Chapter 18

331 14 2
                                    

Chapter 18

Hindi ko alam kung paano ko nasurvive 'yong Sabado at Linggo ko. Sobrang sakit ng balakang ko sa pagpeperiod ko at namimilipit din ako sa sakit ng puson ko. Kainis naman, bakit ito pa ang sumpong ng pagreregla ko?

Kaya iritadong iritado ako hanggang makapasok sa school. Hindi ko alam kung bakit ganito ako palagi kapag nagkakaperiod. Para akong sinasapian ng demonyo sa sobrang pagkairita ko sa mundo.

Huminga ako ng malalim. Argh! Bwiset na monthly period 'to!

Pakiramdam ko kaya kong sigawan lahat ng makakasalubong kong sisira ng araw ko. Siguro napansin din ng mga estudyanteng nakakasalubong ko dahil agad silang umiiwas sa dinadaanan ko. Mabuti na lang dahil makakasagasa talaga ako ng gera ngayon.

Nang makapasok ako sa room, late na pala ako. Mabuti na lang mukha silang walang ginagawa dahil tapos na rin kami sa lahat ng gawain. Kung hindi ako nagkakamali ay pikturyal na lang ang gagawin namin ngayon.

"You're late Miss Guzman." Sabi no'ng teacher namin.

"Pasensya na po ma'am. Nagka-emergency lang po."

"Fine. Sige, umupo ka na. Bilisan mo, may i-aannounce ako."

"Thank you ma'am."

Dumiretso agad ako sa upuan ko. Napansin ko na wala pa si Cuello kaya bahagyang nangunot ang noo ko. Saan naman kaya nagsususuot 'yong lalaking 'yon? Bigla kong naalala 'yong nangyari noong Sabado.

Sinarado ko kaagad ang kotse niya nang makarating kami sa unit ko. Binuksan ko ang kaniyang backseat at kinuha lahat ng groceries ko.

"Calla, ako na. Mabibigatan ka."

"Fine. Kunin mo 'yong mga bottles atsaka 'yong bigas. Bilisan mo!"

Nilingon niya ako. Para bang nagulat siya sa mga sinabi ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

"What?" Iritado kong sabi. Umiling siya agad.

"Wala, wala. Ito na nga oh, bubuhatin ko na 'tong isang sakong bigas mo atsaka 'yong mga mineral bottles mo." Halata ko ang sarkasmo sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Nagrereklamo ka ba sa mga inutos ko?"

"Hindi naman. Bakit mo naman naisip 'yan?" Sinarado niya ang kaniyang kotse.

"Isunod ko na lang sa taas 'yong iba o magpapakisuyo na lang ako sa mga sekyu diyan sa building niyo. Hindi ko kayang ipasok 'yan sa loob ng sabay sabay." Dagdag niya.

Umaandar nanaman ang sumpong ko. Inirapan ko siya at nagpatiuna na.

Pagpasok ko sa loob ng unit ko ay naligo ako agad. Binilisan ko para makita ko 'yong ginagawa ni Cuello. Nagbihis ako agad at lumabas sa room ko nang nakapajamas.

"Kuya, dito na lang po natin ilagay. Hintayin na lang natin si Calla pagbaba niya para alam natin kung saan ito ilalagay." Si Cuello, kausap 'yong security guard.

Lumapit ako sa kanila habang pinupulupot ang tuwalya sa ulo ko. Wow, hindi lang pala isang sekyu ang tinawag niya. Dalawa! Napakatamad talaga.

"Hindi ka pa umaalis?" Bungad ko agad. Napalingon sila sa akin.

Pansin ko ang bahagyang pagtingin ni Cuello sa suot ko papunta sa mukha ko. Bahagya siyang napalunok bago muling napatingin sa suot ko. Napatingin tuloy ako sa suot ko habang naguguluhan.

Wait, hindi kaya minamanyak na niya ako sa utak niya? Agad akong napayakap sa sarili ko at sinamaan siya ng tingin.

Umiwas siya agad ng tingin nang makita niya ang masamang tingin ko sa kaniya. Bwiset na 'to, ang manyak talaga. Kita niyang may period ako tapos kung ano ano pumapasok sa utak niya!

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon