Chapter 1

1.1K 22 1
                                    

Chapter 1

"I'm her half sister..."

Biglang tumaas ang kilay ni Mau nang sabihin ko. Parang hindi makapaniwala sa inamin ko sa kaniya.

"Not joking?"

"Yes," sagot ko.

"Oh." Aniya.

Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin ng malakas. Agad akong napahawak sa mahapdi kong pisngi habang naluluhang tiningnan siya.

What is her problem?! Alam kong may issue sila ng kapatid ko pero bakit niya ako sinampal?! Wala naman akong kasalanan sa kaniya?

Pinamaywangan niya ako at binigyan ng nang-iinis na ngisi. 

Mariin kong pinandikit ang mga labi ko. Kinuyom ang kamao ng kamay ko sa likod para mapigilan kong sapakin ang Mauiandra'ng ito.

"That's for saying I'm a pain in your head. No wonder kapatid ka ni Princess, may attitude. Still, wala akong balak tumulong. Kung gusto mong magsumbong, huwag mo ng subukan. Hawak ko sa leeg 'yong Prinsipe niyo."

Dang it! Bakit nasidatingan ang mga spoiled na mga 'yon? Ang sasakit nila sa ulo at ang sasama ng mga pag-uugali nila.

"Calla, ayos ka lang?" Tanong ng isa sa mga classmate ko. Tumango ako.

"Oo, ayos lang. Nasaan si Dexter?" Tukoy ko sa secretary namin sa homeroom.

"Yes Miss President?" Agap niya sa tabi ko. Nilapitan na rin ako ng iba ko pang mga kaklase.

"Nakakainis talaga 'yang si Mau at 'yong bestfriend niyang malandi! Wala ng ginawa sa school natin kundi mang-away ng mang-away!" Segunda ng isa sa mga kaklase naming babae.

"Oo nga! Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit humaling na humaling sa kanila sina Aurose at Zachary e!" Ani pa ng isa sa kanila. Hindi ko matukoy kung sino.

Mas'yado kasing mahapdi 'tong sampal sa akin ng baliw na babaeng 'yon kaya hindi ako makapokus. Parang nangapal sa sobrang hapdi.

"Miss President? Maupo ka muna. Namumula 'yong pisngi mo." Ani Juliane.

Ginawa ko nga ang sinabi nila. Umupo ako sa upuan ng teacher ko sa harapan. Kinuha ko ang phone ko para makita kung malala ba o hindi. Nang makitag namumula nga ay napahinga ako ng malalim.

"Dexter, mark absent mo 'yong mga 'yon." Utos ko sa secretary namin.

"Sino? Sina Mau at Even?"

Umiling ako. "Pati sina Aurose, Zachary. Wala nanaman kasi rito. Mga wala namang naitulong 'yong mga 'yon e. Kapag tayo talaga natalo sa talking door natin ay isusumbong ko na talaga sila kay ma'am!"

"Bakit kasi hindi mo na isumbong ngayon Calla? Paniniwalaan ka naman nila Ma'am e."

Umiling ako. Hindi puwede. Kahit naman sabihin ko na isusumbong ko sila ay hindi ko kaya. Bukod sa scholar lang ako rito ay ayaw ko ng gulo sa totoo lang.

Ayaw kong magalit o mainis man lang sa iba dahil sa sakit ko kaso pinupuno lang talaga ako ng mga tamad na estudyanteng 'yon! Iba pa naman ako magalit, at 'yon ang pinaka-iniiwasan ko sa lahat.

"Oo nga Calla. Kulang lang sa pitik 'yong mga 'yon e. Mas'yadong nagrereynahan dito sa Douglass. Akala mo mga anak Presidente."

Isa rin 'tong mga 'to. Kung hindi lang ako palasigaw na presidente ay hindi nila ako susundin dahil mga anak mayaman ang mga 'to.

Iritado kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Ganito ako kapag hindi ko nailalabas ang galit sa dibdib ko. Iniiyak ko na lang para makahinga ako ng maluwag dahil ayaw kong makapagsalita o makagawa ng ikasasama ng lahat.

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon