Chapter 47
Bahagya akong naalimpungatan nang magising. Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kuwarto. Napabangon ako agad sa aking kinahihigaan habang inililibot ang paningin. Inisip ko kung anong nangyari bago ako nakatulog at nang maalala na hinatid ako ni Cuello ay agad akong bumangon at lumabas ng kuwarto.
Naglilinis ako ng aking mga mata nang mabangga ko ang isang vase. Agad ko itong sinalo at laking pasalamat ko nang masambot ko ito. Pagkabalik ko sa lalagyan nito ay saka pa lamang rumehistro sa utak ko na nasa ibang bahay nga ako.
Malaki ang bahay, hindi ko masabi kung bahay ba o isang unit dahil nasa second floor ako, kung nasa second floor nga ako dahil kitang kita ko sa 'di kalayuan ang dulo ng hagdanan. Naglakad ako palapit doon habang inililibot ang paningin sa mga pader. Mga mamahaling paintings at vase ang nakikita ko. Kung kay Cuello man ito, bakit parang mas mayaman pa sila kaysa sa amin?
Akala ko ba mas mayaman ako?
Bumaba ako sa grandstairs ng mansion. Nasa second floor nga ako dahil pagbaba ko ay huling palapag na ito. Malawak ang sala at naaamoy ko na sa 'di kalayuan ang masarap na luto ng pagkain.
Lalapit na sana ako doon nang maalala na hindi pa pala ko nakapaglinis ng saliri. Tumalikod ako at naglinis ng mga mata ulit. Hinawakan ko pa ang gilid ng mga labi ko kung naglaway ba ako o hindi. Pero bigla akong natigilan, hindi naman ako naglalaway kapag natutulog ah?
Pinilig ko ang ulo ko at napagdesisyunan na bumalik sa kuwarto para makapaghilamos ngunit bago pa man ako makahakbang sa grandstairs ay dinig ko na ang boses ni Cuello galing sa kusina niya.
"Gising ka na pala, tara kain ka muna dito. Nagluto ako ng almusal..." Aniya.
Damn, bakit ang guwapo guwapo ng boses ng kurimaw na ito? Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi.
"Mamaya na lang, u-uhm... Maglilinis muna ako." Nahihiya kong sabi.
Kasi naman! Hindi ako tumingin sa salamin bago ako bumaba dito. Nataranta ako dahil hindi ko alam kung saang bahay ako napunta.
This is the first time that he brought me here in his house. Dati ay sa condo ko lang siya tumatambay. I didn't know that he have this huge mansion!
Mabuti na lang pala at hindi niya ako dinala noon dito. Baka mas lalo akong manliit sa sarili ko noong mga panahong 'yon. Mahirap na nga siyang abutin noong nag-aaral pa kami tapos malalaman ko pa na may ganito siya ka-engrandeng bahay.
"Ha? Bakit naman? If you're thinking that you're less attractive if you didn't wash up in the morning, you're wrong Calla. Kahit magsuot ka ng basahan, maganda ka pa rin sa paningin ko."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at bahagya siyang nilingon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang naglalakad na palapit sa akin. Umagang umaga ay topless ang kurimaw! Naka-apron siya at nakashorts na hanggang tuhod.
Hindi ko alam kung saan ako titingin. Ito ang kauna-unahang beses na nakita ko siyang ganito, bare and sexy. Although he's always sexy on shirt but damn it, he's far too seductive with his apron!
Ngumisi siya nang makita ang natutuliro kong mga mata. Uminit ang pisngi ko nang mahuli niya akong bumababa ang tingin sa abs niyang natatakpan ng apron. Sure akong may abs siya dahil braso pa lang niya ay ulam na.
"I bought you clothes. Nasa closet ko na, may personal necessities ka na rin sa banyo ko. Hintayin na lang kita."
Doon lang ako natauhan nang husto nang halikan niya ako pagkalapit niya sa akin. He even hugged me while kissing my lips passionately. Sa hiya ko ay naitulak ko siya agad.
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
Teen FictionA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...