Chapter 36

350 11 1
                                    

Chapter 36

Minsan talaga, 'yong taong akala mo mapagkakatiwalaan mo ay 'yon pa 'yong taong sasaksak sa likuran mo. Kahit na naging totoo ka sa kanila, sasaktan at sasaktan ka pa rin nila lalo na kapag simula pa lang ay niloloko ka na pala nila.

I really got depressed after knowing that. Alam kong legit 'yon dahil galing pa 'yon mismo sa mommy niya at sinabi rin ni Wilma Guzman sa akin na naging kabit nga siya ng daddy ni Cuello.

Then I remembered the day when he encountered my ex-mother Wilma. Kaya ba umalis kami agad kasi hindi niya masikmura na makita ang kabit ng daddy niya noon?

Damn, kaya pala nakakapagtaka na lapit siya ng lapit sa akin noon. Desperado talaga siyang gantihan ang nanay nanayan ko.

I bit my lower lip to suppress myself from crying again. I love him so much but I can't help this pain encompasses my system.

Masakit, sobra...

Ayaw ko siyang mawala sa buhay ko pero hindi ako papayag na gaguhin niya ako.

That night, I promised myself to never let my guards down again. Wala na talagang mapagkakatiwalaang tao sa mundo.

Not your relatives, your friends, and even your boyfriend who promised you so many things in this world.

Pagod na pagod na akong iwan at saktan ng mga importanteng tao sa buhay ko. Tama nga si Princess, Camerons are so evil. Dahil gaya niya, pinaasa ako ng isang Cameron. He's damn heartless.

He ruthlessly slaughtered my heart.

And now, nagkatotoo ang sinabi niya. I have no heart left. He took everything and did this. He didn't just slap me, he also broke my last piece of love.

Bigla kong narealize, tama nga si mommy Karen. Men are all liars.

Nasaktan siya sa daddy ko dahil nagsinungaling si daddy na wala siyang fiance. Ngayong nabuo ako ay iniwan niya si mommy para sa isang mayamang babae. He's damn impossible!

Ang sakit sakit lang dahil habang kinukuwento ito sa akin ni mommy ay unti unti kong napapatunayan na lahat ng lalaki sa mundo ay manloloko.

Dad fooled my mom. Paul hurt my bestfriend. Karl made my sister cry. And now, a damn Cameron fricking played me so good.

Mabuti nalang hindi straight si Dexter.

Ilang araw akong tinuruan ni mommy sa kompanya at buong atensyon ko 'yong tinutukan para makalimutan ko kahit saglit ang mga nalaman ko.

Napag-alaman ko na may business convention siyang kailangang daluhan kaya tinanong niya ako kung gusto ko bang sumama. Pero dahil malapit na ang enrollment ay hindi ako pumayag.

Isang linggo na ang lumilipas. Ganoon pa rin ang ginagawa ko. May mga narereceive na rin akong text galing kay Cuello pero hindi ko pinapansin ang mga 'yon kapag nasa kompanya ni mommy.

Babasahin ko lang 'yon tapos iiyak sa huli dahil muli ko nanamang naalala ang panggagago niya sa akin.

Cuello:

Pasensya na hindi ako nakatext sa'yo these past few days. Marami kasing pinapagawa si mommy sa akin tungkol sa kompanya.

Mapait akong ngumiti.

Cuello:

Calla, are you okay? You're not texting me. I'm sorry for being too busy lately. Hayaan mo, babawi ako sa'yo. We'll date!

Damn you Cameron! Hinding hindi mo na ako maloloko!

Patungo na ako ngayon sa Douglass Academy para magpa-enroll sa college nang makasabay ko si Kate sa harapan ng gate. Gulat siya nang makita ako.

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon