Chapter 30
Bumuntong hininga ako. Ano pa nga bang magagawa ko? He already claimed his territory and I'm more than even willing to let him claim me as his own. There's no damn point of arguing about this because he knows my feelings.
"You really have a habit of controlling me huh?" Hindi ko napigilang sabihin.
Ngumisi siya. "I'm just being your boyfriend material here."
"Hindi mo bagay." Binaba niya ako sa sofa.
"Mahal mo naman." Aniya habang inaayos ang palda ko. Inirapan ko siya at humalukipkip.
"Since kumain ka na kasabay ng pangit na 'yon, bumawi ka sa akin." Aniya bago umupo sa tabi ko.
"Bumawi? Wala naman akong kasalanan sa'yo ah?" Nagtataka kong sabi.
"Anong wala? Nakisabay kang kumain sa ibang lalaki na dapat ay ako 'yon kaya malaki ang kasalanan mo sa akin."
Tumaas ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. "Ikaw pa talaga ang may ganang maningil sa atin? Sino ba sa ating dalawa ang bigla biglang nawawala huh?"
"Hindi ako nagpakita sa'yo kasi busy ako."
"Busy sa babae?" Umismid ako sa kaniya.
"Hindi. Busy ako sa kompanya ni dad. Atsaka ayaw ko kayong makita ni Lycus noong gabing 'yon. Akala mo hindi ko napapansin na pinagseselos mo ako? Damn, what you're doing back there was really effective because I really got pissed off." Mahaba niyang sabi.
Tinitigan ko siya ng matagal. Pinagmasdan siya kung paano niya suklayin ang kaniyang buhok gamit ng kaniyang mga daliri habang nakatingin sa nakapatay kong TV.
"Hindi kita pinagseselos nun. Nakakainis ka lang talaga kaya hindi kita pinapansin."
Sinimangutan niya ako. "Ako pa talaga ang nakakainis? Eh ikaw nga itong grabe kung makangiti kay Lycus."
"He's kind." Sabi ko.
"And I'm not? Seriously? For your information, ikaw lang ang babaeng binibisita ko araw araw at nilulutuan ko ng pagkain." Segunda niya.
"Oh so you're bragging now? Dapat ba akong matuwa dahil ako lang ang babaeng ginaganito mo?" Sarkastiko kong sabi.
Mas lalo siyang suminangot.
"Bakit? Hindi ka ba natutuwa sa mga ginagawa ko sa'yo?"
Natahimik ako sa seryoso niyang mukha na nakatingin sa akin, na para bang anytime kapag maling sagot ang sinabi ko sa kaniya ay parurusahan niya ako. Ngumiti ako ng matamis.
"Natutuwa naman. Sinong hindi natutuwa sa libre ng isang tao? Kahit sino naman maglilibre sa akin, tatanggapin ko."
Umiwas siya ng tingin at salubong ang kilay na ngumuso. "Tss, kaya tinatanggap mo rin 'yong mga libre ni Lycus kasi para sa'yo, kahit sino lang ako?"
Goodness! Hindi ko alam kung tatawa na ba ako sa hindi niya maipintang mukha o pipigilan ito at hintaying sumabog siya. Para siyang bata kung magselos!
"Diba sabi mo boyfriend na kita? Paanong naging kahit sino ka lang sa akin e pinangalandakan mo na sa mukha ko na boyfriend na kita?" Sabi ko.
Natigilan siya nang marinig niya 'yon. Dahan dahan naman akong lumapit sa kinauupuan niya. Slow motion siyang lumingon sa akin at mas lalong naestatwa nang makitang malapit ang mukha ko sa kaniya.
Umawang ang bibig niya sa akin.
"What? Cat got your tongue, eh?" Ngisi ko.
"What the f–" pinutol ko na ang kung anumang sasabihin niya dahil hinalikan ko siya agad.
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
Ficção AdolescenteA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...