Chapter 35

355 13 0
                                    

Chapter 35

Maybe, everything happened for a certain reason. Kate became my bestfriend because she's my bridge to finally meet my mother. Because of her, nalaman ko na nagsinungaling lang sa akin ang daddy ko. Hindi ko alam ang buong kuwento pero isa lang ang sigurado ako, pinagkaisahan ako ng daddy ko at ng nanay nanayan ko.

From that day, lumipat agad ako sa bahay ni mommy–ang tunay kong ina–dahil ayaw ko nang manirahan sa condo unit na bigay ni daddy sa akin.

Hindi ko binalik ang allowance na binibigay niya sa akin dahil kulang pa 'yon sa lahat ng kabayaran na dapat ibigay niya sa akin dahil sa mga kasinungalingang pinakain niya sa akin. Pero simula noong araw na 'yon, nawalan na ako ng pakialam sa kanila. Kinalimutan ko na naging parte sila ng buhay ko.

Kaya nang hingan ako ng tulong ni daddy para mahanap si Princess, walang pag-aalinlangan ko siyang tinanggihan.

"W-what?! Calla, you need to help me! Kapatid mo ang nawawala rito. May nakapagsabi sa akin na nakakausap mo raw ang kapatid mo. Tell me where is she!"

Nangunot ang noo ko. "Sinong nagsabi sa'yo?"

"I know everything! Gaya ng paglayas mo sa condo unit na binigay ko sa'yo! Bakit hindi mo sinasabi sa akin na lumipat ka na sa mommy mo?! Wala ka na ba talagang utang na loob?!"

"Utang na loob?!" I scoffed exaggeratedly. "Ni minsan wala kayong nagawang maganda sa buhay ko. Tapos gusto niyong tumanaw ako sa inyo ng utang na loob?!"

"I gave you everything! Hindi ka mapupunta sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi dahil sa akin!"

I laughed hysterically. "No, you're wrong daddy. I am here because of my own decisions. It's your freaking responsibility to dress me with your wealth! Hindi ko utang na loob 'yon!"

"Hindi mo talaga sasabihin sa akin kung nasaan ang kapatid mo?!"

"I don't know where she is!" Sigaw ko.

"Fine! Wala ka ng mahihita sa akin!"

"It's okay! Mabubuhay naman ako kung wala ka. Hindi ka kawalan!"

Dinig ko ang sarkastiko niyang pagtawa sa kabilang linya. "Sinasabi mo lang 'yan dahil kasama mo ang nanay mo. Hindi mo kayang mabuhay kung wala kami sa tabi mo."

"At least she's honest and she loves me. Unlike you. Puro sarili niyo lang ang iniisip niyo. Sana nga hindi niyo na mahanap si Princess! Sana nga lumubog ang pangalan niyo sa lupa! Magsama sama kayo ni Wilma Guzman!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na patayan ng tawag si daddy.

Ang kapal ng pagmumukha ng daddy ko para takutin at ipamukha sa akin na may nagawa siyang maganda. Dapat nga ginagantihan ko sila ngayon. Sinisira gaya ng pagsira nila sa pagkatao ko.

But no, pinangako ko na sa sarili ko simula noong makilala ko si Cuello na magbabago na ako.

Marahas akong napabuntong hininga. Saktong may narinig akong tumikhim sa likuran ko kaya nilingon ko siya. Si mommy, tumabi siya sa akin dito sa sala at binigyan ako ng nagtatanong na mga mata.

"Is it your dad?"

Tumango ako. "Opo,"

Somehow, those days she spent with me up until now is really heartwarming. She did everything to please me, amuse me, and spoil me. And I really appreciated that.

"H-how is it?"

"Tinatanong kung nasaan ang kapatid ko. Hindi ko talaga alam kung nasaan pero sana nga hindi na niya mahanap para mas lumubog ang negosyo nila."

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon