Chapter 41
Ako ang nagset ng date kung saan at kung kailan ang forced date naming dalawa. Wala akong pakialam kung forced date lang ito, ang importante ay magdedate kami ni Cuello.
Suot ang creme fitted half sleeves crop top na binili ko sa Las Vegas last year, brown high waist button down conservative shorts na galing pa sa Paris, at light brown oxfords shoes na binigay sa akin ng isang kilalang company ay taas noo akong bumaba sa grand staircase ng mansion ko. I even put some light make-up just to highlight my beauty. Salamat sa mga kilalang make-up artist sa Paris na kaibigan ni mommy, natuto ako.
Paglabas ko ng mansion ay nagsuot ako ng shades. Ihahatid ako ng driver namin dahil napaka-arte ng bwiset na Cameron na 'yon. Ayaw niya kaming makita ng magkasama dahil takot daw siyang makilala ng mga kaibigan niya. Like, kailan pa siya nahiya sa pagiging two-timer niya?
Cuello:
Where the hell are you? Sabi mo eight sharp? Nine na!
Ngumisi ako nang mabasa ang text ni Cuello. Of course, nagpaganda pa ako para sa'yo kaya huwag kang demanding diyan!
Hindi ako nagreply para mas mabaliw siya sa kakaisip kung nasaan na ako. Kapag umalis siya sa usapan naming lugar ay ibubunyag ko talaga na may relasyon kami kahit na assuming lang ako.
Dahil dalawang bayan pa ang nilampasan namin, as if naman kasi hindi siya makikilala eh pareho kaming kilala sa buong sulok ng mundo, ay umabot din kami ni manong ng forty five minutes na byahe. For sure namatay na si Cuello sa kahihintay sa akin.
Pinagbuksan ako ni manong ng pintuan. Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang busangot na mukha ni Cuello na naka-upo sa isa sa mga table sa Starbucks. I bit mg lower lip to suppress my smile. He's so damn hot while burrowing his eyebrows and pouting his lips. Nakadekwatro pa ang loko habang may straw sa bibig niya.
Damn! Ang gandang lalaki ng Dalmatian ko.
"Cuello!" Ngising tawag ko malayo pa lang.
Awtomatikong napalingon siya sa akin. Umawang ang bibig niya nang makita ang expose kong tiyan sa sikat ng araw pababa sa suot suot Kong takong habang naglalakad palapit sa kaniya na tila nasa isang runway show.
I smirked inwardly because of my effects on him. I'm really sure that he's my very marupok na playboy kaya kunting pakita ng tiyan lang ay bibigay na 'yan.
"Bibig mo, naglalaway na." Sita ko nang makalapit.
He snorted at me before drinking on his Starbucks frappe.
"Ang tagal mo. Kanina pa ako naghihintay rito. I even ditched my meeting just because of this fricking date." Aniya na tila ang sama sama ng loob.
"E 'di sana hindi ka na tumuloy dito nang 'di ka nakokonsensya diyan. Kasalanan ko ba na hindi mo sinabing may meeting ka ngayon? You accepted this date!" Umirap ako sa kawalan.
"Paano ko sasabihin? Pinatayan mo ako ng tawag." Tamad niyang sabi.
"Text! You can text me!"
Umiling siya. "Naubusan ng load."
Ako naman ngayon ang napaawang ng bibig dahil sa sinabi niya. What the hell? Naubusan? Hindi uso ang pagpapaload? Akala ko ba mayaman ang taong 'to? Uso ang prepaid plans 'no!
"Don't talk shits on me." Ginaya ko ang tono ng pagkakasabi niya sa akin kagabi.
"I am not Calla. Sinasabi ko lang na dapay hindi mo inaaksaya ang oras ko. May date tayo pero nalate ka ng halos dalawang oras? Stop wasting my time!"
Ngumuso ako sa harapan niya at bahagyang lumapit. "Hindi mo ba naappreciate ang pag-aayos ko para sa'yo? Nalate ako kasi nagpaganda pa ako."
Titig na titig na siya sa akin habang inilalapit ko ang buong katawan ko sa kaniya. Napalunok siya nang muling bumaba ang mga mata niya sa katawan ko bago pinilit na ibinalik sa mukha kong nagpapaawa ang hitsura na para bang nagtatampo dahil sa hindi niya pag-appreciate ng beauty ko.
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
Teen FictionA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...