Chapter 17
"Seriously, woman? Iiwan mo ako matapos kitang ihatid dito?"
Nilingon ko ang kanina pa nakasimangot na si Cuello. Akala mo naman inabuso ko siya sa ginawa niya.
"You offered it. Bakit mo ako sinusumbatan sa ginawa mo? Mabuti sana kung ako nagrequest, may dahilan pa ako para hintayin ka."
"You forgot that you accepted my offer." Tamad niyang sabi.
"You also forgot that you insisted it."
"Well you forgot that I'm not your driver. Kaya dapat hinintay mo ako."
"Oh, hindi pala kita driver?"
Tamad niya akong nilingon. "Really?"
Natawa na lang ako sa pang-aasar ko sa kaniya. Gaya ng plano ko ay dumiretso ako sa grocery store para mamili ng supply. Pero bago 'yon, bumili muna ako ng bagong phone.
Nagtalo pa kami ni Cuello sa brand dahil gusto niyang piliin ko 'yong mahal na brand. Pakiramdam ko mamumulubi ako sa high maintenance na lalaking 'yon kaya sa inis ko, lumipat ako ng kabilang phone shop at doon bumili. Since hindi naman nasira ang dati kong sim sa pagkatapon ko ng phone ko, iyon pa rin ang gamit kong sim card.
After kong bumili, dumiretso na ako sa grocery store. Tumulong din si Cuello sa akin para kumpletuhin lahat ng kailangan ko. 'Yon nga lang, hindi mawawala ang pagiging manyak niya habang namimili.
"Sorry to ask but, do you need this? I just saw a woman struggling about which type of pads will she buy. I personally choose this and I quickly think about you so I took some."
Pakiramdam ko sasabog na ang mukha ko sa sobrang init. He's so unbelievable! Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya na inosenteng hawak hawak ang mga pads o mahihiyang kasama siya.
"Hindi ka ba nahihiya sa hawak hawak mo?"
Lumayo ako ng kunti. Nakakahiya talaga since ang lakas lakas pa ng boses niya no'ng tinanong niya ako. Pinagtitinginan tuloy kami.
"What's wrong? These are just pads. Mahihiya ako kapag may nakasabit sa akin na bra at panty habang nandito sa mall."
Damn. Dapat hindi ko na lang siya sinama! Napansin kong napalingon ng marahas 'yong ibang mga matatanda sa banda namin kaya napayuko ako.
Siguro iniisip na nila na napaka-immoral ng mga kabataan ngayon. Kasama ko ba naman ang hari ng kamanyakan. Seriously? Bra at panty talaga ang sasabihin niyang example?
Sa sobrang hiya ko sa mga sinasabi niya ay hindi ko na siya sinagot at tinalikuran. Tinulak ko kaagad 'yong cart at hindi pinansin ang pagtawag niya sa akin.
"Seriously? Bakit mo ako iniwan doon? May mali ba sa nasabi ko?" Naguguluhan niyang tanong.
"Wow. I didn't know that you're this dense. Hindi mo ba alam kung gaano nakakahiya 'yong sinabi mo kanina?"
"Alin doon? 'Yong pads o 'yong bra at panty?"
"Pareho!" Umirap ako.
"Anong nakakahiya roon? Come on Calla. Huwag mong sabihin na tradisyunal ka na tao? In my world, that was normal. PDA is normal. F-buddies are normal. Kaya wala na sa akin 'yon." Mayabang niyang sabi.
"Oh. So you're bragging about how pervert you are and your world."
"Hindi 'yon. Ineexplain ko lang na hindi na ako nahihiya sa mga ganoong bagay. But if you're uncomfortable with the idea then I won't be like that."
"Good. Dahil kapag nagsalita ka nanaman ng kabulastugan sa akin ay makakain mo 'tong kamao ko."
Binilisan ko ang pagtulak ko sa cart. Nakipagtalo pa siya sa akin na siya na lang daw ang magtulak ng cart. Since pagod na rin ako, pumayag ako at ako na lang ang naglalagay ng goods sa cart.
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
Dla nastolatkówA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...