CHAPTER 8

2.8K 75 2
                                    

Magkasama sila Lia, Faith at Cedrick na nakasakay sa sports car ng huli. Katabi ni Cedrick sa harap si Faith at si Lia naman sa likod. Panaka-naka ng tingin si Cedrick sa salamin na kung saan ay nakikita niya si Lia.

"Hindi ka na umiiyak?" tanong niya na nakatuon lang ang paningin sa daan.

"Hindi na!" maikli nitong sagot. Nagkatinginan naman si Cedrick at Faith at napangiti sa isat-isa.

"Are you tired enough?" muling tanong ni Cedrick.

"Yeah!"

"So its better for you to think about yourself Lia. Pumapayat ka na, you need to be strong again like the old Lia I ever know. Remember mag-isa ka nalang like Faith and I." turan ng binata at nilingon si Faith. At hindi niya maintindihan ang sarili at bigla nalang niyang hinawakan ang kamay ni Faith na nakadantay sa mga hita nito. Napalingon naman si Faith sa binata na nakatuon na ang mga mata sa kalsada habang nagmamaneho peronakahawak pa rin ito sa kamay niya. Hindi ein niya maintindihan ang sarili na para bang gustung-gusto niya ang kinilos na iyon ng binata. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay ni Faith.

"Dont forget to lock your doors and windows." pagpapaalala ni Cedrick sa dalawang babae. Nagkatitigan ang binata at si Faith. Matagal ang titigan nilang dalawa na para bang may gusto silang ipahiwatig sa isat-isa.

"Okey lang kayo?"

Natauhan ang dalawa sa boses ni Lia.

"Ahmm, aalis na ako." tanging usal ni Cedrick at tuluyan ng lumabas.

"Anong ginawa mo dun?" nahihiwagaang tanong ni Lia kay Faith.

"Ha? Wa...wala!" kibit balikat namang naman nitong sagot.

Nawala naman sa isip ni Lia ang kalungkutan sa napapansing kakaiba kina Cedeick at Faith.

----------------

"Saan na naman kayo galing na dalawa?" galit na turan ni Gov. Miguel Vallejo sa mga anak na bagong dating. Wala ni isa sa kanila ang sumagot. Nakatingin lang naman si Julianna sa kanila.

"Tinatanong ko kayong dalawa?"

Wala pa ring sumasagot sa kanila. Dati ay katabi lang ni Lian si Laurice sa kanilang kinatatayuan pero nang marinig ang boses ng kanilang ama ay unti-unti siyang nagtatago sa likod nito.

"May----pinuntahan lang po kami nila Brian dad." sagot ni Lian.

"Ganyan nalang ba kayo palagi? Puro kayo barkada, embes na ang mga negosyo natin ang atupagin niyo, hindi, dahil yang nagwawaldas ang ginagawa niyo." manenermon ni Miguel. Hindi naman umiimik ang mga anak niya.

"Ikaw Lian, sinasali mo pa yang kapatid mo sa paglalakwatsa mo. Araw-araw, gabi-gabi kayo sa mga barkada niyo. May napapala ba kayo? Sa tuwing dumarating kami ng mommy niyo dito sa bahay wala pa kayo, pagkagising namin sa umaga tulog pa kayo. Ano bang klaseng mga anak kayo?" muling turan mi Miguel.

"Dad, I'm not! Siya lang ang gustong sumama sa akin. I not forcing her to come with me." pagtatanggol ni Lian sa sarili. Nakayuko lang nanan si Laurice sa likuran niya. Mas lalong nairita si Lian sa itsura niya.

"Umalis ka nga diyan sa likuran ko. Ako tuloy itong nasesermonan dahil sayo." tugon niya sa kapatid. Kahit kailan talaga makasarili ang kapatid niya at napakadefensive pa.

"Laurice" si Julianna naman ang nagsalita.

"Yes mom!"

"Kailan ka pa natuto manigarilyo?" mahinahong tanong ni Julianna.

"Ho? I dont know what you're talking about Mom."

"I saw this pack of cigarette in your room tapos sasabihin mo you dont know?"

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon