Gulat si Laurice kay Lian. Biglang bumalik ang kaba sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay nawala agad ang kalasingan niya sa nakikitang mukha ng kapatid.
"Li---an"
"Marami kang ipaliliwanag sa akin Laurice, paano naatim ng konsensiya mo ang gawin ang ganon sa sarili mong kapatid, ha?" galit na turan ni Lian na mahigpit paring nahawak sa braso ni Laurice.
"Lian pwede bamg bitawan mo ako, nasasaktan na ako."
"Sagutin mo muna ang tanong ko?" sigaw ni Lian na nagpagulat kay Laurice.
Nangislap na ang mga mata ni Laurice dahil sa nagbabadyang paglabas ng likido sa kaniyang mga mata.
"Gusto mong malaman ang totoo? Sige, sasabihin ko sayo ang totoo. Oo,ako ang may kagagawan ng video tape. Dahil hindi na ako makatiis na kasama ang bastarda na iyon. Dahil lahat nalang ng kamag-anak natin ay siya ang pinupuri. Dahil siya nalang palagi ang matalino, ang maganda, ang mabait. Pakiramdam ko ako naang lagi ang may kulang, ang hindi perpekto. Siya nalang palagi ang nagunguna." umiiyak at malakas na tugon ni Laurice.
"Yang inggit at pagiging makasarili mo ang nagpapabalot sayo na siyang nagpatubo ng buntot at sungay mo Laurice. Wala kang puso."sambit ni Lian saay ng patulak na pagbitiw niya sa braso ng kapatid.
"Ako lang ba? Lahat naman tayo hindi ba? Si daddy, si mommy, ikaw at ako. Lahat tayo walang puso at walang konsensiya ng malayas si Lia sa pamamahay na ito. Lahat tayo itinuring siyang dumi ng pamilya kaya wag mo akong sabihan na ako lang ang walang puso dahil lahat tyo dito."
"Nagawa namin yun dahil sa kasamaan mo? Ikaw ang black sheep sa pamilya Laurice. Paano ka ba naging isang Vallejo."
Mas lalong sumama ang loob ni Laurice sa narinig sa kapatid.
"Vallejo ako. Original na Vallejo ako. Si Lia ay bastarda lang at hindi siya karapat-dapat sa pamilyang ito. Ang dapat sa kaniya ay maging tulad ng nanay niyang kabit."
Isang malakas na sampal ang ginawad ni Lian sa kapatid na siyang naabutan ng mag-asawang Miguel at Julianna.
"Lian!" saway ni Julianna.
"What the hell you're doing? Bakit ganiyan ang itsura mo Laurice?" tanong ni Miguel sa mga anak.
"Dad alam niyo ba kung anong kahayupan ang ginawa niyang magaling niyong anak?" usal ni Lian.
Nagtataka naman si Miguel sa pinagsasabi nito.
"What do you mean Lian?" kunut-noong tanong ni Miguel. Lalo nang kinabahan si Laurice. Parang gusto niyang awatin si Lian pero ano pang magagawa nun. Siguradong buking na siya.
"Dad, Mom, pineke ni Laurice ang video tape ni Cedrick at Lia. Hindi si Lia ang babae sa video kundi si Viola, ang babaeng binayaran ni Laurice." pagtatapat ni Lian.
"What?" ani Julianna.
"Mom"
"Anong----"
"Sorry dad but I have the evidence." turan ni Lian sabay abot ng dalawang tape sa ama. Nanlaki ang mga mata ni Laurice. "Shit!" bulalas niya sa kaniyang sarili.
Hindi nag-aksaya ng oras si Miguel at pinanood nga nilang mag-asawa ang fake at original na tape. Sinabi rin lahat ni Lian ang mga sinabi ni Cedrick sakaniya.
Masamang tumingin si Miguel kay Laurice na nakaupo lang sa sofa. Kanina ay binalak niysng umalis pero hindi niya ito pinayagan. Habang si Julianna naman ay naluluha na habang nakatuon ang mga mata sa telebisyon.
"Why Laurice?"
Mangiyak-ngiyak si Laurice na nakayuko.
"Tumingin ka sa akin ng deretso at sabihin mo kung bakit mo ito nagawa."
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomanceMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...