Chapter 27

284 16 0
                                    

Chapter 27

"Bakit hindi mo ito sinabi sa akin agad Calla? Dapat matagal mo na itong sinabi sa akin para mailayo kita sa nanay nanayan mo." Aniya matapos kong sabihin sa kaniya lahat.

Humikbi ako at mariing umiling. Hindi naman ganoon kadali 'yong sinasabi niya. Atsaka kapag lumayo ako, parang binigyan ko na siya ng kalayaan na sumaya sa piling ng iba habang ako miserable.

"Hindi ko naman kasi aakalain na hindi ko pala siya tunay na ina."

Nagmura siya ng marinig 'yon. Tiningnan niya muna ako bago tumayo at pumunta sa kitchen. Hinintay ko siyang bumalik sa sofa at inabutan ako ng tubig.

"Inom ka muna. Para humupa 'yang pag-iyak mo." Medyo galit niyang sabi.

Wala akong nagawa kundi tanggapin 'yon at inumin. Kasabay ng paglapag ko ng baso sa table ay ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Akala ko talaga niloloko niya lang ako noong una kasi palagi naman niya akong tinatanggi noon. Pero no'ng... no'ng nagpaDNA test kami. Damn it, masakit pa rin pala na malamang hindi ko siya tunay na ina."

"Kailan mo nalaman 'yong resulta ng DNA test niyo?" Tanong niya.

"Noong graduation." Malutong na mura ang narinig ko.

"Calla, that's almost three weeks ago! Kaya ka ba uminom noong graduation mo?"

Dahan dahan akong tumango. Muli nanaman siyang napamura at inis na ginulo ang sariling buhok.

"Sa susunod, kapag may problema ka at gusto mong uminom ay ako agad ang tawagan mo. Kahit ilang case pa 'yan, basta dito lang tayo sa unit mo o kahit saan na tayong dalawa lang. Hindi puwedeng uminom ka ng mag-isa. Mababaliw ako Calla. Mababaliw ako."

Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siyang hindi makatingin sa akin dahil sa inis. Hindi ko alam pero mas naiyak pa ata ako na makita siyang nagagalit nanaman sa akin.

"B-bakit ka pala nandito? May kailangan ka ba?" Tanong ko nang maalala na kusa pala siyang pumunta rito.

"Sinong hindi mapapapunta rito kung 'yong nililigawan ko ay hindi sinasagot ang mga tawag ko? Damn Calla, nakakabaliw kang ligawan!"

Ngumuso ako, pinipigilang mangiti dahil sa sitwasyon. Huminga ako ng malalim at piniling umiwas na lang ng tingin.

"Sorry..." Hindi siya sumagot.

Maya maya ay kinuha niya ang phone niya mula sa kaniyang bulsa. May kung ano siyang tinipa roon. Pagkatapos ay inilapit niya ang kaniyang telepono sa kaniyang tainga habang nakakunot ang noo.

"Yeah it's me... Bilhan mo ako ng dalawang ice cream... 'Yong malaki please... Dito mo na ihatid sa Skylines." Binaba niya ang kaniyang telepono bago ako lingunin.

Umiwas ako agad. Kabadong kabado na mahuli niyang kanina ko pa siya tinititigan. Huminga ako ng malalim at tatayo na sana ako nang bigla niya akong hilain palapit sa kaniya.

"Let me wipe your tears." Sabi niya bago kinuha ang panyo mula sa kaniyang bulsa at pinunas 'yon sa pisngi ko.

Napatitig ako sa kaniya ng husto. From his whispering eyes, his knotted eyebrows, his pointed nose, and attractive thin lips. Napalunok ako dahil bigla akong nauhaw habang pinipigilan ang sariling abutin ang mga labing 'yon.

"Stop crying please. It's hurting me to see you cry like this." Bulong niya.

Binaba niya ang panyo galing sa mukha ko pero ganoon pa rin ang lapit ng mukha niya sa akin. Malakas kung pumintig ang puso ko nang titigan niya ako ng mabuti. That same intense gaze again. Hirap siyang lumunok at umawang ang bibig nang bumaba ang paningin niya sa mga labi ko.

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon