CHAPTER 13

2.8K 80 1
                                    

Masayang nagkwentuhan sina Dianna at Lia. Pakiramdam ng dalaga ay napakagaan sa kaniyang kalooban ang pagkakakilala niya sa kaniyang tiyahin. Matapos silng mag-usap ay nagpaalam na si Dianna at nangakong muli siyang dadalawin. Pagkaalis nito ay tinitigan niya ang larawan ni Karmina.

"Ang ganda-ganda pala ng mama ko." sambit niya sa sarili habang nakangiting pinagmamasdan ito. Hindi ma rin niya napigila ang muling pagpatak ng kaniyang mga luha.

"Lia!" tawag ni Faith at naupo sakaniyang tabi. Niyakap siya nito.

"Lia, dont cry!" maemosyonal nitong tugon.

"Masaya lang ako Faith. Sa wakas nakita ko na rin ang itsura ng tunay na mama ko kahit sa larawan man lang. Gumaan ang pakiramdam ko at nakilala ko si tita Dianna." wika niya habang pinapahid ang mga luha sa kaniyang pisngi.

"I feel your tita loves you. And remember, narito lang kaming mga kaibigan mo na handang dumamay sayo Lia. We love you so much." naluluha na ring turan ni Faith.

"Thank you,Faith. Sana katulad niyo si mommy Julianna. Sana mahalin na rin niya ako." sambit niya. Hindi pa rin naaalis sa kaniya ang mataga na niyang hiling na sana ay mahalin na rin siya ni Julianna.

Katatapos lang ni Julianna sa kaniyang inoperahan. Pumasok siya sa kaniyang opisina sa Vallejo General Hospital. Simula ng sabihin ni Miguel ang tungkol kay Dianna ay hindi na siya mapakali. Hindi dahil sa nagbabalik ang alaala ni Karmina kundi ang maaaring magiging sitwasyon nila kay Lia. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nababalisa habang iniisip na isang araw ay tuluyan na ngang mawala si Lia sa pamilya Vallejo.

Parang unti-unting nawawala sa isip ni Lia ang masamang pangyayari sa kaniyang buhay dahil sa pagdating ni Dianna. Hindi rin siya nawawalan ng pag-asa na lalabas din ang katotohanan sa mga maling paratang sa kaniya. Nasagi rin ng isip niya ang kaniyang nakagisnang ina. Kahit kailan naman ay hindi ito nawala sa puso niya. Mahal pa rin niya ito kahit pa hindi siya pinakitaan ng pagmamahal. Isa pa ay dala-dala niya ang epilyido ng ina-inahan kaya't may nag-uugnay parin s kanilang, dalawa.

Maaliwalas ang araw, kaya naman nagpasya siyang magpinta sa parkeng masarap pagtambayan sa kanilang bayan. Nadatnan niya ang mga batang naglalaro malapit sa fountain. Dito din madalas magtambay ang mga kapatid kasama ang mga kaibigan nila. Dito din nag-umpisa ang magandang pagtitinginan nila ni Brian at ito na rin ang ginawa nilang dating place. Sayang nga lang at naputol na ng tuluyan ang kanilang relasyon ng dahil sa mling panghuhusga.

Doon sa mini- forest niya napiling pumwesto. Sakto kasing masisilungan niya at makakalanghap pa siya ng sariwang hangin. Isang obra ang kaniyang gagawin. Ang ipinta ang mukha ng kaniyang tunay na ina. Memoryado na niya ang itsura ng kaniyang ina dahil sa walang sawang pagmamasid niya sa larawan nito. Buhay na buhay ang kaniyang ina sa ginawa nitong pagpinta. Naupo siya sa sementadong upuan at pinagmasdan ang napintang mukha ng ina. Napakaganda nito at napakaamo ng mukha. Kung buhay siguro ang ina, malamang ay hindi niya dadanasin ang nararanasan niya ngayon. Sana ay masaya siya kahit hindi buo ang pamilya. Naisip niya tuloy kung ano kaya ang pakiramdam ng may ina?

Napalingon siya sa mga batang naroon na ginagabayan ng kanilang mga ina sa paglalaro. Ang ilan naman ay kumpletong pamilya. May ama at ina ang mga bata na masayang naglalaro. Kailanman ay hindi niya naranasan ang tulad ng nakikita niya. Walang ina ang nag-alaga sa kaniya kundi ang kaniyang yaya Lourdes lang.

Muli niyang tinitigan ang pintadong mukha ng ina.

"Mama, nasaan ka man ngayon. Gusto kong sabihin sayo na mahal kita at hindi kita kailanman sinisi sa pagiging bastarda ko. Bagkus nagpapasalamat ako sayo dahil binuhay mo ako s kabila ng iyong paghihirap. Gabayan mo ako mama." animo'y nakikipag-usap siya sa isang anghel. Naramdaman nalang niya na parang may humaplos sa kaniyang likod kasabay ng makas na hangin sa kaniyang paligid. Napangiti siya.

THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon