Chapter 11
Mabilis niyang tinulak ang babae sa kandungan niya na para bang malaking kasalanan 'yon.
Kinunutan ko siya ng noo. "What? Ituloy mo lang 'yan. Hindi ko naman ipagkakalat sa school na babaero ka."
Namumutla siya. Parang nakakita ng multo kaya mas lalo kong naiinis. Ganiyan siya palagi! Hindi kaya dahil mahaba ang buhok ko? Magpagupit kaya ako?
"Hon? Bakit mo naman ako tinulak? Ayaw mo na ba sa akin?" Tanong nong Jen sa kaniya. Umirap ako sa kalandian nila.
"Jen. Huwag ngayon. Sige na, bumalik ka na sa table. May kakausapin lang ako."
"Sino ba siya?" Maarteng tanong no'ng babae kaya nilingon ko siya.
Maganda. Sexy. Malaking dibdib. Matangkad. Maliit ang baywang. Mukhang barbie doll pero malandi.
"Basta, doon ka na." Sabi ni Cuello. Parang may dumaan na kirot sa dibdib ko kaya inirapan ko siya.
"Sige, wait kita. Bilisan mo ha."
Nang makaalis ay hindi ko na napigilang magsalita. Saktong dumating naman ang inorder ko kaya agad ko itong ininom.
"So kinakahiya mo ako ngayon? Hindi mo masabi sa kaniya na kaibigan mo ako?" Mataray kong tanong.
"Ha? Ano. Hindi sa ganoon. Kapag kasi sinabi kong kaibigan kita ay pag-iinitan ka no'n kaya minabuti ko na lang na hindi sabihin."
"Tss." Umirap ulit ako at nagorder ulit ng vodka. Siya namang pagdating ng order niya.
"Bakit ka nandito sa loob? Akala ko wala kang trabaho? Damn it. Bakit ganiyan uniform niyo?" Frustrated niyang mga tanong na para bang hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang naging uniform namin.
"Tanga ka ba? Siyempre nasa bar ako. Anong aasahan mong uniform? Balot na balot?"
Nagulat ako nang hubarin niya ang jacket niya at nilagay sa likuran ko 'yon.
"Isuot mo. Pinagtitinginan ka na ng mga tao oh!"
"Ba't ba napakaconservative mo? Ba't 'di mo balutan 'yong mga babae mo e mas malaswa pa mga suot no'n kaysa sa akin?!" Iritado kong untag sabay hampas sa kaniya ng jacket niya.
"Calla. Isuot mo na kasi. Bakit ka naman kasi biglang nagwaitress? Dapat tinanong mo muna ako!" Maktol niya.
"Kaibigan lang kita, hindi tatay o boyfriend. Kaya huwag kang demanding diyan."
He bit his lower lip. Halatang napipikon na sa pagiging matigas na ulo ko. Para bang pati siya ay hindi niya rin maintindihan ang sarili niya kaya napapahilamos na siya ng kaniyang mukha.
Uminom ulit ako. Ilang minuto rin kaming natahimik kaya mas gumaan ang loob ko. Nang mapansin kong hindi niya pinapansin ang shot niya ng vodka ay agad ko itong kinuha at ininom. Malutong na mura ang sinabi niya nang makita ang ginawa ko.
"Tama na. Huwag ka ng uminom." Aniya. Umiling ako.
"I have to. Para may lakas akong harapan 'yong mga lokong customer na 'yon. Kahit papaano nahihiya rin ako sa uniform namin. Hindi naman kasi ganito ito dati! Mas'yado kasing competitive ng boss namin sa kabilang bar kaya gustong magpalit din kami ng uniform. Wala akong choice kundi tanggapin! Kailangan ko ng pera e."
Natulala siya nang marinig ang mahaba kong salaysay. Maging ako ay nagulat din. Tipsy na ata ako.
"I-uuwi na kita." Seryoso niyang sabi.
"No. Back off. May trabaho pa ako." Tumayo na ako. Tapos na ang break time ko.
"Damn! Calla. Sige na Calla. Uwi na tayo. Medyo lasing ka na."
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
Teen FictionA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...