Chapter 3

563 17 0
                                    

Chapter 3

"Pag-isipan mo munang mabuti Calla. Sayang ito..."

'Yan ang huling sinabi sa akin ng aming principal na gustuhin ko mang paunlakan ay hindi ko magagawa.

May trabaho akong malapit dito. Malayo ang sinasabi nilang school, sa McCarter, at hindi ko kakayanin na iwan ang lola ko.

Nasa labas na ako ng pintuan ng bahay namin ni lola nang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko ito at nangunot ang noo sa nakitang numero.

"Mommy?"

"Saan ka? Bilhan mo ako ng grocery! Naitext ko na 'yong mga bibilhin mo. Bilisan mo, hinihintay na ng mga amiga ko!"

Magsasalita pa sana ako nang babaan niya ako agad ng linya. Bumuntong hininga ako at hindi maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib.

Utusan talaga ako ng nanay ko.

Mommy:

Eksaktong five ha! Dumating ka kung ayaw mong bawasan ko allowance mo!

Sa takot na mabawasan ang allowance ko ay agad akong pumasok sa loob para magbihis ng damit. Naabutan ko si lola na nanonood ng TV kaya bumati muna ako.

"La, nandito na po ako..." Lumapit ako sa kaniya at nagmano.

"Nagmamadali ka. Aalis ka ba?" Puna nito.

Tumango ako. "Opo, inutusan po ako ni mommy na bumili ng groceries nila."

Pumasok na ako sa kuwarto habang nagpatuloy sa pagsasalita si lola. Maliit lang ang apartment namin kaya naririnig ko pa rin ang lola ko mula sa sala. Nagbihis na ako agad ng puting T-shirt at pants.

"'Yong nanay mo talaga, kapag bumisita iyon dito ay pagsasabihan ko ng maigi. Hindi na maganda itong ginagawa niya sa'yo apo..." Aniya nang makalabas ako.

Ngumiti ako ng marahan sa kaniya. "La, aalis na ako. May ipapabili ba kayo sa akin?"

Umiling ito sa akin at mabagal na hinaplos ang pisngi ko. "Kapag nahihirapan ka na apo, tumigil ka na. Kahit anak ko 'yong nanay mo, hindi ko gusto itong ginagawa niya sa'yo."

"Hayaan mo na lola. Ganoon naman po talaga siguro ang mangyayari kapag hindi ka ginustong mabuo sa mundo. Naiintindihan ko naman siya."

"Ang daddy mo? Pinapabantay ka pa rin ba niya sa kapatid mo?" Mabagal akong tumango at umiwas ng tingin.

"Noon pa man ay hindi ko na gusto ang lalaking 'yon para sa nanay mo. Kung nasasaktan ka na sa mga pinaggagawa nila apo, puwede kang magsalita. Anak ka pa rin nila at matatauhan sila kung sa'yo mismo manggagaling 'yon..."

"La, ayos lang po ako. Kaya ko pa naman kaya wala kayong dapat ipag-alala. May ipapabili po ba kayo sa akin? Saglit lang po ako sa bayan."

Tinitigan ko ng mabuti ang lola ko. Somehow, parang ayaw kong umalis. Kinakabahan akong iwan siya dahil baka may hindi magandang mangyari. Ayaw ko ng ganito pero lumalakas talaga ang kaba ko.

"Ikaw dapat ang bumili ng gusto mong kainin. Pakawari ko ay hindi ka pa nakakapagmeryenda kaya bumili ka ng makakain mo. Ayos lang ako at tapos na rin akong nagmeryenda."

"Sigurado kayo la?" Nag-aalangan kong tanong. "Saglit lang po talaga ako..." Ulit ko.

Ngumiti ito ng marahan sa akin. "Sige na hija, baka mapagalitan ka nanaman ng nanay mo. Mag-iingat ka..."

Umalis ako roon ng mabigat ang loob. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan akong iwan si lola. Bibilisan ko na lang bumili ng groceries ni mommy para makauwi na ako agad.

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon