Chapter 29

295 16 3
                                    

Chapter 29

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Lycus sa akin habang nagdridrive ng kaniyang kotse.

"Sa Delataste na lang." Sabi ko habang binabasa ang mga pinadalang mensahe ni Cuello sa akin.

Cuello:

Calla come on. Answer your damn phone. Mag-usap tayo.

Cuello:

Calla, please. Talk to me. Nasaan ka ba? Papunta na ako sa unit mo ngayon.

Nagtipa muna ako ng mensahe kay Cuello bago pinatay ang phone ko.

Ako:

Wala ako sa unit ko at huwag mo na rin akong bisitahin dahil banned ka na sa Skylines. Isa pang text, i-bloblock kita.

"Uhm, balita ko umalis na raw si Kate papuntang US?" Mabilis akong napalingon kay Lycus habang kunot ang noo.

"Paano mo nalaman?"

Sinabi din ni Kate kay Lycus na may cancer siya? Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya mahal pa rin ni Kate si Paul kaya sinabi niya ito roon?

"Analyn told me. Nagvacation daw kasama ng mommy niya." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

Goodness! Akala ko ay sinabi rin ni Kate o ni Dexter kay Lycus ang tungkol doon.

"Napapansin ko lang, bakit Analyn lang ang tawag niyo kay ma'am Analyn? She's 12 years older than you." Pag-iiba ko ng usapan.

Tumawa si Lycus sa sinabi ko. "She told us to call her on her first name. Of course we respected that."

My brows shot up. "That's weird."

"You what's weirder? Itong pagkain natin sa labas. Akala ko kasi may magagalit kaya hindi kita inaaya lumabas."

Ngumuso ako at bahagyang kumunot ang noo. "Magagalit? Sino naman?"

"Hindi ka na ba kinukulit ni Cuello?" Nagtataka niyang tanong.

Sarkastiko akong natawa sa kaniyang sinabi at mariing umiling. That jerk, hinding hindi ko sasagutin 'yon!

"Hindi naman. Nagsawa na rin ata kaya matagal ng 'di nagpapakita." Bulalas ko.

Lumingon siya sa akin. Tinitimbang ang reaksyon ko. "Namimiss mo ba?"

Marahas akong umiling. "No freaking way. Kahit hindi na magpakita ang lalaking 'yon sa akin, mas sasaya pa ako."

Natawa siya sa akin. "You must've hate him so much to say that."

"He's an asshole." Ulit ko sa sinabi niya dati.

"Yeah, he's been like that since we're in gradeschool. That's why I don't want you to go near him because he'll just play you."

Tumango ako sa sinabi niya. Kumbinsido na totoo lahat ng sinasabi ni Lycus. Isa na sa mga ebidensya ko roon ay ang mga babaeng kasama niya kagabi.

Whoever that Dyale is, kapag nakita ko talaga siya ay humanda siya sa akin!

"Let's not talk about him." Untag ko habang nakatingin sa labas.

Hindi na niya binanggit si Cuello sa buong byahe. Iniba na lang niya ang usapan tungkol sa mga bagay bagay katulad ng mga paborito kong pagkain at pasyalan na hindi ko masagot ng maayos dahil vibrate ng vibrate ang phone ko.

Nang silipin ko ito ay nakita kong si Dexter 'yon. Papasok na kami sa restaurant at kumukuha na ng lamesa si Lycus para sa aming dalawa. Sinagot ko ito lalo na't naka seven missed calls na siya.

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon