CHAPTER 16

2.9K 78 0
                                    

"Sige, pupunta ako ngayon diyan. Asikasuhin niyo ang mga nasunog at siguruduhin niyong walang nasaktan sa mga bantay." wika ni Miguel sa kausap sa kabilang linya bago ini-off ang mobile niya.

"Miguel bakit?" nagtatakang tanong ni Julianna sa asawa.

"Yung pinag-imbakan ng mga nakumpiskang mga natroso nasunog." sagot niya saka huminga ng malalim.

"Ha? Paano nasunog?"

"Hindi ko alam Julianna pero pupunta ako ngayon doon." usal niya at tinawag ang mga tauhan.

"Miguel kinakabahan ako, pabayaan mo nalang kaya sila doon isa pa gabi na." pangangamba ni Julianna.

Hinawakan ni Miguel ang mga palad ng asawa saka dinampihan ng munting halik.

"Everything is gonnna be fine, hon. Kailangan kong pangunahan ang pag-iimbestiga sa nangyaring sunog. May kutob akong may mga tao sa likog ng pagsunog." pang-aalo niya sa asawa. Pero hindi pa rin maalis ang takot sa mukha ni Julianna.

"Take care hon!" tugon nalang ni Julianna at lumakad na ang asawa papuntang garahe. Naiwan si Julianna na may pangangamba.

Nakarating si Miguel sa pinangyarihan ng sunog. Halos limang comboy sila ng sasakyan kasama ang ilang sa mga kapulisan ng Pampanga na nasasakupan niya.

"Good evening Governor!" bati ng mga taong naroon.

"Anong balita?" agad niyang tanong sa hepe.

"Gov, bukod sa mga kahoy na nakaimbak, may mga nadiskubre pa kaming sunog na mga container. Napag-alaman din namin na ang sunog ay nagmula sa mga feums ng gasolina dahil ayon sa mga nakakita ay mataas ang apoy. May mga gaas din na nagkalat sa paligid kaya nasisiguro po namin na pasadya ang sunog." paliwanag ng hepe. Naikuyom ni Miguel ang magkabilang kamao.

"Hepe, I want you to hold this case and accomplish immediately." utos niya sa hepe.

"Dont worry Governor, makakaasa kayong mapapadali natin ito lalo pa at meron kaming suspect ngayon."

Lumingon si Miguel sa hepe.

"Sino chief?"

"Ang taong nasa likod ng illegal na troso, governor." agad na sagot ng hepe.

"Well, I will talk to my lawyer about that person. Kailangan na rin niyang panagutan ang kaniyang kasalukuyang kaso." turan ni Miguel na bakas sa kaniyang ang sobrang galit.

Samantala, nang gabing iyon ay nagkayayaan ang magkakaibigang sina Lian, Brian at mga iba pa sa isang disco house.

Pagpasok nila ay mga nagkakasiyahang babae at lalake ang naroon.

"Wow mga bro! Ang daming chiks dito." gigil na usal ni Jigs.

"Ang hilig mo talaga!" tugon naman ni Brian saka binatukan ito.

"Aba, nagsalita ang hindi babaero."ganti ni Jigs.

"Tara na nga, puro kayo kalokohan." yaya ni Lian at tumuloy sila sa bakanteng table. Sisimulan na sana bilang mag-order ng mahagip ng mga mata ni Phil ang babaeng sumasayaw ng mapang-akit sa gitna na pinalilibutang ng mga kalalakihan.

"Lian look! Di ba si Laurice yan?" usal ni Phil.

"Bro, si Laurice nga." wika naman ni Brian.

Biglang sumanib ang galit kay Lian sa nakikitang itsura ng kapatid. Parang msy sarili itong mundo. Ano nalang ang sasabihin ng mga taong nakakakita sa kaniya? Daig pa niya ang prostitute kung makagiling.

Tumayo siya sa kinauupuan at tinungo ang kinaroroonan ni Laurice at hinablot niya ang braso ng kapatid. Umatras naman agad ang mga lalaking kasayaw ni Laurice ng makita si Lian at isa-isa silang nagsibalik sa kanilang upuan.

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon