CHAPTER 22

3.1K 73 0
                                    

"Insan kumusta?" Masayang bati ni Brian sa pinsang si Arone pagdating niya sa resthouse nito.

"Heto insan, mas mabuti na kaysa sa dati." Sagot naman ni Arone at nagkamayan silang dalawa.

"Kita ko nga sayo eh, mukang nakakalimot ka na. Gumanda na ang katawan mo ngayon insan ah."

Ngumiti lang si Arone.

"Bakit nga pala ngayon ka lang napadalaw dito? Ang tagal ko ng dumating ha." Sa halip ay naitanong ni Arone.

"Medyo napapadalas na kasi ako sa pag-asikaso ng mga negosyo ni daddy eh." Sagot ni Brian at naupo. Nasa minibar sila ng bahay ng mga sandaling iyon. Naglabas si Arone ng scott.

"Kaya ba nagkakabigote ka na dahil marami ka ng iniisip?" Natatawang tugon ni Arone sabay abot ng isang basong alak sa pinsan. Napangiti lang naman si Brian sabay himas sa kaniyang bigoteng unti-unti na ngang humahaba.

"Saan mo na pala dinala ang syota mo? Inuwi mo na ba siya? Buti kung ayos lang kina tito at tita na mag-uwi ng babae? Sarkastikong tanong ni Arone. Nahulaan na agad ni Brian kung sino ang tinutukoy ng pinsan.

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko siya inuwi sa bahay at wala akong balak na iuwi siya doon. Maybe she's my girl on bed but not in my heart."

"Babaero ka talaga insan. Wag ka masyadong palikero. Look at me, nakahiligan ko rin makipagrelasyon sa maraming babae pero nung dumating na yung puntong umiibig na ako ng tapat sa isang babae ay saka pa siya nawala sa akin."

Napansin ni Brian ang paglungkot ng mukha ng pinsan. Wala siyang anumang masabi sa mga sandaling iyon. Parehas sila ng magpinsan na sugatan ang puso pero sa magkaibang sitwasyon.

"Sumuko ka na ba sa kaniya?" Makahulugang taning ni Brian.

"Inisip ko rin nun ang wag sumuko dahil alam kong mahal kong mahal niya ako pero ako ang nagkasala eh, alam kong nasaktan siya ng lubusan kaya naisipan kong lumayo na lang at pabayaan muna siya."

"So tanggap mo na bang hindi kayo ang para sa isat-isa?"

"Panahon na lang siguro makapagsasabi niyan pero kung makahanap na siya ng ibang kaliya ba, tatanggapi nng puso." Sagot nito may kalungkutang ngiti.

Hindi na rin umimik si Brian. Gusto rin niyang ilabas ang kaniyang nararamdaman pero may magagawa kaya para muling bumalik si Lia sa kaniya. Pagkakamove on din kaya siya kung sakali man? Makakaya din kaya niyang tanggapin kung sakali mang makadama di Lia ng pagmamahal sa iba?

"Alam ko insan may problema ka din. Baka gusto mong ishare." turan ni Arone sabay lagok sa isang basong alak. Napansin kasi nito ang malalim na pag-iisip ng pinsan.

"I just miss someone I hurt from the past insan. At katulad mo, hindi ko rin alam kung mapapatawad pa niya ako at muling bumalik sa akin." tipid ang ngiting ipinukol ni Brian kay Arone.

"In my dream." dugtong pa niya.

Parang nahihiwagaan naman si Arone sa kung sino ang tinutukoy ni Brian.

"Just relax yourself Brian. Kung ako nga nagawsng mamasyal sa Palawan eh kasabay na rin ng ibang mahahalagang activities. Ako naniniwala sa destiny, kaya here I am, always going in my life." napangiti naman si Brian. Ang totoo niyan ay maging siya ay naniniwala rin sa tadhana.

------------

"Letse!" sigaw ni Greg sabay hagis ng bote ng alak at nabasag ito.

"Greg, relax!" turan ng isang barkada niya.

"Tumigil ka, paano ako makakapagrelax kung nasa kulungan na ang papa."

"E di puntahan na natin at ng makapagpyansa?"

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon