Chapter 43

391 15 6
                                    

Chapter 43

"Maraming salamat talaga Calla! Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko kung hindi ka dumating..."

Kanina pa si Kate thank you ng thank you sa akin kaya nabibingi na ako sa kaniya. Nang makarating kami a dog cafe ay talagang lumayo na ako sa kaniya at dumiretso kay Mrs. Quillares para tanggapin si Kate sa employment.

"Akala ko ba ayaw mo ng maingay sa cafe?" Natatawang kumento ni Mrs. Quillares. Umikot ang mga mata ko.

"Basta!"

Pinahatid ko na si Kate kay manong sa kung saan man niya gustong pumunta bago ako pabagsak na dumiretso sa opisina ko. Ang buong akala ko ay makakapagpahinga ako ngayon dahil sa nangyari kanina pero nang magbukas ang pinto ng office ko ay bumungad sa akin si Dexter.

"Hoy! Ano itong nababalitaan ko na nagdate kayo ni Cuello sa kabilang bayan?!" Malakas nitong sabi.

"Paano mo nalaman?" Nagtataka kong tanong.

Ngumisi siya at umupo sa harapan ko. "Duh? I have my ways. Ako ata ang kaibigan mong hindi mo na mapaglilihiman kaya magkuwento ka! What happened? Nagkabalikan na ba kayo?"

Mahina akong umiling at pagod na sumubsob sa desk ko. Hindi ko na napigilang magpapadyak dahil sa frustrations ko.

"Hindi! Hindi pa! Mahal niya raw ako pero kailangan ko raw siyang habulin!" Sumbong ko.

Hindi sumagot si Dexter sa sinabi ko. Ilang minuto ko rin siyang hinintay na magreact bago ko narinig ang signature laughter niya na nakakainit ng ulo.

"Talaga?!" He laughed exaggeratedly. "Oh my gosh ka girl! Mabuti nga sa'yo! Maghabol ka rin para malaman mo dinanas niya sa'yo!"

Umirap ang mga mata ko. Hinarap ko siya. "How?! Hindi ko alam maghabol!"

"Duh? Seduce! Ang dali dali ng kasagutan sa problema mo!" Maarte niyang hinawi ang imaginary hair niya.

"I've been seducing him since I saw him Dexter. Hindi ko lang mas'yadong nagawa today dahil sinira niya ang mood ko. But... Fudge! Hindi ko na alam!"

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya.

"He explained his side. Na kinakainisan ko kasi ngayon ko lang naisipang makinig. Mahal niya ako pero galit na galit siya sa akin. He wants me to suffer to get him back. Dex, hindi ko na alam!"

"Diba may girlfriend siya? Baka naman pinaglalaruan ka lang niyan? You know, revenge revenge kagaya ng dati. Pero this time ikaw na ang puntirya." Aniya.

Ngumuso ako. Dumaan na sa isip ko 'yan pero pinanghahawakan ko pa rin 'yong sinabi niya. Naniniwala ako na mahal niya ako at kung totoong niloloko nanaman niya ako, I will make him fall in love with me again.

"I don't care. Ang importante ay kukunin ko siya pabalik sa akin. I believe him Dex, I believe him. If he wants me to chase him, then I'll chase him to push him choose me."

"Paano?" Tumagilid ang ulo niya sa akin.

"That... 'Yan ang hindi ko alam. Hindi mo ba nakikita? Nagbackless na ako sa event pero nalasing na lang ako ng hindi niya nahalikan. Nagpakita na ako ng tiyan pero wala pa ring effect sa kaniya! Gusto ko sana 'yong hindi na siya makakalingon sa iba? You know, the typical ideal boyfriend na possessive sa girls nila? Pero nakakainis, ni wala siyang paki kung pagtinginan ako ng mga boylets doon sa mall!" Reklamo ko.

"Baka kasi kailangan mong magpakita ng kunting skin..." Aniya.

"Kunting skin? Hindi pa ba ito kunti?"

Tumawa siya. "Girl, playboy ang dalmatian mo. Sanay na siya sa likod at pakitang tiyan na 'yan. Ano ba sa tingin mo ang magpapalaki ng mga mata niyan? Look at your boobs! Anong ginagawa niyan diyan?"

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon