

"Ikaw talaga, puro lalaki na naman siguro laman utak mo kaya nakalimutan mong may lakad tayp mamaya," saad ni Agatha.

Nanlaki bigla ang aking mata. Hindi naman kasi totoo na puro lalaki, slight lang. Si Joash lang naman ang iniisip ko nitong mga nakaraang araw. Grabe talaga si Agatha, expert na expert.

"E kasi naman, e. May bago na 'kong crush. Iyan, alam n'yo na tuloy. Huwag ninyo akong isusumbong kay Ate Roxette. Mapapagalitan ako no'n, at baka akalain, hindi ako nag-aaral nang mabuti..." pahayag ko.

Napahagalpak bigla sa pagtawa 'yung dalawa at nag-apir pa. Hindi ko tuloy alam kung dapat na ba 'kong kabahan.

"Normal lang naman 'yan sa mga kabataan. Hindi naman iyon maiiwasan saka wala namang masama roon," sambit ni Agatha.

"Yes, huwag ka lang makikitulog sa bahay ng lalaki nang kayo lang dalawa," segunda ni Ate Ginny sabay tingin kay Agatha.

"Ay grabe siya sa 'kin. Wala nga kasi kaming ginawa. Natulog lang talaga," depensa ni Agatha.

"Wala akong sinasabing may naganap na iba. Defensive talaga nito," wika ni Ate Ginny sabay hampas sa braso ni Agatha.

"Tanggalin mo sa utak mo Morixette kung anuman ang narinig mong maganda. Basta, nandito lang kami ni Ginny kung sakali mang magkaroon na ng karera 'yan love life mo," ani Agatha sabay kindat sa 'kin.

"Salamat sa supporta, guys! Hindi ko nga alam kung magugustuhan niya ba 'ko. Ang guwapo niya masyado para sa 'kin," ani ko.

"Sus, kaunting landi lang ang katapat niyan, char!" ani Ate Ginny.

"Saka mo na isipin 'yang landi-landi na 'yan. Mag-aral ka muna. Mabalik tayo sa usapan, oo, may birthday, pero hindi ako ang may kaarawan. Pupunta tayo sa kaarawan ng kaibigan ko, remember?" saad ni Agatha.

No More RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon