Chapter 10
I don't know what the hell happened to me. Mas'yado ata akong nadala sa mga salita niya kaya pumayag ako. Kaya sa buong dalawang linggo, palagi niya akong binibilhan ng lunch. Minsan magjojoke siya at hindi ko alam kung bakit kahit hindi nakakatawa ay natatawa ako.
This is not good. Not in every single way.
Hindi naman sa lahat ng panahon ay dumidikit siya sa akin. Minsan ay sumasama din siya sa mga bago niyang kaibigan dito school. Pero walang isang araw na hindi siya magpapakita sa akin at dadaldalin ako.
Nasasanay na ako sa totoo lang. Mahirap man aminin pero ganoon na nga ang nangyayari. At ayaw ko ng pakiramdam na ganoon.
Dumating ang araw ng paglilipat ko. Sabado ng umaga ay binisita ko ang condo unit ko sa center highway. Hindi naman ako nabigo dahil isa ito sa mga first class dito sa condominium na napili ni daddy.
Mapait akong napangiti. You really can pay this expensive unit just to shut my mouth huh? You hate me that much daddy. And I also hate you for that.
"Home sweet home." Mapakla kong sabi bago nagsimulang tanggalin ang mga plastic na cover sa mga furnitures at ayusin 'yon.
Natapos ako ng saktong alas syiete ng gabi, Linggo. Dahil sa pagod ay pabagsak akong napaupo sa mahabang sofa at napapikit. Naalimpungatan lang nang biglang tumunog ang telepono ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, si Steve 'yon.
"Calla. Puwede ka ba ngayon? Pinapatawag ka ni boss."
Napatayo ako sa kaniyang sinabi. "Oo wala. Sige papunta na ako."
Agad akong naligo at nagbihis ng damit. Simpleng pants at T-shirt lang. Sinuot ko ang kabibili kong heels bago agad na nagtungo sa Blacklights.
Pagkarating ko ay agad kong nakita si Kate sa entrance. 'Yong karilyebo ko. Mukhang hinihintay ako. Nagtratrabaho rin kasi siya bilang waitress sa Sabado at Linggo.
"Calla!" Tawag niya nang makita ako. Lumapit siya kaagad sa akin.
"Bakit daw ako pinapatawag ni boss?"
"Eh kasi kulang tayo ng waitress ngayon. Tatlo kasi sa amin ay umalis na kaya need ng immediate manpower. Ikaw agad naisip ko."
"What?" Hindi makapaniwala kong sabi.
"Sige na Calla. Need talaga ngayon kasi may event. Kahit pagkatapos nito ay pakiusapan mo na lang si ma'am na hindi mo ipagpapatuloy 'to. Pero sa ngayon, kailangan na kailangan talaga."
Bumuntong hininga muna ako habang tinitingnan siya. Tinitimbang ang mga sinasabi niya. Maya maya ay narinig ko ang pagtawag sa akin ni Miss Analyn. Ang boss namin.
"Ma'am!" Kate greeted alarmingly.
"Good evening ma'am." Bati ko rito.
"Calla. Magiging waitress ka ngayong gabi kaya magbihis ka na sa locker room. Pakibilisan kasi padami na ng padami ang mga customer natin. Pronto!"
Hinila na ako ni Kate papunta ng locker room. Sa totoo lang ay pangalawang beses ko itong pagpasok sa loob ng mismong bar at pakiramdam ko, mali ang naging desisyon ko.
"These are your uniforms?!" Gulat kong bulalas nang makita ang ipapasuot niya sa akin.
Hindi ganito ang huli kong kita sa mga waitress! Mas'yadong revealing sa bandang cleavage at mas'yadong maikli sa bandang hita. I don't think I can wear this!
"Oo. Nagpalit sila last week. Biglaan kasi nga may bagong bukas na bar sa kabilang St. Mga sexy lahat ng waitress doon kaya kailangan nating maging sexy din. Sige na, isuot mo na. Bagay mo naman!"
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
Genç KurguA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...