CHAPTER 35

3K 75 0
                                    

"Paano kayo napakasok dito?" usal ni Laurice na kinakabahan.

Ngumisi si Greg saka nagsalita. "Ganiyan mo na ba itrato ang isa mong kaibigan Laurice? Nagkaayos lang kayo ni Lia, nakalimutan mo na ako na kaibigan mo."

"You've never been my friend. A demon beside me pwede pa."

"O com'on Laurice. Parang wala naman tayong pinagsamahan. Paano nalang ang mga transaction natin." turan ni Greg na parang nagmamalaki pa.

"Layuan niyo kami. Nasa hacienda kayo, hndi kayo makakalabas dito ng buhay kung gagawa kayo ng hindi maganda."

Embes na masindak ay natawa pa si Greg sa tinuran na iyon ni Laurice.

"Sa tingin mo makakapasok kami dito kung mapapahaak lang kami. Halika kayo, sumama kayo sa amin." usal ni Greg saka atubili ang mga kasamahan nito na humawak sa kanilang braso.

"Anong binabalak niyo? Kung ako sayo Greg wag ko ng ituloy dahil sa bandang huli ikaw lang din ang mapapahamak." matapang na wika ni Lia.

"Pwes, isasama ko kayong dalawa sa kapahamakan at isusunod ko naman ang hambog niyong kapatid kasama ang mga barkada niya." tugon nito saka pwinersa ang magkapatid palayo sa lugar na iyon.

Hindi malaman kung paano natunton nila Greg ang lugar na iyon. Mayroon palang lihim na daan papunta sa likod ng hacienda at dahil hindi ito nabakudan ay malaya ang kahit na sino na pumasok sa nasasakupan.

"Nasaan na kaya ang mga bata, Loleng?" turan ni Mang Emong habang palinga-linga sa paligid. Ilang oras na kasi ang nakalilipas mula ng magpaalam ang dalawa na maglakad-lakad lang ngunit hapon na ay wala pa sila.

"Baka naman umuwi na." tugon naman ng asawa niya.

"Paano uuwi ang mga iyon,narito pa ang sasakyan nila. Kinakabahan na ako Loleng. Aba'y ang hirap palang alagaan ang dalawang iyon. Malilikot ang mga paa, kung saan-saan nagpupupunta."

"Ang mabuti pa tawagan mo si Gov at ng malaman natin kung nakauwi na ba sila."

Samantala, nagpapanic naman ang mga tao sa mansyon lalo na nang dumating ang mag-asawa dahil hapon na ngunit wala pa ring nakakaalam kung nasaan na ang magkapatid.

"Dad! Hindi parin makontak ang dalawa." salubong ni Lian sa mga magulang.

"Naku Miguel, baka napano na ang mga anak mo." sambit naman ni Julianna na labis ang pag-aalala.

"Relax, wala kaya sa mga kaibigan nila? Baka nag-out of town naman sila."

"Dad, halos lahat na ng barkada ay narito sa bahay. Wala naman silang ibang pakisamahan saka kung sila lang ang lumabas, bakit hindi man lang sila nagpaalam."

"Tama si Lian, baka kung ano ng nangyari sa kanila." usal ni Julianna na hindi na mapakali sa kinatatayuan.

"Mam Julianna, wala na po ang mga stock na pagkain sa ref, ganon na din ang mga prutas at pastries sa kusina. Baka naman po nagpiknik ang dalawa." singit ng isa sa mga kasambahay dahil nag-aalala na rin ang mga ito. Kung bakit kasi wala man lang nakapansin sa mga ito ng pag-alis ng dalawa. Maging ang gwardya ay naarinig ng konting sermon kay Miguel dahil hindi man lang nito nakita ang pag-alis ng magkaptid at napabayaan nito ang pagbabantay niya dahil sa panunuyo nito sa isa sa mga kasambahay.

Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni Miguel.

"Hello Mang Emong? Napatawag ho kayo?"

"Magandang hapon ho Gobernor. Itanong ko lang ho sana kung nakauwi na ba ang inyong mga anak. Hindi ko na kasi sila mahagilap eh." ani Mang Emong sa kabilang linya.

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon