Chapter 34
Ilang araw akong hindi makausap ng maayos dahil sa nabalitaan ko sa mommy ni Kate. Maging si Cuello ay nababahala na rin sa pagiging matamlay ko at pananahimik ko habang kasama siya.
Noong araw na 'yon, hindi lang ako ang umiyak ng todo todo. Maging si Dexter na tinawagan din pagkatapos akong tawagan ni Miss Karen ay umiyak din habang kausap ako sa kabilang linya.
Sumisikip ang dibdib ko habang iniisip na wala na ang bestfriend ko. 'Yong taong naging cheerleader ng buhay ko. Her bright energetic aura that is full of positivity is now... totally gone.
"Come here..." Tawag sa akin ni Cuello.
Hindi ako gumala sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko kasi kapag gumalaw ako ay maiiyak ako agad.
Cuello pressed his lips in a grim line. Siya na ang kusang lumapit sa akin. Dahan dahan niyang inilagay ang braso sa akin at hinila palapit sa kaniya. Napapikit ako nang mahilig ako sa dibdib niya.
Nasa unit ko kami ngayon at iniwan ni Cuello ang trabaho niya nang sabihin ko sa kaniya ang totoong nangyari. Ang dahilan kung bakit ako palaging hindi makausap ng maayos.
Damn it. Naiiyak nanaman ako. Bakit naman kasi ang aga aga niyang kunin ng langit? Ganoon na ba talaga kapag mabait ang isang tao? Maagang kinukuha?
Bakit hindi na lang si Paul? Siya 'yong masama eh! Siya 'yong nanloko sa bestfriend ko. All she did was to love him truly but that damn bastard ruined my bestfriend.
Sana siya na lang ang namatay! My bestfriend don't deserve this!
Kumuyom ang mga kamao. Totoo nga talagang ang mga masasamang damo ay hindi maagang namamatay. Dahil mas naging masaya pa ata si Paul nang ibalita sa kaniya ni Dexter 'yong nangyari. He even partied like nothing happened. He's a big bullshit!
Another important person left me again.
Hindi ko na napigilan. I cried against Cuello's chest. Kinuyom ko pa ang kamao ko na nakapatong sa kaniyang dibdib para mapigilan ko ang aking sarili na magwala at magalit sa lahat ng nakikita ko.
Cuello caressed my hair and kissed my forehead. Mas naiyak ako sa ginagawa niya.
"Cuello, hindi ko matanggap... Hindi ko matanggap..."
"Shh... Everything will be alright. Kate won't like it if she sees you like this." Bulong niya sa akin.
Umiling ako sa kaniya. Sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.
"She's my bestfriend Cuello. Hindi ko matanggap na iniwan niya na kami. She damn promised me she'll come home. She'll come back... Look what she just did, iniwan niya kami!"
Hinigpitan ni Cuello ang pagyakap sa akin. Dinig ko ang sobrang kabog ng dibdib niya dahil sa siguro'y takot sa nangyayari sa akin. Damn it. Sigurado akong kapag 'di niya ako hawak ay marahil nagwawala na ako ngayon.
"Iniwan niya kami... Iniwan niya ako... Cuello, bakit lahat na lang ng mga importanteng tao sa buhay ko ay nawawala? Si lola, si dad, si mom, ngayon si Kate. Bakit lagi na lang 'yong mga taong mahalaga sa akin ay iniiwan at sinasaktan ako? Bakit... Bakit palagi na lang ako ang naiiwan?"
Umiling si Cuello sa akin. "I'm still here Calla. I won't leave you. I promise."
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. Dahil sa mga luha ko ay nanlalabo ang paningin ko sa kaniya. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ng braso ko at marahan ko siyang tinititigan.
Kita ko kung paano nanlambot ang mga mata ni Cuello sa akin. Inangat niya ang kamay niya sa pisngi ko at marahang pinunasan ang basang basa kong pisngi.
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
TienerfictieA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...