"Lia!"
Nakaagaw atensyon sa buong mansyon ang malakas na sigaw ni Gov. Miguel Vallejo.
"Lia, where are you?" parang dumadagundong ang marmol na sahig sa loob ng kabahayan.
"Whats the matter Miguel?" nagtatakang tanong ni Dra. Julianna Vallejo.
"Kahihiyan Julianna, pag nakalabas ito sa media at sa internet."usal niya sa asawa at ibinagsak sa sofa ang hawak nitong envelop.
Napansin naman iyon ng asawa at kinuha ang envelop.
"Ano ito?"
"Its a tape, watch it para malaman mo ang nilalaman." saad ng gobernor. Tinitigan lang ni Julianna ang asawa.
Hindi na naituloy ni Julianna ang pinanood dahil nasusuka siya sa napanood na malaswang video. Hindi niya tuloy alam kung anong masasabi niya sa video na iyon basta pakiramdam niya ay galit din siya. Kung sakali mang makarating ito sa iba ay siguradong malaking iskandalo ang haharapin ng kanilang pamilya.
"Lorena!" muling sigaw ni Miguel.
Dali-dali namang lumapit ang kasambahay.
"Tawagan mo si Lia at pauwiin mo siya rito." matigas na utos niya. Sumunod naman agad ang kasambahay.
Samantala, masayang nalalambingan ang magkasintahang Brian at Lia.
"Dapat kasi lagi tayong magkasama kaso laging nakabantay ang mga kaibigan mo." sambit ni Brian habang nakayakap sa likod ng kasintahan.
Humarap si Lia at marahamg hinaplos ang mukha ng nobyo.
"Wala ka namang kaagaw ah." paglalambing niya.
"Anong wala, lagi nga silang nakabantay sayo. Para naman gagawan kita ng masama." sagot ni Brian at pinasadaan pa ng tingin ang mga kaibigan ng dalaga na naguusap sa di malayo sa kinaroroonan nila.
"Brian, wag ka ng magalit sakanila. Mahal nila ako." maalumanay na tugon ni Lia.
"Mas mahal kita, pero kung nakikita ko ang mga yan hindi ko maiwasan ang mairita lalo na kay Cedrick."
"Nagseselos ka ba kay Cedrick?"
Hindi sumagot ang binata.
"Babe, Cedrick is my bestfriend for a long time. He like a brother to me and...."
"Do you think he have the same feeling for you?" agad na singit ni Brian.
Alam niyang noon pa man ay mainit na ang dugo ng kasintahan sa kaniyang matalik na kaibigan dahil close sila ni Cedrick at parati itong nasa tabi niya ay kinaiinisan naman ng labis ni Brian.
"Please, wag mo ng bigyan ng malice ang pagkakaibigan namin ni Ced. Alam ko kung bakit ka galit sa kaniya, dahil karibal niyo ni Lian si Cedrick pagdating sa mga drag racing at wag mo na sanang personalin pa ang bagay na yan. I want to enjoy this moment with you, babe."
"Okey, just forget it babe but I wanna tell you again as what I've promise to you. I will love you always no matter what you are and no matter what could be happen, I'm here to make you smile and give to you an everlasting love." nakangiting tugon ng binata at masuyong hinalikan sa labi si Lia. Pakiramdam ng dalaga ay wala na siyang maihihiling pa sa binata. Pakiramdam niya ay malapit na niyanf maabot ang pinapangarap niyang ligaya sa piling ng kaniyang pinakamamahal.
Tumunog ang mobile ng dalaga kaya naghiwalay ang kanilang labi. Landline number ng kanilang bahay ang nasa screen ng cellphone niya.
"Hello!"
"Hello maam Lia, pinapauwi ka na ng daddy mo." sagot ng nasa kabilang linya.
"Ha? Bakit daw Lorena?" tanong niya.
"Hindi ko alam, basta galit na galit siya."
Kinabahan si Lia sa narinig.
"Sige, uuwi na ako." sagot niya at winakasan na ang kanilang pag-uusap.
"Babe, pinapauwi na ako ni daddy eh." malungkot niyang turan sa binata.
"ha? Aga naman ata babe. O siya sige na, tawagan ko nalang si Lian na susunod ako sa kanila sa bahay nila Jigs."
"Sa bahay lang kayo nila Jigs ha, wag na kayong pumunta pa sa mga bar kung lasing na kayo." bilin ni Lia sa nobyo.
"Yeah I know, yung kuya mo lang naman ang makulit eh."
"Thats why as his bestfriend, advise him always." sambit ni Lia at siya na rin mismo ang humalik sa binata.
"Gotta go, babe!mwuaahh!" turan niya at nagpaalam na sila sa isat-isa.
Mag-isa na si Lia pauwi sa kanilang bahay. Humiwalay na ang mga kaibigan niya dahil alam niyang mapag-iinitan na naman ng kaniyang ama ang mga kaibigan. Noon pa man ay ayaw ng kaniyang ama sa mga kaibigan dahil sa maling impresyon nito sa kanila pero ipinaglalaban niya sila dahil minahal siya ng mga iyon bilang kapatid at kapamilya. Sa kanila rin siya natutong maging matapang. Ewan kung bakit ganon na lang ang pagtutol ng kaniyang ama sakanila lslo na si Cedrick na kaniyang matalik na kaibigan.
Si Cedrick ang pinakalider sakanilang magkakaibigan. Sa kanilang lugar ay nauuso ang grupo-grupong magkakaibigan. Ang grupo ni Cedrick at ang grupo nila Lian ay laging nagbabangayan. Sumali pa ang ibang pangkat naman na kinabibilangan ni Laurice.
Kinakabahan siya sa mga oras na iyon. Ano na naman kaya ang bagong pasabog sa kaniya at galit na naman ang ama. Lagi nalang ganito ang sitwasyon niya. Konting kamali man o kahit pa hindi niya ginawa ay siya nalang lagi ang nasisisi. Ganon pa man ay nananahimik lang siya alang-alang man lang sa kinagisnan niyang ina na si Julianna.
Kung sabagay ay sanay na siyang pinaparatangan. Kahit alam niyang kagagawan lang lahat ng kapatid sa ama na si Laurice ay nananahiimik lang siya hanggang sa unti-unti ng mawaglit ang galit ng ama. Ngunit kampante siya dahil para sa kaniya, maliit lang na suliranin iyon at kaya niyang harapin.
Noong mga bata sila ay palaging siya ang nilalambing ng kanilang lolo at lola sa mga Vallejo. Alam kasi nila ang pag-uugali ni Laurice na malayung-malayo sa kaniya mula ng magkamulat at ayaw ng mga Vallejo ang anak na suwail t mapag-imbot sa kapwa. Ganon din sa pamilyang pinanggalingan ng kaniyang madrasta. Tanggap nila si Lia bilang apo kahit hndi naman nila ito kadugo. Dahil mabait at may busilak na kalooban siya ay inalagaan at inappreciate siya ng husto na siyang kinaiinggitan ni Laurice. Kaya mula pagkabata ay kinamumuhian na siya nito. Walang araw na hindi sila nagbabangayan ngunit kay Laurice naman ang simpatya ng mga magulang at si Lian. Kaya kapag wala na ang kaniyang mga lolo at mga lola ay saka naman siya nagiging kawawa sa kanilang tahanan.
Nang magteenager sila ay nakilala niya ang kaniyang mga kaibigan na hanggang ngayon ay nakahanda pa rin siyang damayan.
Nakarating si Lia sa kanilang tahanan. Sobrang kinakabahan siya na hindi niya mawari kung bakit. Madilim na ang paligid at nakasindi lahat ng ilaw sa loob. Nakita niya ang nagkalat na mga bodyguard ng ama. Nginitian niya ang mga ito at tuluyan ng pumanhik sa loob ng bahay.
Nakita niya ang kaniyang ama na nakatayo sa sala at bakas dito na talagang hinihintay siya. Akma siyang magmano sa ama ngunit iniwas ni Miguel ang kamay nito.
"Whats wrong dad?" tanong niya sa ama.
"Whats wrong? The wrong is you Lia." sigaw ng kaniyang ama. Nabaling ang atensyon ng lahat sa nagagalit na gobernador.
"I dont know what are you talking about dad." ninenerbyos na si Lia.
"You're fool! You had a sex with your friend Cedrick. Nakakahiya ka?"
Napamulagat si Lia sa narinig buhat sa ama. Para siyang kandilang itinulos sa kinatatayuan. Is she really had sex with Cedrick?
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomanceMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...