Chapter 49
Hindi nga nag-aksaya ang magaling na lalaki matapos niya akong saksakan ng singsing sa kamay. Because right after that talk, tumawag na siya sa mommy ko!
"Bakit ka lalayo? That's my mom anyway!" Sigaw ko nang maglakad palayo si Cuello.
Inilingan niya ako at may pagtitimping inangat ang kamay.
"Seryoso kaming mag-uusap ng mommy mo kaya diyan ka lang."
"Eh ano naman ngayon? Puwede naman na sa harapan ko na kayo mag-usap? Ano bang kaartehan 'yan Cuello?!"
Hindi niya na ako sinagot dahil tuloy tuloy na siya sa labas. Ako naman ay kumain nalang ng niluto niyang pasta na may sama ng loob. Ilang beses ko pa itong inikot ikot sa tinidor at dinurog durog.
Bakit pa kasi kailangang lumayo diba? Ano bang problema niya? Siguro may sasabihin siya sa mommy ko na ayaw niyang marinig ko.
Because I'm too curious about it, mabagal akong naglakad papunta sa kaniya. Nasa balkonahe na siya at seryosong seryoso na kausap si mommy. Nagtago ako sa likod ng kurtinang nagtatakip ng sliding door sa pagitan ng balkonahe at living room.
Naningkit ang mga mata ko nang madramang kausapin ni Cuello si mommy.
"Yes ma'am. I am willing to take the responsibility. I promise to give a good life for your daughter. I will work hard to earn your trust again."
Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya. What the hell is he talking about?
Napalayo pa ito sa telepono niya bago nito muling ibinalik sa tenga niya.
"Yes ma'am. I promise, I will marry your daughter. Pananagutan ko po siya."
Wait?! Pananagutan?!
So ito ang dahilan ba't ayaw niyang marinig ko?! What the hell!
"Rest assured ma'am. Hindi ko po siya pababayaan. Hihintayin ko po kayo hanggang sa makauwi po. Mag-iingat po kayo."Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas na ako sa pinatataguan ko at nilapitan siya. Tawang tawa ang kurimaw habang binababa ang telepono niya nang maramdaman ako sa likuran niya.
"Anong pananagutan?!" Bungad ko.
Cuello chuckled. "Settled na. Magpapakasal na tayo this month. Actually, two weeks earlier."
"What?!" I fricking can't believe this guy!
Cuello encircled his arms around me and kissed my nose. Hindi pa rin maipinta ang mukha ko lalo na't may ideya na ako sa mga pinagsasabi niya kay mommy!
"You're so cute when you're mad. Kulang ka na lang lagyan ng sungay."
"Don't tell me you..." Cuello pouted.
Suminghap ako. Shit!
"Ano ka ba?! Anong iisipin ni mommy? Na marupok ako kasi bumigay ako agad sa'yo?! Akala ko ba ihahatid mo akong virgin sa altar?! Hindi na ako virgin sa paningin ng mommy ko! And mind you, malalaman 'to ng lahat ng tao!"
"Nobody's gonna know anyway." Tumawa siya kaya sinapak ko.
"You're damn insane! Atat na atat magpakasal Cuello? Atat na atat?!"
"We lost years. I can't wait anymore." Aniya bago ako muling hinalikan.
Aapila pa sana ako nang buhatin ako ni Cuello at ipinatong sa terasa ng balkonahe. May lambing at mabagal niya akong hinalikan habang may pag-iingat akong hinahaplos sa mga hita. Kung 'di lang ako bumitaw para kumuha ng hangin ay baka lulunurin niya ako ng husto.
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
Teen FictionA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...