Chapter 21

320 14 0
                                    

Chapter 21

Nagising ako sa pag-uusap ng dalawang tao. Si Cuello ang isa roon kung hindi ako nagkakamali pero hindi pamilyar sa akin 'yong kinakausap niya ngayon.

Minulat ko ang mga mata ko. Pumikit pikit para ma-i-adjust ko ang aking paningin. Saktong nakita ko si Cuello na papalapit sa akin. Napahawak ako sa aking ulo nang bigla akong mahilo ulit.

"Calla, how are you feeling? Huwag ka munang umupo!"

Hindi ako nakasagot dahil sa hilo na nararamdaman ko. Sunod ko na lang na naramdaman ay ang stethoscope ng kasama ni Cuello sa upper chest ko.

"She needs some rest Cuello, and make sure she'll eat her meal regularly. Miss Calla, how are you feeling? May masakit ba sa'yo?"

Tama ba naririnig ko? Nagpatawag ng doktor si Cuello?

"N-nahihilo lang."

"Anong gagawin ko doc?" Si Cuello, nag-aalala sa sitwasyon ko.

"Pakain mo siya. Nalipasan siya ng gutom kaya nahilo siya at nahimatay. You seriously need to watch your girlfriend Mr. Cameron. She's vulnerable."

"Don't worry doc. Ako ng bahala sa kaniya."

Hindi man lang niya tinanggi 'yong sinabi ng doctor sa kaniya. Really? Wala ba talaga siyang pakialam na mapagkamalan akong girlfriend niya? Ganito ba siya sa lahat ng babae niya?

"Miss Guzman, mauna na po ako sa inyo."

Nang mai-adjust ko na ang paningin ko ay saka ko sinulyapan 'yong doctor. Sa tantya ko ay nasa mid forties na. Nakasuot pa ito ng uniform kaya marahil ay galing pa ito ng duty.

Goodness! Bakit nang-aabala pa si Cuello ng ibang tao? Nakakahiya!

"S-salamat po." Sinubukan kong ngumiti.

'Di kalaunan ay narinig ko na ang pagsara ng pinto ng kuwarto ko. Tumayo naman agad si Cuello at nagpaalam na kukunin niya lang 'yong niluto niyang pagkain.

Hindi ko tuloy mapigilang mainis sa kaniya at sa sarili ko. Gulong gulo na ako lalo na't hindi naman ako nakakaramdam ng ganito dati. Napahawak ako sa dibdib. 'Yong pintig nanaman na hindi ko maintindihan.

Bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Cuello na may dalang bowl ng pagkain. May hawak hawak din siyang isang baso ng tubig. Nang makita niya akong bumangon ay agad siyang nagmadali na lumapit sa akin.

"Huwag ka na munang bumangon. Ako na magpapakain sa'yo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako pilay Cuello. Kaya ko."

Huminga siya ng malalim at pagod na tumango sa sinabi ko. Inalalayan niya akong tumayo at lumapit ako sa side table ng kama ko.

"Noodles lang nakita kong may sabaw doon kaya iyon na lang niluto ko." Aniya matapos ng ilang minuto.

"Salamat." Maiksi kong sagot.

"Anytime." Bumuntong hininga siya.

Katahimikan ang bumalot sa amin matapos siyang magsalita. Busy ako sa pagkain lalo na't tama nga 'yong doktor, gutom na gutom ako kaya hindi ko na magawang mailang sa seryosong pagtingin sa akin ni Cuello.

Maya maya ay bigla siyang nagsalita.

"I'm sorry for shouting at you earlier. I was just too frustrated to understand your reasons." Aniya.

Tumango ako. "Pasensya na rin at iniwan kita kanina. Tumawag si mommy. Nalaman niya na binibigyan din ako ni daddy ng allowance kaya..."

Napamura ako sa aking isipan nang bigla ko itong masabi sa kaniya. What happened with the less talk, less mistakes Calla? You just let your guards down again.

The Heartless Villain (Villains Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon