CHAPTER 33

3.1K 78 1
                                    

Lumipas ang ilang araw ay tuluyan ng gumaling si Lia. Bumalik na muli ang kasiglaan niya na parang walang nangyari at ang maganda pa ay naging magkasundo na sila ni Laurice sa lahat ng bagay. Lagi silang magkasama at walang araw na naghihiwalay sila ng pupuntahan. Gusto ni Lia ay makasama si Laurice ng sila ng na dalawa. Gusto niyang namnamin ang ligaya ng pagsasama nilang magkapatid kaya si Brian ay isinantabi na muna niya na labis namang ikinabahala nito at lalong nainis kay Laurice dahil karibal na naman miya ito sa atensyon ni Lia. Pero para namanaibsan ang hinanakit ni Brian kay Laurice ay pinangakuh siya nito na tutulungan niyang suyuin muli si Lia. Labis naman ang kasiyahan ng mag-asawang Miguel at Julianna dahil sa nakikitang lambingan ng dalawang anak na babae. Minsan ay natutulog si Laurice sa silid ni Lia at magkayakap silang natutulog at masayang pinagmamasdan naman ni Julianna ang dalawa. Walang araw na hindi masaya ang buong mansyon ng mga Vallejo dahil sa wakas ay buong pamilya na sila. Si Laurice naman ay unti-unti na niyang natatanggal ang pagkaasam sa ipinagbabawal na gamot simula ng magkasundo na sila ni Lia. Nawiwili siyang kasama ang kapatid ganon na rin ang mga kaibigan nito na tinanggap din siya sa kabila ng pagtataray niya noon. Naging kaibigan na rin niya ang mga ito at iniwasan na ang mga barkada niyang nag-impluwensya sa kaniya ng masama. At kahit pinapakita ni Cedrick na galit parin ito sakaniya ay hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay kakausapin rinn siya nito at kakaibiganin kahit sa kabila non ay lihim niya itong minamahal.

Samantang si Brian naman ay hindi nawawalan ng pag-asa na lambot din ang puso ni Lia sa kaniya. Nabawasan na rin ang pagkagimikero niya at nagfofocus sa negosyo ng kanilang pamilya. At si Lian, gaya parin ng dati pero mas lalo siyang nagkainteres na tumulong sa mga kababayan gaya ng kaniyang ama at hindi tumitigil na sugpuin ang mga ipigbabawal na droga sa kanilang lugar.

Minsan ay nasa kusina ang magkapatid na Lia at Laurice. Nagpapaturo kasi ang huli kung paano gumawa ng cake. Isa-isa namang nilalahad ni Lia ang procedure with demo pa. Sakto namang kaarawan ni Lian kaya nagbake sila ng ibat-ibang flavor.

"Mga anak?" narinig nilang tawag ni Julianna. Patakbo silang lumapit sa ina at ginawaran ng tag-iisa nilang halik sa pisngi.

"What is this for?" tanong ni Julianna sa mga anak.

"Mom, you almost forgot. Today is Lians birthday." usal ni Laurice. Napasapo naman si Julianna sa noo.

"Fool I am! Oo nga pala,birthday ng panganay ko." sambit niya.

"I already call our friends. Magparty po kami mamayang gabi. Surprise namin kay Lian mom." turan naman ni Lia saka hinarap ang oven at inilabas ang bagong bake na cake.

"Bahala kayo! Basta behave kayong dalawa. Wala ng mag-aaway ha." pangaral naman ni Julianna sa mga anak na arang bata.

"Don't worry mom, we love each other so much kaya wala ng makakapagpaaway sa amin ni Lia." turan naman ni Laurice at hinapit pa ng yakap ang kapatid.

"See mom, ang sweet ng sister ko. Kaya love na love ko 'to eh." usal naman ni Lia na tinugon ang yakap ng kapatid.

"Parang mcdo lang mom. Love ko 'to." pagbibiro ni Laurice. Ang saya-saya ni Julianna na pinamamasdan ang mga anak. Sana ay wala ng wakas ang lahat.

Kinagabihan ay ipinagdiwang nila ang kaarawan ni Lian. Mga kaibigan lang nila ang bisita dahil sina Lia at Laurice naman ang nagplano ng lahat. Si Brian ay laging nakadikit kay Lia na parang ayaw ng mawala sa paningin niya na ikinairita naman ng dalaga pero sa kabilang banda ng puso nito ay masaya sa ipinapakita ng binata na pagpapahalaga. Si Laurice naman ay panay ang titig kay Cedrick na minsan ay nahuhuli siya nito.

"Ang lagkit ng tingin ng babaeng ito sa akin ah." wika ni Cedrick sa sarili ngunit hindi naman niya ito binibigyan ng ibang kahulugan.

"Laurice, tulungan na kita." boses ni Faith pagpasok sa kusina. Nakahawak naman si Laurice ng isang tray ng canton at bubuhatin pa sana ang bowl ng soup pero nag-aalangan siyang hindi niya kaya.

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon