Chapter 28

282 14 0
                                    

Chapter 28

"You know what? Kaysa isipin mo 'yong mga nawawala, halika. Punta ka sa bahay at i-meet mo si mommy. Doon ka na rin matulog." Sabi ni Kate matapos ang shift namin.

"Huh? Bakit naman biglaan?" Nagtataka kong sabi habang sinusuot ang bag ko.

Ngumuso siya sa harapan ko at marahang hinawakan ang mga kamay ko.

"Calla, sa'yo ko lang 'to sasabihin ha?" Huminga siya ng malalim. Agad naman akong kinabahan sa seryoso niyang mukha.

"Ano 'yon?" Kunot noo kong tanong.

Tinitigan niya ako ng matagal. Pilit siyang ngumiti sa akin pero nararamdaman ko na may sasabihin niyang importanteng importante sa akin. Mas lalo akong kinabahan nang humigpit ang hawak niya sa akin.

"I have a brain cancer." Pikit mata niyang sabi.

What? Para akong nabingi sa sinabi niya. Tumango siya sa akin at maya maya ay umiyak na sa harapan ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at kahit hindi makapaniwala sa inamin niya ay niyakap ko rin siya.

Kate has a brain cancer? I don't understand. Ang daming tanong na nag-uunahan sa utak ko pero hindi ko sila masabi ng sabay sabay.

"K-kailan pa?" Nauutal kong tanong.

"N-nalaman namin ni mommy noong araw na nakitulog ako sa unit mo. K-kaya pinilit ko si mommy na payagan akong makitulog sa'yo no'n."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Hindi ko na napigilang maluha.

"Kasi, hindi ko kayang sabihin sa inyo ni Dexter. Ayaw ko na masama pa ako sa mga alalahanin niyo kaya ngayon ko naisip na sabihin k-kasi pupunta na kami ni mommy sa US bukas."

Sumisikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siyang nakangiti pa sa akin habang lumuluha sa harapan ko. Niyakap ko siya ulit at hindi na napigilang bumuhos ang mga luha.

"Bakit ka pa nagtratrabaho? Dapat nagpapahinga ka na simula noong nalaman mo."

Humiwalay siya sa akin at ngumiti ulit. Ngayon ay naiinis na ako sa ngiting 'yan. Bakit kung makangiti siya ay parang hindi seryoso ang problema niya?

Puwede siyang mawala sa amin!

"Gusto kong i-enjoy ang mga free days ko dito sa Pilipinas kasama kayo ni Dexter. B-bakit ka umiiyak? Hindi ka naman iyakin ah? Kaya nga ikaw ang una kong sinabihan." Umiiyak niyang sabi.

"What the hell Kate? You're my friend! Of course iiyak ako. Sinong tangang hindi iiyak kung malaman na ang kaibigan mo may cancer? We should get you home."

Yumakap siya sa braso ko habang ako naman ay pilit na pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko. Damn, hindi pa rin talaga mawala sa utak ko 'yong gulat at takot na nararamdaman ko ngayon.

"Para namang mamamatay na ako. Hindi pa ako mamamatay. Stage 1 pa lang naman eh kaya maaagapan pa." Positibo niyang sabi. Mas nainis ako.

Yes, Stage 1 pa pero kahit na. Anytime ay puwede siyang mawala sa amin kaya masakit pa rin sa puso ko 'yon.

"Don't be ridiculous. You can't comfort me with that kind of positivity."

"Siguro ay mas maganda kung tawagan ko na rin si Dexter ano? Alam naman na niya ang bahay kaya didiretso na 'yon." Sabi ni Kate bago kinuha ang phone niya.

"Alam na ba niya?" Tanong ko. Umiling ito.

"Hindi pa. Sasabihin ko pa lang."

Tulad nga ng inasahan namin, gulat na gulat si Dexter nang sabihin ni Kate na may brain cancer siya at bukas ay aalis na rin siya papuntang US. Wala pa ang mommy niya dahil pauwi pa lang ito sa trabaho kaya para kaming tanga rito na nag-iiyakan habang yakap yakap si Kate.

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon