Chapter 26

281 15 0
                                    

Chapter 26

Dinilat ko ang mga mata ko kinaumagahan. Kasama ko si Kate na umuwi rito kagabi dahil narinig niya raw ang usapan namin ni Cuello. Dahil ayaw niya raw akong mapahamak ay sinamahan niya ako hanggang sa makauwi.

Dito rin siya natulog kagabi. Hindi man sanay na may katabi sa iisang kama ay pinilit niya akong tabihan at kwentuhan ng mga bagay bagay tungkol sa kaniya.

"I'm actually adopted. Baby pa lang ako ay i-nadopt na ako ni mommy Karen. Since wala siyang asawa ay she singlehandedly raised me. Galing ng mommy ko diba?"

Pinagmasdan ko siya habang nagkwekwento. Kanina pa siya kwento ng kwento tungkol sa favorite foods niya, mga lugar na napuntahan niya, at 'yong mga masasayang alaala nila ni Paul na magkasama.

"Anong sabi ng mommy mo noong maghiwalay kayo ni Paul? Diba sabi mo second year pa lang kayo, pinakilala mo na siya sa mommy mo?" I asked out of curiosity.

Malungkot siyang ngumiti. "Ayon, nagalit siya. Gusto nga niyang sugurin si Paul sa bahay kung hindi ko lang siya napigilan. Mabuti na lang talaga napigilan ko dahil kung hindi? Naku! Ewan ko na lang."

"Hindi ka ba niya pinagalitan na nagmahal ka sa isang manloloko?"

Umiling siya sa akin. "Hindi. Hindi ko naman daw kasi kasalanan na magmahal ako sa maling tao. Si Paul daw ang may kasalanan dahil napakawalang hiya niya para saktan ako."

Tumango ako sa kaniyang sinabi bilang pagsang-ayon sa sinabi ng mommy niya. She's right, walang ginawang mali si Kate sa kaniya. Si Paul ang may ginawa kay Kate na masama. Huwag lang din siyang magpapakita sa akin dahil hindi ako magdadalawang isip na iganti si Kate sa kaniya.

Hindi ko napigilang makaramdam ng inggit sa kaniya. She has her mommy who will do everything just to ease her pain. May magtatanggol sa kaniya at proprotekta sa kaniya. Hindi katulad sa akin na wala kahit anino ng isang magulang.

"You're very lucky to have a mother like her." Wala sa sarili kong sabi.

Lumawak ang ngiti niya sa akin at mas inilapit pa ang mukha sa mukha ko. Bumilog tuloy ang mga mata ko.

"Diba? Ang bait bait niya nga kasi pinayagan niya akong magtrabaho kahit na ayaw niya."

"Bakit ka naman kasi nagtratrabaho? If your adopted mother is that rich, you shouldn't work for yourself."

Ngumuso siya. "Nah, siyempre nahihiya rin ako. Kaya talaga after kong magdebut ay naghanap ako agad ng trabaho para makatulong man lang sa kaniya. Tama ng tuition fee ko ang binabayaran niya, ako ng bahala sa pagkain at pamasahe ko."

She's really different. Napaka-independent niya. Pareho man kami na gustong maging independent, hindi ko maiwasang manliit sa tabi niya dahil napakabuti niyang tao. Ibang iba sa isang katulad ko na hinuhuthutan ang sariling ama.

"You should meet her. Para makilala mo rin siya at masabi ko na may kaibigan akong katulad mo."

"Sure." Tipid akong ngumiti.

"Ikaw ha, napapansin ko lang. Ang tahi tahimik mo tungkol sa buhay mo. Ayaw mo ba talagang i-share ang mga bagay tungkol sa'yo? Minsan nakakatulong din na maglabas ng sama ng loob you know."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi na may sama ng loob ako ngayon?"

"Kasi, naaalala ko pa rin 'yong nangyari sa graduation natin dati. Distracted ka no'n at wala sa sarili. Nakakagulat nga na nakauwi ka pa ng mag-isa noon. Alam kong may problema ka roon. Puwede mo naman akong sabihan eh. Makikinig ako."

Kinagat ko ang labi ko habang nagdadalawang isip na magkwento sa kaniya. Pero dahil magaan ang loob ko sa kaniya ay kinuwento ko ang lahat tungkol sa buhay ko. Ang kauna-unahang tao na sinabihan ko sa lahat ng problema ko.

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon