Chapter 14
Ilang minuto ang lumipas bago inumpasahan ang event officially. Busy pa rin si Cuello sa mga bago niyang kaibigan kaya hindi niya ako nakikita. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba 'yon o hindi.
Paano ba naman kasi. Isang table na ang nasa pagitan namin pero dinig na dinig ko pa rin ang mga tawanan nila. Nakakarindi! Lalong lalo na at nangunguna ang lokong 'yon sa daldalan.
Parang sarap itaob 'yong lamesa nila at pangpuputulan ng dila para hindi dumaldal. Mabuti sana kung educational ang pinag-uusapan nila. Puro kalandian.
"Are you okay? Kanina ka pa nakasimangot. Ayaw mo ba sa party?"
Napalingon ako kay Lycus nang magtanong siya sa akin.
"No. I was just tired. Buong araw kasi kaming nasa mall ni Kate."
Tumango siya. "To be honest, I didn't know that you're... rich. Because you look so simple. I mean, not to hurt you but I didn't expect that you're from the upper class."
Nilingon ko siya. "Tinutukoy mo ba ang paglibre ko kay Kate?"
"Yeah. That gown was very expensive. And the heels and salon. So I am confuse. Why did you apply to be the caregiver of my stepmom's mom?"
Huminga ako ng malalim. Hindi niya kailangang malaman dahil ayaw kong patunayan sa mga magulang ko na katulad nila akong walang isang salita.
"I'm not from the upper class, Lycus. I'm just working for myself and my parents give me allowances. Iniipon ko lang ang mga 'yon kaya nakabili ako ng dress para kay Kate at para sa sarili ko."
"How brave of you. I'm sure your parents were so proud to have a daughter like you."
Mapait akong ngumiti. If only he knew my parents, hindi niya masasabi ng nakangiti 'yan.
"I guess so." So I lied. Bitter because I really wish they would.
"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Kate?"
"No. Bago bago lang."
"Wow. She's really to have you. I mean, sa bait mong 'yan. Nakakainggit na gabi gabi ka niya kasama."
Tumingin ako sa kaniya. "Actually no. Hindi kami palaging magkasama. And I'm not that 'good'. She's just a natural person that's why."
Lumingon ako kay Kate. Masayang masaya siya habang nagpipicture kasama ng boyfriend niya. Hindi ko alam pero napapangiti ako. Nakikita ko sa kaniya ang kapatid ko sa totoo lang.
"I still don't know you but I think, you're a good person Calla."
Hindi ako sumagot. Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa dancefloor. Kung malalaman niya lang na anak ako ng step mom niya sa labas ay siguradong pandidirihan niya rin ako. Gaya ng mga napapanood ko sa TV.
Pasimple akong sumulyap sa table nila Cuello matapos ng ilang minuto. Balak ko sanang tingnan kung nandoon pa ba siya o wala na dahil hindi ko na siya naririnig na nakikipagbiruan sa mga bago niyang kaibigan.
But I was so shock to see that he's staring at me. Very intensely that I could feel his very furious eyes watching me looking at him. Napakurap ako at mabilia na iniwasan ang tingin niya.
Dang it! Bakit siya nakatingin?! Akala ko umalis siya kasi hindi ko na siya naririnig! Is he... Is he staring at me this whole freakin time?
Nilingon ko ulit siya. Nakatingin pa rin ng masama sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan sa kaniya. Nang uminom siya ng cocktail drink ay hindi niya pinutol ang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Heartless Villain (Villains Series #3)
Novela JuvenilA heartless woman wasn't just found in a book of villains, but also in reality. Well guess what? I fell in love with the heartless one. -- Calla grew up with a very unfortunate state. She was the dark past of her father and a misery of her...