CHAPTER 10

2.9K 68 0
                                    

Napahawak si Lia sa braso ni Cedrick. Hindi naman nakaligtas iyon sa paningin ni Brian. Kung dati ay gusto niya na nakikita siya ni Lia na kasama si Jessica, ngayon naman ay parang ayaw na niyang tumuloy dahil sa nakikitang magkasama si Lia at Cedrick.

"Babe, what's wrong? Comm'on, let's go to that side." pagyaya ni Jessica kay Brian at pinili pa nito ang maupo malapit sa kinauupuan ni Lia at Cedrick.

Dumating ang order nila Lia at Cedrick. Natatawa naman ang binata sa itsura niya habang

kumakain. Lumakas na kasi itong kumain. Napansin naman ni Lia na pinagmamasdan siya nito.

"Bakit ka nakangiti?" usisa niya sa kaibigan.

"Wala, nag-eenjoy lang akong pinapanood ka habng kumakain." sagot nito.

Tinignan niya ang kaniyang pinggan. Nakalahati na niya pero si Cedrick nakatatlong kutsara palang.

"Kumain ka na nga, nahiya na tuloy ako." natatawa namang sagot niya.

Hindi naman mapakali si Brian sa kinauupuan. Para siyang nabibingi sa tawanan at hagikhikan nila Cedrick at Lia. Hindi tuloy niya makain-kain ang inoder nila ni Jessica. Paminsan-minsan ay sinusubuan siya ng babae at hinahayaan lang niya pero tila hindi na apektado si Lia.

Natapos kumain ang magkaibigan. Nang palabas na sila ay inakbayan pa ni Cedrick si Lia kaya naman parang kinurot ang puso niya.

"Shit!" mahinang bulalas niya saka tumayo.

"Babe, are you done?" maarteng tanong ni Jessica.

"Hintayin nalang kita sa kotse." sagot ng binata at dere-deretsong lumabas. Napasimangot si

Jessica sa inaktong iyon ng binata.

Isang gabi ay magkasama sina Cedrick at Marcus. Nagpunta sila sa bar kung saan niya nakilala si Viola.

"Sino bang hahanapin natin dito tol?" tanong ni Marcus kay Cedrick.

"Si Viola!"

"Ha? Bakit pa?"

"Siya palang muna ang naiisip kong makakapaglinis sa pagkatao ni Lia sa ngayon. Ayoko munang ilapit sa eksperto ang pag-iimbestiga sa video tape na naedit dahil hindi ko alam kung kanino ko ipagkatiwala. Ayokong madagdagan ang problema ni Lia. She's getting better now at ayoko ng makita siya na naghihirap." paliwanag niya kay marcus.

Nagtanong sila sa manager ng bar ngunit wala silang nakuhang impormasyon dahil matagal na daw na hindi pumapasok ang babae at hindi rin nagpaalam. Laglag ang balikat ng dalawa na umalis sa bar.

"Hindi bale, may oras din ang babae na iyon." turan niya at nagpatuloy na sila ni Marcus pauwi.

Galit na galit si Miguel isang araw. Nabalitaan kasi niya ang illegal na pagtrotroso sa kagubatan. Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan sa gobyerno upang imbestigahan ito. Simula nang siya ay manungkulan bilang gobernador ay naging matiwasay ang kanilang lalawigan. Maganda ang pagpapatakbo niya kaya naman walang marinig na reklamo ang mga taong bayan sa kaniyang panunungkulan. At ngayon lang na naman nagkaroon ng illegal na pagtrotroso sa kaniyang nasasakupan kaya puspusan ang kaniyang pagpapaimbestiga.

Umuwi si Cedrick sa kanilang tahanan upang kamustahin ang kaniyang mga magulang. Kahit itinakwil siya ng mga ito ay hindi pa rin maitatago na magulang niya sila at mahal niya ang mga ito.

Hindi parin maikakaila na utang niya ang kaniyang buhay sa mga magulang kahit siya ay inampon lang.

Nadatnan niya ang kaniyang ama na nakahiga sa kama at pinapakain ng kaniyang ina.

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon