CHAPTER 5

3K 79 0
                                    

Kahit masama ang ipinapakita ng kapatid kay Lia ay pinilit pa rin niyang magpakumbaba. Bata pa sila noon ay lagi na siya nitong sinisiraan sa harap ng kanilang mga magulang dahilan kaya lagi siyang napapagalitan.

Naalala rin ni Lia noong ikinulong siya ng kaniyang ama sa malaking kabinet.

FLASHBACK

Walong taong gulang sila ni Laurice at sampung taon naman si Lian noon. Naglalaro sila at ng ibang bata sa kanilang garden. Dahil mas gusto siya ng mga kalaro nila kaysa kay Laurice ay inaway siya nito at pinaalis sa kinaroroonan nilang naglalaro. Upang hindi na umiyak si Laurice ay pumunta siya sa mapit sa kanilang gate. Nakita siya ng isang bata at tinawag siya. Dahil nasa likod bahay ang gwardiya ay malaya siyang nakalabas.

"Halika sa bahay, laro tayo." yaya ng bata sa kaniya.

"Baka pagalitan ako ni mommy." sagot naman niya.

"Saglit lang tayo,halika na." pagpupumilit ng bata saka siya hinila. Dahil makulit ito ay sumama naman siya.

"Ako nga pala si Sol. Ikaw ano pangalan mo?" tanong ng bata ng nasa bahay na sila.

"Ako si Lia?" pagpapakilala niya. Inilibot niya ang kaniyang mga mata. Napansin niya ang mga maliliit na drawing na nakapost sa pader ng kinaroroonan nila.

"Ano ang mga ito?" inosenteng tanong niya.

"Arts yan ng mama ko. Nagtatattoo sila katulad nito oh."sambit ng batang si Sol at ipinakita ang mga marka sa kaniyang likod.

Dahil inosente siya at paborito niya ang paru-paro na siyang tattoo sa likod ng bata ay nabighani siya. Madali rin niyang nakapagpalagayang loob si Sol.

"Gusto mo rin ba magkaroon ng ganito? Sandali ha, sasabihin ko sa mama ko" turan ng bata na ang tinutukoy ay ang drawing sa papel na munting paru-paro na kulay pula at tumakbo papunta sa ina.

Hindi niya namalayan na ginuguhitan na pala ang kaniyang likod ng matabang babae na ina ni Sol. Mahapdi ang bawat tusok pero dahil sa anestisya ay konting sakit lang ang naramdaman niya. Pagkatapos non ay umuwi na rin siya na kinakabahan. Ramdam niya ang nakamarka sa kaniyang likod sa ibaba ng kaniyang balikat. Simula noon ay hindi na niya nakita pa ang kaibigang si Sol.

Katatapos niyang maligo ay nagpalit ito ng damit pero nagulat siya dahil ang paborito niyang damit ay punit-punit na. Alam niyng kagagawan na naman iyon ng kapatid na si Laurice. Wala si yaya Lourdes niya kaya mag-isa siyang namimili ng idadamit niya s closet. Nakabukas ang pintuan ng kaniyang silid. Napadaan ang isang katulong at nakita nito ang pulang paru-paro na tattoo sa likod ni Lia. Nagsumbong naman ang katulong sa mag-asawa at nakita nga nila ito. Pinipilit siya ng ama na sabihin kung sino ang nagtattoo sa kaniya pero hindi siya nagsalita sa takot na sugurin ito ng kaniyang ama kaya ikinulong siya sa malaking kabinet at kinaumagahan na siya pinagbuksan. Nagsisi siya noon pero wala na siyang magawa dahil hindi na matanggal ang marka sa kaniyang likod.

Napangiti si Lia habang inaalala ang mga nakaraan niya. Napabuntung-hininga siya at narinig ang pagkatok ni Faith.

"Lia, halika kain na tayo." narinig niyang boses ng kaibigan.

"Lalabas na ako." sagot niya at lumabas na nga siya ng silid.

Nasa isang bar naman si Brian at lasing na. Masamang-masama ang loob niya kay Lia. Parang gusto niyang magwala ng oras na iyon. Hinampas niya ang mesa kaya napatingin ang ibang mga tao sa kinaroroonan niya. Ilang sandali pa ay may lumapit sa kaniyang babae.

"Hey Brian! What's wrong with you? Ha?" maarteng sambit nito saka niya minasahe ang balikat ng binata. Hindi lang naman umimik si Brian at pinipilit tanggin ang kamay ng babae sa balikat niya.

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon