Nakita ni Faith ang pangyayaring iyon. Agad niyang dinaluhan si Lia at tinulungang makatayo. Inirapan ni Faith ng masamang tingin si Brian.
"How dare you to do this to her Brian?" sigaw ni Faith sa palayong si Brian kaya napalingon naman ito.
"Darating ang araw at pagsisisihan niyo lahat ang ginagawa niyong ito kay Lia. Mark my word." galit na turan ni Faith at dinala ang kaibigan sa mga kasamahan nila.
Parang tumatak naman iyon kay Brian kaya napatulala siya pero pinilit mas nanaig parin sa kaniya ang galit.
"Babe, lets go!" pagyaya ni Jessica sa kaniya at sumama naman siya agad sa malanding babae.
Nagtipun-tipon ang magkakaibigan sa bakuran nila Neo upang icelebrate ang pagkapanalo ni Cedrick sa karera. Maluwang ang bakuran nila Neo at napapalibutan pa ng mga punongkahoy kaya sariwa ang nalalanghap na hangin. Magkaiba naman ang nararamdaman ni Lia. Masaya siya para kay Cedrick pero may lungkot din siya para sa kapatid na si Lian. Alam niyang kapag natatalo ito ay mainitin ang ulo.
"Sinabi sakin ni Faith ang nangyari kanina." usal ni Cedrick ng tumabi kay Lia.
"Okey na ako Cedrick. Wag mo akong alalahanin." tugon ni Lia na nakatingin lang sa kawalan.
"Pero nasasaktan ka."
"Mawawala din ito at tutulungan niyo naman ako di ba?"
Nagtitigan silang dalawa. Hinawakan ni Cedrick ang kamay ng dalaga saka ipinatong sa kaniyang hita at pinisil ito.
"Hindi ka namin pababayaan Lia. Pamilya tayo kaya sama-sama nating lampasan ang mga pagsubok sa bawat-isa sa atin." maemosyong pagtugon ni Cedrick. Gumaan naman ang kalooban ni Lia. Mahal na mahal talaga siya ng kaniyang mga kaibigan kaya dapat lang na suklian din niya ito.
Lumipas ang mga araw, nakatira parin si Lia sa bahay ni Faith. Natutuwa naman ang huli dahil may kasama ito at nakakalimutan din nito ang pangungulila sa mga magulang.
"Lia, dinalhan ko kato ng pagkaun ni Faith." tawag ni Cedrick na nasa kusina.
"Ang dami mo namang pinamili Cedrick." turan ni Faith ng lumabas siya ng kaniyang silid.
"Para sa inyo ni Lia yan."masayang sagot naman ng binata.
Ngumiti naman si Faith.
"Anyway, thanks a lot Ced."
"Its okey Faith saka isa pa obligasyon ko si Lia." titig na wika ni Cedrick.
Malapad na ngiti ang tanging naitugon ni Faith sa binata at siya namang paglabas ni Lia.
Ganon palagi ang ginagawa ni Cedrick. Dumadalaw siya sa bahay ni Faith upang magdala ng pagkain. Paminsan-minsan naman ay inaabutan niya ng pera si Lia para may panggastos ito. Minsan din ay kay Faith na siya naagbibigay.
Naisipan ni Lia ang maghanap ng trabaho. Pero lahat ng mahanapan niya ay nakiklala siya na anak ni Gov. Vallejo kaya hindi na niya naulit pa ang maghanap dahil nag-aalangan siyang mapag-usapan siya at nang pamilya Vallejo ng mga tao dahil alam ng lahat sa bayan na ang mga Vallejo ay may mga pag-aaring kumpanya.
Graduate si Lia at Laurice ng Accounting at sila ay CPA na ngayon. Si Lian naman ay isang Civil Engineer ngunit sa kasamaang palad ay ni wala sa tatlo ang kusang magpatakbo ng kanilang kumpanya. Sa tatlong magkakapatid si Lia ang pinakamatalino. Naggraduate siya bilang suma cumlaude sa UP at nagtop 2 sa board exam na labis na kinainggitan ni Laurice sa kaniya. Pero hindi iyon ang pinangarap niya. Fine arts ang gusto niyang kurso noon dahil mahilig siyang magguhit ang magpinta pero inayawan ng kaniyang ama at pinilit niyang tapusin ang kursong gusto ng ama hanggang sa magtapos sila ni Laurice ng kolehiyo sa pag-asang maipagmamalaki siya ng mga magulang.
BINABASA MO ANG
THE BASTARD(B1: LIA'S DIARY) complete
RomanceMga anak ni Gov. Miguel at Dra. Julianna Vallejo sina Lian, Laurice, at Lia. Si Lian, ang panganay at nag-iisang lalaki. Babaero, basagulero at laging nangunguna sa kaniyang mga barkada sa kaguluhan. Si Laurice, kapansin-pansin na sa lahat ng angk...