Chapter 42
Kanina ko pa napapansin na tahimik si Cuello buong magdamag habang nanonood kami ng movie sa sinehan–o mas mabuting sabihin na habang nanonood ako ng movie sa sinehan dahil tulala lang naman ang kurimaw sa pinapanood niya. Kahit nakakatawa na ang scene ay hindi man lang nagreact.
Lumapit ako sa kaniya. When he felt my breath, he immediately turned his head to see me with his widening eyes.
"Iniisip mo?" I asked while resting my elbows to my chair's armrest.
Umiwas siya ng tingin at itinutok iyon sa pinapanood namin. "Sa kompanya lang..."
Lumabot ang ekspresyon ko. "Talaga bang marami kang niliban ngayon?"
Huminga siya ng malalim at marahang siyang tumango.
"Did I really hurt you so bad?" Mahina niyang sabi sa akin.
Natahimik ako. Hindi inaasahan na ito ang sasabihin niya kaysa sagutin ako.
Pinagmasdan ko siya habang unti unting bumabalik sa akin lahat ng napagdaanan kong depresyon at sakit noong iwan ko siya noon. Lahat lahat bumalik kaya hindi ko na napigilang maluha habang pinanonood siya.
"Yes..." I admit, almost a whisper.
"It was mommy who told you that, right?"
Tumango ako. "She told me everything."
"Not everything..." Umiling siya. "Because I have the everything Calla. She only knew the smallest part of the truth, but not the whole."
"Then tell me, I'm listening. Makikinig na ako this time."
Hindi siya nagsalita. Hinintay ko siyang sundan ang mga sinasabi niya habang inaanalisa ang mga binibigkas niyang salita.
Smallest part of the truth, ito na ba 'yon? Sasabihin na ba niya kung bakit niya nagawa sa akin 'yon? Kahit ano naman eh, tanggap ko na dahil alam ko sa sarili ko na kahit lokohin niya ako ng paulit ulit ay ayos lang. Pero hindi ko maitatanggi na kinakabahan pa rin ako.
Ang buong akala ko ay magsasalita na siya tungkol doon pero nagkamali ako. Dahil nang mag-angat siya ng tingin ay wala na ang seryosong mukha ni Cuello. Imbes ay ang nang-aasar nitong hitsura.
"You can't get me that easily Calla. I'm not the same Cuello who's always been chasing for your affection years ago."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Padabog na binigay sa kaniya ang popcorn namin.
"Kung ayaw mong magpaliwanag, then no. Hindi kita pinipilit." Iritado kong sabi.
"Ganoon na lang 'yon? Hindi mo ako pipilitin?" Aniya.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Am I not pursuing you?" I said sarcastically.
"Pilitin mo akong magsalita. Baka sakaling magbago isip ko."
Prenteng umupo ang loko sa kaniyang upuan habang nakain ng popcorn sa dibdib niya. Malapit ng matapos ang movie tapos ngayon pa siya manonood? Pinaglololoko ba ako ng playboy na 'to?
"Give me my popcorn. Binayaran ko 'yan!" Singhal ko bago inagaw mula sa kaniya 'yon.
"What? Ikaw kaya nagbigay sa akin."
"Shut up!" Sigaw ko.
Tumawa siya sa akin ngunit parehong natigilan nang makitang masama na ang tingin ng mga nasa baba namin na mga nanonood. Umirap pa ang ilan at bumulong bulong na ang iingay daw namin.
Damn bitches! Sa inyo ba ang sinehan na 'to?! Makairap kayo akala niyo naman nanonood din. If I know nagkakapaan na 'yang mga 'yan!
"Ingay mo kasi..." Bulong bulong niya. Hinampas ko siya sa braso.
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
Teen FictionA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...