CHAPTER 3

2.9K 83 0
                                    

Lumakad si Laurice papunta sa inang si Julianna at inirapan ng tingin si Lia na patuloy pa ring lumuluha.

"Ano pang hinihintay mo? Lumayas ka na sa pamamahay namin?" irap na wika ni Laurice.

"Mom, don't do this to me please." tanging naisatinig ni Lia at hindi pinansin ang kapatid.

"Hindi ka ba nakakaintindi, pinapalayas ka na ni daddy dito and at wag na wag mong tatawagin ang mommy ko ng mommy dahil wala kang ina dito. Nandun ang nanay mo sa sementeryo." hasik ni Laurice habang nakatingin pa rin ito ng masama kay Lia.

"Kailan man ay wala akong ginawang masama sayo Laurice kaya wag mo naman akong tratuhin na parang walang silbi." madiin niyang sagot.

"Dahil talaga namang wala kang silbi kaya wag mo na kaming idamay sa mga pinaggagawa mo."

"Wala akong ginagawang masama, malinis ako,wala akong ginagawang masama." histerikal niyang hiyaw.

"Then go to hell?" sigaw ni Laurice.

"Sige na Lia, umalis ka na! Lubayan mo muna kami. Umalis ka na." narinig niyang usal ng ina. Hindi parin siya makaalis-alis sa kaniyang kinatatayuan.

"Umalis ka na!" sigaw ni Julianna. Pumatak ang pinakamainit na likido mula sa mga mata ni Lia.

Kahit anong gawin niya ay wala ng makikinig pa sa kaniyang pagsusumamo at sarado na ang kanilang tenga sa mga paliwanag niya.

Nadatnan niya ang kaniyang ama na umiinom sa sala.

"Dad!" turan niya ngunit pinasadaan lang siya nito ng tingin.

Umiyak lang siya sa harapan ng ama.

"Kahit pa anong gawin mong pag-iyak sa harapan ko, hindi na magbabago ang desisyon ko at yan ang kaparusahan mo na maipapataw ko sa iyo."

Humagulgol nalang siya habang tinitignan ang amang nagpapalayas sa kaniya.

"Get out of this house." turan ni Miguel.

Bigla ay nagkaroon siya ng lakas na ibuhos ang damdamin.

"Bakit daddy? Bakit mo ako parurusahan ng ganito. Hindi mo pa man naririnig ang paliwanag ko ay sinasakdal mo na ako. Hinuhusgahan mo na ako sa nakikita mo pero yung damdamin ko bilang anak mo ay unti-unti mong pinapatay. Trinatrato mo ako na naiiba. Bakit daddy? Dahil ba sa ako'y bastarda at anak mo lang ako sa labas?Bakit mo pa inanakan ang nanay ko kung itatapon mo lang din ako na parang basura?" buong lakas niyang sumbat sa ama.

Hindi nakapagpigil sa sarili si Miguel, mabilis niyang pinakawalan ng malakas na sampal ang anak dahil sa narinig na panunumbat nito.

Napahakbang ng bahagya ang matandang si Lourdes dahil sa nakita at napaluha siya sa kawawang alaga. Halos hindi naman makakilos si Miguel pagkatapos na saktan ang anak.

Tumapang ang mukha ni Lia habang pinapahid ang kaniyang nag-uunahang luha.

"Aalis ako daddy kung iyan ang alam mong nakabubuti sa ating lahat pero ito ang tandaan mo, pagkatapos nito ay wala ka ng maririnig sa akin na anumang pakiusap at pagsusumamo. Dadalhin ko ang mga pasakit na ito hanggang sa ako'y mamatay." matigas niyang tinig sa ama at isa-isa niyang dinala ang kaniyang mga bagahe palabas ng mansyon ng mga Vallejo.

Nakatingin lang si Miguel sa likuran ng anak na papalabas ng gate. Sa kabila ng kaniyang puso ay gusto rin niya itong pigilan pero mas malakas ang kaniyang pride at ipinakitang hindi siya nasasaktan sa bawat tulo ng luha ng anak.

Dalawang big size traveling bag ang dala ni Lia habang naglalakad sa kalsada. Hindi na niya gamit ang sasakyan niya dahil bilin daw iyon ng kaniyang ama. Paimpit ang kaniyang pagluha. Hindi niya alam kung saan siya pupunta at nahihiya siyang tawagan ang mga kaibigan dahil gabi na at maaaring nagpapahinga na ang mga ito. Madilim na ang paligid kaya walang gaanong sasakyan na dumadaan. Kanina pa niya tinatawagan ang kasintahang si Brian pero hindi ito sumasagot. Naisip niyang puntahan ito sa bahay nila Jigs at naroon din si Lian baka sakaling pakikinggan din siya ng kapatid. Nang may naligaw na taxi ay sumakay siya.

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon